20. The kid she saw

16.2K 1K 123
                                    

AFTER 11 YEARS

With a cup of tea on my right hand and a bouquet of white roses on the other, I casually walked in a tracks full of dry leaves.

Nahuhulog pa ang ilang dahon sa akin kada humahampas ang hangin.

Pinuntahan ko ang puntod nilang dalawa. Matagal-tagal na rin noong huli akong nakadalaw sa kanila. This is the city where they're buried... under the special tree.

This is the city where they first met, they said.

Hindi nagtagal ay natagpuan ko ang sarili ko sa tapat ng dalawang libingan na may nakaukit na pamilyar na mga pangalan.

Sa ilalim ng isang ginintuang oak tree.

I flashed a warm smile.

Scarlet. Evan. Long time no see.

Ibinaba ko ang mga dala-dala kong bulaklak para sa kanila. Walang ekspresyon akong nakatingin sa nasa harap ko.

"Don't worry... soon, magkikita-kita na rin tayo," sambit ko na para bang kausap sila.

Akmang iinumin ko na ang tsaa na dala-dala ko nang matigilan ako.

May paparating.

Sa totoo lang ay hindi ko mapapansin ang presensya niya kung hindi ko lang nakikita ang hinaharap.

Dalawang segundo lang ang lumipas nang malaman kong may paparating ay sumulpot din ito kaagad. Hingal na hingal siyang huminto sa likuran ko.

"H-Hoy bata! Ibigay mo sa akin ang mga meron ka!" mariin na sambit ng isang lalaki.

Walang gana ko itong hinarap. He looks like he's a 14-15 teenager. He has a gray hair and dark brown eyes. Hingal na hingal siya at sunod-sunod na nagsisituluan ang mga pawis niya.

"I-Ibigay mo sa akin ang lahat ng meron ka!" pag-uulit niya.

Tinapunan ko siya ng tingin. He's robbing me... without any kind of weapon.

"How much?"

Natigilan ang lalaki sa sinabi ko na para bang hindi niya ito inaasahan.

"H-Ha?" pagtataka niya.

"Don't waste my time, kid. How much do you need?"

Hindi kaagad nakaimik ang lalaki sa sinabi ko. Akala ko ay hindi siya makasagot sa pagkabigla niya sa sagot ko.

Pero tulad niya ay hindi ko rin inaasahan ang magiging sagot niya sa akin.

Dahan-dahan niyang tinuro ang tasang hawak-hawak ko.

"T-That. Give me that!"

Napaawang nang kaunti ang bibig ko bago ko tignan ang tasang hawak-hawak ko.

"This? Ayaw mo ng pera? Hindi ba magnanakaw ka?"

Iritado akong tinignan ng lalaki. "Aanhin ko ang pera mo kung kahit anong oras ngayon ay pwede akong mamatay sa gutom?! Akin na 'yan!"

Hindi na niya 'ko hinintay na sumagot pa at sapilitan niyang kinuha sa akin ang tsaa.

Hindi maipinta ang mukha niya habang iniinom ang nasa tasa pero pinagpatuloy niya pa rin ang pag-inom.

Nang matapos niyang inumin ang tsaa ko ay magalang niyang ibinalik sa akin ang tasa na hindi ko inaasahan.

"M-Maraming salamat," pagpapasalamat niya.

I scoffed, before taking back my teacup. "It's my first time experiencing getting robbed then thanking me after."

Nahihiyang tumingin sa akin ang lalaking kaharap ko at nanatili siyang nakaiwas ng tingin.

"I-I'm not a thief. Hindi ko lang talaga kaya. Isang linggo na akong walang kain o inom man lang," walang kaemo-emosyong sambit sa akin ng lalaki.

The Forgotten Queen: The Cursed GiftedWhere stories live. Discover now