ADKBG 72

3.7K 117 4
                                    

Reign

"Love gusto mo magtanan na tayo?" Napataas ang kilay ko sa salitang binitawan ni rowan.

Nasa livingroom kaming dalawa habang tutok na tutok sa pinapanood naming Queen of Mystery kung saan involve ang isang lalaking pulis at ang babaeng asawa ng isang prosecutor na gustong maging pulls/Investigator at the same time.

Maganda ang movie lalu na ang genre dahil hindi lang siya mystery may comedy pa.

Anyway.

Umayos ako mula saaking pagkakaupo at tumingin sakanya ng nakataas ang isang kilay.

Anong trip ng isang to?

"Bakit?." Takang tanong niya.

Tinawid ko ang espasyo naming dalawa. Bigla naman itong umusog palayo sakin pero hindi ako tumigil hanggang sa makaupo na ako sa lap niya.

Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya na akala mo naman hindi ko ginagawa ito sakanya dati tss.

"L-love..b-balik ka-kana sa upuan m-mo"

What the! Ano bang meron sa babaeng ito at nagkakaganyan siya?

Nahihiya ba siya?kaming dalawa lang naman ang andito at normal lang ito para sa magkasintahan.

"Ano bang problema mo madalas naman akong umuupo sa lap mo ah" bigla akong napaisip kaya nakaramdam ako ng paginit ng ulo.

"Umamin ka nga may iba kaba ha!" Bigla namang naglikot ang mga mata niya.

"Hoy!tumingin ka sakin!" Hawak ko sa dalawang pisngi niya, umiiwas parin ang mga mata niya.you leave me no choice

"Titingin ka sakin o itatapon kita palabas ng condo" mabilis naman itong tumingin sakin.

Under.*smirk*

"Ngayon sabihin mo sakin kung bakit ka nagkakaganyan" maautoridad kong sabi.

Lumipas ang ilang oras pero wala arin siyang sinasabi nag-umpisa naring uminit ang dugo ko sa pag-iwas ng mata niya.

Hindi na takot-_-

"Sa sala ka matutu----"

"I miss you..." Natigil naman ako sa dapat kong sabihin.

Unti unti akong napangiti ng marealize ko ang sinabi niya.

Napayuko siya, sus nahiya pa haha.

Inangat ko ang mukha niya at mabilis siyang ginawaran ng halik.

"I miss you more..pero hindi kaparin abswelto sa ginawa mo last week! Sa condo pa talaga natin huh" pagmamataray ko.

Maglalagay na talaga ako ng 'no animals allowed' sa pinto ng malaman niya na bawal siyang pumasok sa condo namin.

Nakakagigil talaga ang babaeng yon!kahit saan sumusulpot parang aso ang lakas ng pang-amoy.

Kayang kayang sundan kung nasan ang pwde niyang makain gezzz

"Can you hear me out first?...alam mo naman na hindi ko magagawa ang bagay nayon sayo..sadyang kailangan lang ng tulong ni claire kaya pinagbigyan ko narin siya alang-alang narin sa katungkulan kong panatilihing ligtas ang kapakanan ng bawat isa"

Ugh!andito nanaman ang nakakainis na katungkulan niyang yan!

"Malaki na si malands i mean claire kaya niya ng sulusyunan ang sarili niyang problema at bakit sayo?!bakit hindi sa mga security guard sa lobby. Pinapaalala kolang na pulis ka sa labas pero hindi sa loob ng condong to. Ang hirap kasi sainyong mga pulis masyado kayong nagpapakabayani, lahat nalang gusto niyong tulungan edi sana naging wonder woman nalang din kayo tss" napahalakhak siya ng bahagya.

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Where stories live. Discover now