CHAPTER 32: 1 Peter 3:3-4

38 5 0
                                    




"Third Person POV"



7:07am na ang oras nang madilat na ni Patrick ang kanyang mga mata mula sa mahimbing na tulog. Tatayo na sana siya sa kanyang kama nang bumungad sa kanya si Bobby na nakatayo at tinititigan si Kai.

"Anong ginagawa mo diyan? Kanina kapa gising?!"
Nabigla siya rito.

"Pagtripan kaya natin 'to?"
Natatawa namang sagot ni Bobby.

"Baliw kaba?! Alam mong may toyo yan kapag naalipungatan. Sige i-try mo nang mamatay ka ng maaga!"


Kasunod namang tumayo sa kama si Carl at agad na kumuha ng sipilyo sa kanyang bag.

"Good morning!"
Sambit nito.

Kasabay naman ng pagtayo niya sila Steven at William. Isa isa na silang tumatayo sa kanilang mga kama upang mag toothbrush.














"Ang aga mo natulog kagabi. Sayang. Hindi mo man lang naabutan yung pinag-gagagawa ni Kai! Hahahaha!"


"B-bakit ano nangyare?!"
(๑•﹏•)

Agad namang napatanong si Carl dahil sa mga ngiti ng apat.

Habang nagtatawanan ang apat ay bigla namang napatigil si Patrick na nagsisipilyo sa labas ng slide door. Nalunok niya pa ang tubig sa kanyang bibig ng may maalala siyang nangyare mula kagabi.

Nanlaki ang mata niya.


"Naalala niyo ba yung kagabi sa Basement?!"
(ꏿ﹏ꏿ;)




Agad niyang tanong sa tatlo na sila Patrick, William at Steven na pati sila ay napatigil din sa pagtawa.




Kinuha naman ni Bobby ang bote ng tubig.

"Wag mo nang ipaalala!"
(ᗒᗩᗕ)

"Oo. Natatakot lang ako eh!"
( ಥ‿ಥ)

Dagdag pa ni William.
Habang si Steven ay natawa nalang.




Si Carl ay napapakamot ng ulo dahil wala talaga siyang ideya sa nangyare kagabi.

"Ano ba kase yung nangyare?!"
   (   "ರ - ರ)  
Pagpupumilit na niya sa apat.

Bigla namang tumingin si William sa kanya.
"Kagabi kase habang pabalik kaming apat sa kwarto. Napalingon kami sa labas ng bintana. Hindi naman dapat namin papansinin pero lahat kami nakakita. May isang malaki at matangkad na tao kaming natanaw sa labas eh!"
Sambit nito at para bang natatakot.

Bago pa makapag salita si Carl sa kanyang narinig ay sumingit na si Steven.

"Alam niyo wag na muna natin yan pag-usapan!"
( ^ _ ^ ;   )

Natatawang sambit naman nitong dahil pati siya ay mukhang medyo natatakot din sa nangyare kagabi.









"Mas intidihin natin tong isa. Anong oras kaya nakatulog 'to si Kai. Akala ko mamatay na'to, sinakal ba naman ni Sir Jimmy kagabi eh! Hahahaha!"


"Ano sinakal ni sir Jimmy si Kai?!"
Lalo lang nagulat si Carl nang maisip na madami nga siyang hindi nalaman sa kanyang pagtulog.

"Akala nga namin ililibing nalang yan ngayon eh."
Dagdag pa ni William na lalong nagpatawa sa kanilang apat.


Habang nagtatawanan ang mga ito ay bigla namang pumasok si Jin sa kwarto.


"Gising na pala kayo. Nandun na yung mga estudyante sa labas kayo nalang ata ang inaantay."

Headshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now