"Gisingin mo na lang"

152 11 1
                                    

April 1- 2 , 2020

Thanks to all my solid readers ! Love y'all💕😘

Para sa inyo to!🖤

"Ano bang bibilhin mo Eliza ? "

Nandito kami ngayon sa mall ni Pualsy dahil kailangan kong bumili ng regalo para kay Hendrix . Bukas na kasi ang 6th anniversary namin.

"Bibilhin ko lahat ng gusto ni Hendrix , syempre 6th anniversary na namin bukas at gusto ko masayang masaya siya . Isusurprise ko nga siya sa kanila eh"

"Alam mo tawag diyan? Isang SANA ALL! Ang swerte naman ni Hendrix ! Akin ka dapat eh inagaw ka lang saken . Hmp! "

"HAHAHA ikaw talagang babae ka tara na para di tayo gabihin "

-------
Nag ikot ikot kami at di naman ako nabigo na hanapin ang lahat ng gusto ni love .

Bumili na din ako ng mga art materials na gagamitin ko para sa effort .

Pagkatapos namin mamili ay kumain na kami sa favourite resto namin

--------

Were on the way na para sumakay ngunit nakita namin ang mga dati naming schoolmates .

"Kamusta kayo ? Arghhh namiss ko kayo" -Elizabeth

"Grabi ang tagal na natin di nagkita ahh"

"Oo nga eh ano nga palang ginagawa niyo dito?"

"Namili lang kami eto kasing si Elizabeth napakasweet bumili ng regalo para kay Hendrix " -Pualsy

"E-eliza , n-nakita namin kanina si Hendrix may kasamang babae "

Nalungkot ako sa narinig ko dahil wala naman si Hendrix na nababanggit saken na aalis siya at kasama ay ibang babae .
Pero hindi ko ipinahalata ito sa kanila.

"Ahh ganon ba baka iyong pinsan niya lang " pilit na ngumiti na lang ako sa kanila.

"Sana hindi ka niloloko ni Hendrix "

"Hmm hindi naman niya magagawa iyon saken sige na aalis na kami , ingat kayo ah " Pualsy

------
Pagkauwe ko ay agad kong hinanda ang gagamitin ko at sinimulan na ang paggawa.

Its already 3 am ng matapos ko ang lahat .

Ginawa ko kase ay ipinagsama sama ko sa isang katamtamang laki ng box ang lahat ng regalo ko at denesignan . Gumawa rin ako ng 100 reasons why i love you at inilagay sa isang maliit na box .

Gumawa rin ako ng mahabang liham at 6 na tula na ang laman ay kung ano ang nagyari sa amin nung taon nayun . Bakit 6 ? Syempre 6th anniversary na namin .

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon