CHAPTER 34: Mathew 12:33

36 3 0
                                    

"Third Person's POV"


Nagsimula ng patakbuhin nila Jimmy at Aiko ang mga estudyante paikot ng lugar matapos nitong mag training ng tamang pagputok ng baril.

Puro puno at halaman ang kanilang dinadaanan kaya naman walang problema sa kanila na may masulubong na zombie. Pero ang iba ay hindi parin nagsasawalang bahala.

Sila Kai at ang ang grupo nila Yanna ay nasa bandang dulo ng pila ng jogging habang sila Mario at Jin ay nasa unahan at likod lamang nila Jimmy.

Habang si Rocky ay kasabay rin nila na nasa unahan pa nila Jimmy at mukhang natutuwa sa kanilang ehersisyo.

"Ma'am kanina pa tayo tumatakbo. Wala po bang pahinga ito?"

Tanong ni Trixie kay Aiko na pawis na pawis na pati ang mga kaibigan niya.

"Wala. Tumakbo lang kayo!"
Sagot naman nito.

"Wag kayong titigil sa pagtakbo! 5 minutes nalang kaya tiisin niyo! Kapag hinahabol na kayo ng zombie maiisipan niyo pabang magpahinga!"
Dagdag pa ni Jimmy sa mga estudyante kaya naman natahimik na sila sa mga tanong at tinuloy ang pagtakbo.

Habang nagpapaliwanag pa si Jimmy sa kanilang susunod na gagawin ay di naman napigilan ni Kai na magsalita at mainis.



"Ano kayang nakain ni Jimmy, alas-nuebe na ng umaga pinag-jogging pa tayo! Siguro nasisiraan na siya ng bait! Dapat kanina pang maaga to eh!"
( ?ಠ益ಠ)

Reklamo ni Kai habang tumatakbo sa likod nila Selena.

Bigla namang may natawa sa gilid niya.


"Sensya kana sa kuya ko ah. Para din kase satin to Kai eh."

Na agad namang nakapag palaki ng mata niya.


"HAHAHAHAHA!"

Tawang tawang ang lima na sila Steven habang pinagmamasdan si Kai sa nasabi niya dahil nakalimutan niya palang katabi niya lang sila Yanna.

"A-hh... Yanna... B-biro lang yun. At saka maganda nga tong pinapagawa niya satin eh. Nakakapag ehersisyo  tayo. Hehe!"
(;^ω^)

Pag papaliwanag pa nito kung saan sumang-ayon naman si Yanna.

"Tinanong ko rin pala ito kay kuya Jimmy kanina, bago tayo mag jogging. Dapat daw maaga talaga ang simula nitong Jogging kaya lang meron daw problema kagabi dahil sa isang magulo na estudyante."

Dagdag pa ni Yanna habang hingal ang boses.

Lalong nagpigil ng tawa sila Steven dahil si Kai ang tinutukoy nito.

Pero lalo lamang silang nagulat sa isinagot ni Kai.

"T-talaga?! Sino kaya yung walangyang yun?! Dapat dun maparusahan ginugulo niya ang training natin!! Kung sino man siya! Wala siyang silbe!!"








Galit pa na sagot ni Kai kay Yanna. Kaya naman lalo lang nanlaki ang mata ng lima sa gulat.


"Grabe... siya lang nakakagawa ng ganyan!"
Bulong pa ni Steven habang di makapaniwala ang lima.


"Sus kunwari pa..."

Sisingit pa sana si Bobby at aasarin si Kai pero bigla nalang may humampas sa bibig niya.





(ノ ̄皿 ̄)ノ(  ノ`Д´)ノ


"Wag mo na asarin hahaha!"
Pag-akbay ni Carl kay Bobby matapos niyang makatikim ng hampas mula kay Kai..







Headshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now