CHAPTER 12: Amos 3:5

55 4 0
                                    

"Third Person's POV"


"Mukhang nandito na tayo."

"P-pero... Alas singko na ng hapon ah?"

Eto ang pag-uusap nila Kai at Carl matapos makita ang isang malaking Hospital na nasa kanilang harapan.

Napakadaming zombie ang nasa labas pero para bang may mga tao sa loob dahil nakakandado ang lahat ng pinto.

Muling umandar ang sasakyan kaya nagtaka ang lahat ng estudyante. Lumayo sila Jimmy sa lugar at dumerecho sa isang lugar na madamo.
Doon na sila ngayon tuluyan ng huminto.

Nang makita nila Kai na bumaba sila Jimmy at Aiko, ay ganun din ang ginawa nila. Pati si Jin at Mario at bumaba rin.

"Kai saan kayo pupunta?"

"Makikichismis lang kami, Yanna!"
Sagot naman ni Steven kay Yanna dahil hindi na narinig ni Kai ang tanong niya.

Lahat ng estudyante ay nagsimula naring mag usap-usap matapos bumaba lahat ng mga Teachers.


"Sigurado ba kayo na nandito siya?"
Agad na tanong ni Aiko sa magkakapatid.

"Hinde. Pero nakita niyo naman kung gano ka secure yung hospital. Malamang... May tao parin. Baka nandun parin yung kapatid namin."
Agad na sagot naman ni Thea habang kumukuha na sila ng gamit at nag-aayos ng baril.

Napansin ni Aiko na parang hindi na nila ito ipagbubukas pa.

"P-pupunta kayo ngayon???"

"Oo. Wala na dapat kaming sayangin pa na oras!"
Ngiti namang sagot ni Thea kung saan napatalikod si Aiko at pumunta kay Jimmy.

"Wag mo nang sabihin sakin na tutuloy karin?"
Bungad niya agad nang makita na seryoso ang mukha niya.

"Oo."

Napailing nalang si Aiko at magagalit sana pero nakita niya ang mga mukha nila Kai at Mario na seryosong seryoso.

Pati ang mga teachers na sila Benjie, Larry at Robert ay pinipigilan si Jimmy. Nag-sasuggest sila na ipagbukas na ang pagpasok sa hospital.

"Pasensiya na. Baka bukas wala na tayong abutan na tao."

"Anong sagot yan eh para namang walang tao ang hospital?"

Pagrereklamo ni Larry pero sumagot si Benjie.

"Kaya sila gabi pupunta. Para kung sakaling may tao nga hindi sila mapapansin."

Napailing nalang ang tatlong sila Aiko,  Larry at Robert pero bigla nagsalita si Kai.

"Don't worry. Kami po bahala sa kanya!"

Nanlaki ang mga mata nila nang makita ang mga pagmumukha nito. Ang grupo nila Kai,  Mario,    at
mga Football Club ay seryosong seryoso na sasama lahat.

Hindi na ito pinahaba pa ni Jimmy kaya naman umakyat na siya sa loob ng bus at inasikaso ang mga gamit. Habang si Yanna ay dumerecho sa kanya.

Nagkatinginan silang dalawa at para bang pipigilan ni Yanna ang kanyang kuya.

Pero hinde.

"Mag-iingat ka kuya.  A-Alam kong uuwi naman kayo ng buo diba?"
Tanong ni Yanna.

"Oo naman." Sagot naman ni Jimmy nang hindi tumitingin sa kanya.












"LET'S GET READY TO RUMBLE! "

Nang marinig ito nila Kai ay agad na silang nag si akyatan. Upang mag-ayos narin ng gamit. Parang excite na excite pa ang mga ito dahil sa pinapakitang energy.

Headshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now