CHAPTER 2: Numbers 21:6

350 13 0
                                    

"Kai's POV"

Sa wakas! Walangya!
We just arrived in the Manila International Airport (MIA). Kanina pako atat na ata na makababa sa bus na'to!

"Pumila na kayo, guys. Always remember all I said earlier okay!"

Pinapababa na kami ni sir Kevin ng bus dahil kami pala ang huling dumating sa airport all of that 13 Buses, kami pa ang nahuli. Malas talaga!

At kanina pa'ko nabi-bwisit sa mga kasama kong ito. Kung di lang dahil kay, Yanna, eh basag-basag na ang mga panga netong mga baliw kong kasama kakatawa sakin. Para kong may mga kasamang demonyo dito.

"Anong problema, Kai? Kanina kapa hindi nagsasalita ah, may probelama ba?"

Tanong sa akin ni Steven habang bumaba na ang ibang estudyante. Hindi parin sila tumutigil sa pang kukutya sa akin at halatang lalo pa nila kong aasarin base sa kanilang mga tono.

"Napahiya ata yan kanina!" sabi naman ni Bobby.

"Tingin ko nasaktan yan eh! Hahahahaha!"
Dagdag pa ni Patrick.

"Ah baka kase nandiyan si..."

Bago pa maituloy ni William ang kanyang sasabihin ay hinawakan ko na ang kanyang leeg habang sinasabing "Magsalita kapa! Mamatay kana! Kanina niyo pa'ko inaape! Mga wala kayong silbe!"

Dinig ko ang mga tawanan ni Synthia at Heisly habang pinagmamasdan kaming mag-gaguhan dito.

"Nasaktan bakit ano nangyare kay, Kai?"

Lahat ay napatingin kay, Yanna, sa biglaang tanong nito. Mukhang ngayon niya nga lang napansin ang mga bandages ko sa mukha kung di lang dahil kay Marten.

Habang si Selena naman ay napansin kong umiling iling na parang sinasabi na.

"Sorry, inosente siya." ( - _ -p)

"Nako wala yun, Ashley! Okay lang si Kai. Nauntog lang kagabi! Hahahahaha!"

"Oo nga! Hahahaha! Matigas ang ulo netong kaibigan namin kaya okay lang siya!"

Sagot naman nila Steven at William, na lalo namang nag pabwisit sa akin! Mga animal.

"Mabuti pa, Yanna, bumaba na tayo!"

"S-sige! Pero sigurado kabang okay ka lang?"
Tanong niyang muli sa akin habang kinukuha na ang kanya mga gamit sa itaas

Inaamin ko. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong tao sa akin. Sa sobrang inosente niya, diko alam kung paano ko siya masasaktan. Napaka caring.

Ang cute niya lalo. Sa height niyang 5'5 kumpara sa height kong 6'3 eh halatang bagay na bagay kami.

Hehehe.

"Nako! Wala yun! Dapat nga mas mag alala ka kung saan ako nauntog eh!"

(σ≧▽≦)σ

Pagbibiro ko at agad naman siyang natawa.
Nakakabaliw talaga ang mga ngiti niya. Para kong mamamatay na matatae.

"Yanna, ako na magbubuhat ng mga gamit mo!"
Maigi kong tanong habang hindi pinapahalata yung nginig ng kalamnan ko. Kinakabahan ata ko ah.

"Thank you, Kai. Pero kaya ko na'to." (> = < " )

Mahinhin niyang sagot habang hinahatak ang malaking bag sa itaas, pero nalaglag niya lang noong nakuha niya na.

Na-awkwardan siya ng konte kaya inunahan ko ng kunin yung bag sa kanya at wala na siyang nagawa pa.

"Sabi ko naman ako na eh!"

( / ^ u ^).

Umakbay sakin si Selena habang nauuna na sa amin si Yanna sa pila, at saka siya nagsalita.

Headshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now