CHAPTER 8: Ecclesiastes 5:12

100 6 0
                                    




Ala-una na nang hapon, at hindi parin nila alam kung saan ba talaga ang pupuntahan nila. Nasa loob parin sila ng magulo at malaking siyudad.
Pati sina Kai na kaninang mapayapang nag iisip ay naiirita na sa kanilang andar.

Kada lugar na kanilang nadadaanan ay lalo lang silang nagugulat sa mga kanilang nakikita.
Ang bilis nang pangyayare. Na para bang kanina lang ay maayos pa ang lahat.


"May bago akong words na naimbento dahil sa ginagawa natin."

Biglang salita ni Bobby kaya naman napatanong si Selena sa kanya.

"Ano?"

"Horror Fieldtrip."

Hindi na siya nakasagot pa at napaisip narin. Napatingin narin ang mga estudyante sa isang lugar na may istatwa. Isa itong dating tahimik at mataong Park, na ngayo'y naging madugo na. Mga patay na naglalakad, mga taong tumatakbo at hinahabol ng zombie.
Paulit ulit na ganun ang mga nakikita nila.








Napadaan din sila sa isang mahabang walking view, sa tabi ng dagat,  na dati ay ginagawang lakaran ng mga tao.

Napansin ni Heisly ang isang lalaki na naglalakad habang may mga nakatali na lobo sa kanyang kamay. Kinuha ng zombie na'to ang atensiyon niya.
Nalulungkot at naaawa siya sa tuwing naiisip ang ibang mga tao.

"Kawawa naman si kuya."

Sabi pa ni Synthia sa kanyang tabi.

Pati ang dalawang timba ng taho na nakataob sa kalsada ay hindi rin nila nagawang hindi pansinin.

Sila Jin at Mario na magkatabi sa upuan ay walang masabi sa mga nangyayare sa labas.






Maya-maya pa ay nilingon na ni Yanna si Kai sa likod.

"Kai, pwede ko bang mahiram si Rocky?"

"Uh... Oo..   Sorry kanina ko pa pala siya hawak! Eto oh!"
(*´∇`*)

Tuwang-tuwa na sagot ni Kai.

Natatakot na kase si Yanna kaya naman isinara niya nalang din ang kurtina at niyakap si Rocky matapos iabot sa kanya.

"Mukhang gusto niya nang may mayayakap a." Mahinang bulong ni Carl na narinig ni Kai at Steven dahil napansin niya na parang nalulungkot at natatakot si Yanna.

"Sana pala naging aso ako minsan para nayayakap din ako. Hahahaha!"
Malokong bulong  ni Kai habang iniimagine na niyayakap siya ni Yanna.
Talagang tuwang tuwa siyang pinapantasya na yakap siya ni Yanna kahit bilang aso.

♡ ヘ( ̄▽ ̄*)ノ  "Waahh!"



Kaya naman nagbiro agad si Steven.

"Sige nga tahol ka nga!"













At agad siyang hinampas ni Kai sa bibig.


*BANG*



"Tumayming ka kase kapag mang aasar."
Bulong ni Carl habang pinagatatawanan si Steven na hawak-hawak ang bibig at hindi na makapag salita.


Si Kai ay nakangiti parin habang iniisip ang mga yakap ni Yanna.




"BALIW NAYAN."
Biglang dag-dag pa ni William.






At isa rin siyang nakatanggap ng malutong na sampal.



"Sabi ko kase wag niyo aasarin kapag good mood e!"

Headshot (COMPLETED)Where stories live. Discover now