CHAPTER 25: Proverbs 25:23

31 3 0
                                    



"CHIEF!"





Naitutok na ng lalaki ang baril sa ulo ni Ronald at ipuputok na ito.

Pero naunahan siyang itulak ni Mario!


"ANO YUN?!"

Sa iba tumama ang bala.

Nabigla ang lahat sa ginawa ng lalaki kaya naman agad nila itong pinagsasapak!
Binugbog ito nila Lagman at Paul.

Samantalang ang dalawang nitong kasamang lalaki ay hindi na pumalag.

"BA'T MO GINAWA YON!!?"
Tanong ni Paul sa lalaki habang sinusuntok ito sa mukha.

"BA'T MO GINAWA YONN!!!"

"TAMA NA YAN, PAUL!!"

Galit na galit si Paul at balak niya na sana itong bugbugin ng walang sawa pero napatigil lamang ang kanyang kamao ng hawakan na siya ni Ronald.

"Tama na yan."

Nagdilim ang paningin ni Paul at hindi niya man lang namalayan na napadugo iya na ang ilong at labi nito.

Agad niya itong binitawan sa kwelyo at saka tumayo upang magpalamig ng ulo.

Habang si Ronald ay nilapitan naman ang lalaking muntik ng pumatay sa kanya.

"Jhong..."

Kilala ni Ronald ang lalaki. Kilalang kilala niya ito.  Galit na galit parin itong nakatitig kay Ronald.

"Jhong...  Alam kong malaki ang galit mo sakin. Magmula nung makulong ka dito...    Dahil ba isa ako sa mga pulis na naglipat sayo sa kulungan na'to. Porket ba masaya ka sa unang kulungan mo?"

Tumayo si Ronald at kinuha ang baril na nasa sahig.

"Alam ko kaya nagagalit dahil yung mga taong dumadalaw sayo dati sa kulungan mo noon,  ay hindi ka na nagagawang dalawin dito ngayon."

Lumapit siyang muli kay Jhong.

"Naiintindihan kita.    Kahit na hindi ko kasalanan.     Naiintindihan kita kahit na mababa lang naman ang dahilan mo.     Pero sana maintindihan mo ko ngayon."

Inabot niya ang baril kay Jhong. Kung saan napatingin ito sa kanya.

"Hindi ko alam kung buhay paba yung mga pamilya mo pagtapos ng ilang taon mong nakulong dito. Pero ngayon na may pangalawang pagkakataon kana. Wag mo sayangin. May tiwala ako sayo!"

Sa sobrang galit ni Jhong mula sa kanyang narinig sa bibig ni Ronald.

Ay wala na siyang nagawa kundi ang maiyak na lamang. Maiyak sa mga salita na sinabi niya.
Maiyak sa katotohanan sumampal sa kanya.

"G-gusto ko lang naman makita ulit yung pamilya ko eh!    Pero...    Pero bakit ngayon pa!"
Nailabas niya na ang matagal na niyang kinikimkimkim.

Natahimik na lamang ang lahat sa kanyang pag iyak.

"Kwarenta singko, nako-     A-araw-araw kong hinihiling na sana buhay at maayos yung mahal kong anak at asawa! Gustong gusto kong makita sila kahit papano!     Pero ngayon di ko na alam kung buhay pa sila! Ano nang gagawin ko!!?"

Pati ang dalawa nitong kasama ay naiiyak narin habang pinagmamasdan siyang lumuluha.

Hinawakan siya ni Paul sa kanyang ilalim ng balikat at saka siya itinayo.

"Halika na! Wag na natin sayangin yung mga oras dito. Marami pa tayong pupuntahan!"

Naiiyak parin si Jhong pero tumalikod na lamang si Paul at nauna nang naglakad.



Headshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now