CHAPTER 7: Colossians 3:9

86 5 0
                                    

"Kai's POV"

"Pano ba yan... Mukhang hanggang dito nalang tayong lahat."

Lahat ay nasa Control Room na at namamaalam sa isa't isa matapos nilang maiwanan ang mga zombie. Iniwanan nila ang mga sasakyan na bukas sa parking area upang doon lamang magsipuntahan ang mga zombie at hindi sa kanila.

"Sir Francis mag-iingat din kayo!"

                (COPY!  KAYO DIN MAG IINGAT!)

Eto ang pamamaalam ni Bryan sa lahat dahil sila din ay aalis na. Kahit na hindi alam kung saan pupunta.

"Mag iingat din kayo sana magkita pa tayo..."
Sagot ni Jimmy kay Bryan.

Ang lahat ay nag-aayos na ng sarili ngunit si Kai ay nagagawa pang makipag away kila Bobby na nasa likod. Pinag aawayan kaae nila ang mga natirang manok. Para na namang mga bata ang mababarkada.
Halos sumakit ang tiyan nila Steven at William ang pinagmamasdan sina Kai. Mainit na naman kase ang ulo nitong si Kai.

Walang nagawa si Kai dahil ayaw talaga siyang bigyan. Kaya naman lumapit siya kila Synthia at Heisly.

"May pagkain paba kayo? Pag gantong kagutuman ang usapan kayo ang malalapitan."


Bago man ito masabi ni Kai. Ay naunahan na siya.
Nagulat si Kai sa nagsalita. Dahil naunahan siyang manghingi ni Patrick.


"Oo meron last na'to....  Sa'yo nalang!"

Agad na pinanlakihan ng mata ni Kai si Patrick sa binigay ni Heisly.

Pagtalikod ng dalawang babae ay biglang hinawakan ni Kai ang kwelyo ni Patrick.

"Bigyan mo ko kung hindi papatayin kita!!"

Pananakot niya pa pero nginunguya na ni Patrick ang pagkain at hindi man lang sa kanya natitinag.
Pinagtatawanan na naman siya ng mga kumag.

Bibigyan na sana siya ni Patrick at hahatian nang may biglang tumapik sa kanyang ulo mula sa likod.

"Kainin mo itong sa akin. Busog pa'ko eh."

Si Selena, na binibigay kay Kai ang kanyang Lunchbox na kanina niya pinaghihirapan bitbitin kaya tuwang tuwa si Kai dahil sa wakas ay makakakin na siya.




Si Yanna naman ay lumapit kay Mario at inalok ito ng pagkain.

Napansin ito nila William at Steven matapos lumingon sa likod. Kaya hinaharangan nila si Kai upang hindi niya ito makita.





"M-mario pinabibigay pala ng kuya ko. M-Mukhang ikaw nalang daw kase ang hindi pa kumakain."
(ฅ'ω'ฅ)

Napatitig si Mario kay Yanna at ngumiti ng bahagya.

"Salamat... Busog pako eh. Pero yung tubig akin nalang. Ikaw ba kumain na?"

Agad na binigay ni Yanna ang bote at saka siya sumagot.

"H-hindi pa.... K-kase busog parin ako."
At saka siya pumunta kila Selena na pulang pula ang mukha.

Napatingin na lamang sila Steven kay Kai na agad na tinanong si Yanna.




"Yanna, kumain kana ba? Ang sarap ng kinakain ko oh!"

Agad niyang inalok si Yanna kaya naman sinibuan niya ito. Hindi na nakatanggi pa si Yanna dahil nagtatawanan na ang lahat.

Kilig na kilig na naman ang puso ni Kai.  Dahil ito ang unang beses na kumain si Yanna mula sa kanyang kutsara.

'Kapag kumain ako ulit sa kutsara na ginamit ni Yanna! Parang....   Para ko narin siyang nahalikan!'
   ฅ(๑*▽*๑)ฅ!!

Headshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now