11. Lunar Academy

Start from the beginning
                                    

Napatingin ako sa mga palad ko. Habang tumatagal ay nagkakaroon ako ng kakayahan na hindi ko pala alam na kaya ko. Mas lalo ko ng nagagamit ang gift ko.

Dahil sa nakita ko sa hinaharap ay napagdesisyonan kong lumayo sa gubat. Hindi pa ako gano'n kalakas para harapin sila. Kaswal lang akong naglalakad sa gitna ng ulan. Hawak-hawak ko ang payong na pinapamigay sa bungad ng tunnel.

Alerto ako sa paligid. Hindi nagtagal ay nakuha ng atensyon ko ang babaeng naglalakad sa harapan ko. Naramdaman ko ang pagbabago ng mga mata ko.

Doon ko pinabagal ang oras na ako lamang ang nakapapansin.

Then... I saw it.

A Gifted took the woman's wallet without her noticing it. Sobrang bilis niyang tumakbo. Sa tingin ko ay gift niya iyon.

Hindi ako nagdalawang isip na sundan siya. Hindi ko pwedeng sugurin siya ngayon dahil baka may sibilyan na madamay.

Sobrang bilis niyang tumakbo, kahit pinapabagal ko na ang pagtakbo ng oras ay malabo pa rin siyang mahabol ng mga mata ko. Napaismid ako nang tumakbo siya papunta sa gubat.

Naningkit ang mga mata ko. It looks like I can't easily change the future...

Kahit nag-aalinlangan ako ay sinundan ko pa rin siya. Patuloy lang ako sa paghabol nang mapansin kong may sumusunod na rin sa akin.

Natigilan ako sa pagtakbo. Dahil do'n ay hindi na nahabol ng tingin ko ang Gifted na hinahabol ko.

Napunta ang atensyon ko sa paligid ko. Parang isang iglap lang ang nangyari at natagpuan ko na lang ang sarili kong pinalilibutan ng isang grupo.

Red eyes with fangs and pale skins... Vampires.

Kagaya ng nakita ko sa hinaharap. Hindi ko nga talagang maiiwasan ang mga magaganap.

"What do have here, a little lady?" natatawang sambit ng isa sa mga bampira.

Matalim ko silang tinignan. "I don't have business with you. Paraanin ninyo 'ko," taas noo kong sagot.

Nagsitawanan sila sa sinabi ko. May isang lalaking bampira ang lumapit sa akin.

"Ikaw ang nasa teritoryo namin. Ayus-ayusin mo ang pananalita mo."

Napaismid ako sa sinabi niya. Muli kong naramdaman ang pagbabago ng mga mata ko. Sabay-sabay silang nagsiatrasan.

"A-An heiress of Cronus," hindi makapaniwalang sambit ng lalaking kaharap ko.

"Ayoko ng gulo. Paraanin ninyo 'ko," walang kaemo-emosyong sambit ko.

Bago may makasagot sa akin ay pare-parehong nakuha ang atensyon namin nang may isang bampirang biglang sumulpot.

"Regon! Ang anak mo! Kinuha ng mga tulisan na Gifteds!" ani nito.

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang lalaking kaharap ko—ang tinawag na Regon. Nakuha ng sinabi ng bagong dating ang mga atensyon namin. Hindi nag-aksaya ng oras si Regon at mabilis itong nawala sa harapan ko.

Naningkit ang mga mata ko. Tulisan...

They're the bandits that I'm after.

Nabigla ang mga bampira na naiwan nang sumunod ako sa lalaking umalis.

Magkasunod kaming tumatakbo hanggang sa nakalabas kami sa gubat. Doon bumungad sa amin ang lugar na bakante at parang walang nakatira. Parang bundok ang patong-patong na mga basura.

Medyo nag-alinlangan ang bampirang kasama ko na tumuloy pero pumunta pa rin ito. Kagaya niya ay nagpatuloy rin ako sa pagtakbo.

Hindi nagtagal ay sumalubong sa amin ang isang grupo ng kabataan. Ang isa sa kanila ay may hawak-hawak na babaeng bampira. Mukhang ito ang anak ng bampira na kasama ko.

"Hoy tandang may pangil! Hindi ba matagal na kayong nabubuhay? Saan ang alam niyong may gintong nakatago?" maangas na sambit ng isa sa mga tulisan na karahap namin.

Ang Gifted na may hawak sa babaeng bampira ay nagbago ang mga mata. It turned blue. Hinawakan nito ang kamay ng bampira at unti-unti itong naging yelo.

"Aerin!" nag-aalalang sambit ng bampirang kasama ko.

"Sagot, tanda!" muling sambit ng tulisan.

Nanginginig ang bampirang kasama ko at hindi makapagsalita. "W-Wala akong alam! Bitawan niyo ang anak ko!"

Napaismid na lamang ako. Wala siyang magagawa kung gaganiyan lang siya... mga Gifteds ang kaharap niya. Hindi ko masisikmura ang pagnood lang sa kanila.

Wala akong kaemo-emosyong humakbang papalapit sa tulisan na kaharap namin. Napunta ang mga atensyon nila sa akin.

"H-Hoy, bata! Anong ginagawa mo?!"

Natigilan ako sa sinabi ng isa sa kanila. Kumunot ang noo ko at nakaramdam ako ng pag-init ng ulo ko.

"Hey, brat. Anong sinabi mo?" may tonong tanong ko.

Kumunot din ang mga noo nila. "A-Ang sabi ko, Hoy bata-"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang bigla siyang matigilan. Tuluyan ng nagbago ang mga mata ko at tumigil ang oras. Sunod-sunod na umawang ang mga bibig nila.

Kinuha na ni Aerin ang chansa na iyon at mabilis siyang pumunta sa ama niya. Sinundan siya ng mga mata ko.

"P-Pa!" Sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap.

"T-Thank you." Nangungusap ang mga mata ng bampirang nagpasalamat sa akin.

Isang ngiti lang ang sinagot ko sa kaniya bago muling tapunan ng tingin ang grupo ng kabataan na Gifteds. They're really in trouble right now.

Magkakrus ang mga braso ko habang nakaharap sa kanila—parang isang ina na pinapagalitan ang mga anak niya.

"Brats, you said something you shouldn't have... that's why you should pay for it."

They look so confused and dumbfounded. But they can't say a word because of my gift.

"From now on, you'll study at Lunar Academy. You'll join a Guild and catch your fellow criminals. I'll be your Principal."

I smirked. "I don't accept refusals."

₪₪₪₪₪₪₪₪

Kinabukasan ay bumalik ako sa Lunar Academy kung saan bumungad sa akin si Crimson. Alam ko na ang sasabihin niya kaya mabilis ko na siyang inunahan.

"I've decided... the qualifications for joining the Lunar Academy," pangunguna ko.

"First, you gotta be a criminal."





The Forgotten Queen: The Cursed GiftedOn viuen les histories. Descobreix ara