15. Goodbye, first love

16.6K 1.1K 267
                                    

Bakit mapaglaro na masyado sa akin ang tadhana?

Ipararanas nito sa akin ang saya at babawiin na lang din bigla-bigla.

Okay sana kung isang beses lang... pero paulit-ulit niya 'kong sinasaktan.

It has already been 22 years since Scarlet left. At the age of 54, she died because of sickness.

Akala ko 'yon na ang pinakamasakit na mararanasan ko...

Hanggang sa magpatanto ko, hindi lang pala siya ang nakasama ko.

"Auntie," pilit na ngiting sambit sa akin ni El. Kalalabas niya lang sa hospital room.

Tulak-tulak niya ang wheel chair ng isang lalaki. Hindi hamak na ang laki na ng tinanda niya kumpara sa huling pagkakaalala ko. Pilit akong ngumiti nang magtama ang mga tingin namin.

"You look great," natatawang sambit ko.

Isang tawa ang ipinakita sa akin ni Evan. "Nice to see you too, Helena."

Umalis sa likod ng wheelchair si El at ako ang pumalit sa kaniya. "So where do you want to go?" marahang tanong ko.

Kumurba ang labi ni Evan sa isang ngiti. "Anywhere, as long as I can see the sunset."

Tulak-tulak ko ang wheel chair at dinala ko si Evan sa likod ng ospital. Kung saan makikita namin ang paglubog ng araw.

Kaswal lang akong naglalakad nang nagsimulang magsalita si Evan.

"Hey, Helena," pagtawag niya sa akin.

"Do you believe in first love?"

Tila natigilan ako sa sinabi niya. Pasimple akong mapait na napangiti.

Bakit kailangan pareho sila ng sasabihin sa akin ni Scarlet?

Pilit akong tumawa. "Oh come on, I've never been fallen in love, Evan," natatawang sagot ko.

Narinig ko ang pagtawa ng lalaking kasama ko habang tulak-tulak ko ang wheelchair.

"Oh, what a stupid thing for me to say," sambit niya.

"But you know what, I think Scarlet wasn't my first love."

Nahinto ako sa pagtulak sa sinabi niya. Unti-unting nawala ang pilit kong ngiti. "W-What do you mean?" marahang tanong ko.

Nakangiting nakatingin sa palubog na araw si Evan. Tila sumabay sa paghampas ng hangin ang mga puno. Sumama rito ang mahahaba kong dilaw na buhok.

"I believe that Scarlet is the love of my life. But she was not my first love."

Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko. Pinilit ko pa ring tumawa sa sinabi niya. "O-Oh come on, so sino naman?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Alam kong imposible ang nasa isip ko. Pero sa kaloob-looban ko ay gusto ko pa ring umasa.

Narinig ko ang pagtawa ni Evan.

"Well, that's the problem. I also don't know who," natatawang sagot niya.

"You know that kind of feeling? Iyong pakiramdam na parang may nawala sa'yong importante pero hindi mo alam kung ano?"

"Siguro ay bago kami magkakilala ng taong para sa akin talaga ay naaksidente siya or something like that. Maybe I have that kind of thing. You know? The one that got away."

Sa kabila ng pagtawa niya ay ang unti-unting pagsikip ng dibdib ko. Mabilis kong pinigilan ang sarili kong maiyak.

"But I'm glad. Dahil dahil do'n ay nakilala ko si Scarlet," muling sambit ni Evan.

Nanatili siyang nakatingin sa tanawin.

"Hey, Helena. Can I ask you a question?" pag-iiba ng lalaking kasama ko.

"A-Ah, s-sure."

Mahigpit kong hinawakan ang handle ng wheelchair at huminga nang malalim upang mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

"Pumasok man lang ba sa isip mo na paano kung hindi mo nakuha ang gift mo? I mean, I know that your gift is strong..."

"But if you were given a chance to choose what your life will be, will you still choose your life now?"

Lumakas ang paghampas ng hangin. Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya.

Kung alam mo lang Evan kung ilang beses na pumasok sa isip ko kung paano kung hindi ako ang nakakuha ng gift na 'to.

Kung ilang beses kong pinagisipan ang mga paraan para maibalik ko ang lahat sa dati.

Kung ilang beses kong hiniling na sana hindi na lang ako.

Na sana iba na lang...

But the answer to your question...

"If I were given a chance to choose what my life will be..." I tried to smile, as if he can see me.

"I will still choose my life now."

Tila nabigla si Evan na hindi inaasahan ang sagot ko.

"Woah? Really? Well. Hindi na rin siguro masama ang buhay mo ngayon hindi ba? You can control time. At sinong ang ayaw na hindi tumanda," natatawang aniya.

Nakitawa na lang din ako sa sinabi ni Evan. Kapwa kami nakatingin sa palubog na araw.

Hindi 'yon ang dahilan kung bakit gugustuhin ko pa ring piliin ang buhay ko ngayon.

Kahit sa kabila ng mga narasan ko. Kahit hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nasaktan at umiyak.

But if I were a given chance, I will still choose my life right now.

I would still choose to be Helena. A little girl with a blonde hair. And likes teas, I guess.

Gugustuhin ko pa ring maging isang prinsesa, na una mong nakilala. Ang babaeng una mong pinangakuan ng kasal.

Kahit nakalimutan ako ng lahat, kahit huminto na ang oras ko.

Hinding-hindi ko ipagpapalit ang mga masasayang alaala na nakuha ko sa loob ng ilang taon...

Even if you don't remember your memories with me, it's fine as long as I can remember it.

If I was given a chance to choose what kind of life I would like to have, I'll still want to be me and meet you again.

"Hey, Helena," pagtawag sa akin ni Evan.

"Can you watch them for me?"

Kumurba ang labi ko sa isang ngiti. Muli kong tinignan ang palubog na araw.

"You don't have to ask me for that."

"I promise to watch over them for you, and for Scarlet."

"After all, I'm also a Portugal."

Evan and I spent our time watching the sunset together.

It was his last time watching the sunset.


The Forgotten Queen: The Cursed GiftedWhere stories live. Discover now