ADKBG 62

3.6K 134 11
                                    

Rowan

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa mga nalaman ko.

Nakakaalala na si reign ni hindi ko manlang napansin yon lalu na sa kininilos niya.

Nagmukha tuloy akong manhid kung hindi pa siya umiyak ay baka cold parin ang pakikitungo ko sakanya.

Nagulat talaga ako ng makita ko siya sa presinto last week pero ang mas kinagulat ko ay ang paghihintay niya sakin ng matagal.

Bakit nga ba hindi pumasok sa isip ko na posibleng nalaman niya na ang katotohanan kaya nagawa niyang magtimpi at mag hintay ng ganon katagal.

"Dude"

"Sssh" napatakip naman siya sa bibig niya ng sensyasan ko siya na wag siyang maingay.

Kasalukuyan kami ngayong nagtatago sa likod ng sasakyan ng isa sa mga nakapark dito sa coffee shop. Ano pa nga ba edi sinusundan parin namin ang dalawa pero ngayon mas nawawalan kami ng ebidensiya dahil parang mas nagiging safe ang mga galaw nila.

"Ouch! Dude naman pwdeng inform mo muna ako kung aatras ka" daing niya habang nakahawak sa baba niya.

Medyo kumirot din ang ulo ko pero hindi naman yon ganon kasakit. Mabilis ko siyang hinawakan ng mapansin kong palabas na sila ng coffee shop.

"Teka diba yun yung nakita natin noon?" Tukoy niya sa lalakeng nakahood at nakasuot pa ng shades.

"Kilala mo ba siya?" Umiling ako. Paano ko yon makikilala eh diko nga makita ang mukha pero may kakaiba talaga sakanya.

Tingin ko siya na ang makakasagot sa mga katanungan ko. Nang makaalis na ang kanya kanya nilang sasakyan ay mabilis na kaming sumakay sa sasakyan ko.

"Sinong susundan natin sa dalawa?" Hindi ako sumagot bagkus ay nagfocus lang sa itim na van na minamaneho ng lalakeng kausap nila river kanina.

"Tandaan mong mabuti ang lugar na dinadaanan natin kapag may nakita kang kahina-hinala sabihin mo agad sakin" naaninag ko sa gilid ng mata ko ang pagtango niya.

Hindi talaga ako mapakali sa bagay nato para talagang kakaiba itong lalakeng to. Hindi ko lang ma figure out kung ano nga batong nararamdaman ko.

Mas naging alisto ako ng tumigil siya sa isang abandonadong building. Malayo ang pinagparkehan ko kaya sigurado akong hindi nila kami mapapansin dito.

"Tingin mo yan na yon?" Umiling ako.

"Hindi ako sigurado pero saan ba nagkukuta ang mga kriminal hindi ba sa mga lugar na gaya nito" she nod.

"Anong gusto mong gawin natin?" Tanong niya habang nakatingin sa lugar na pinasulan ng misteryosong lalake kanina.

"Wala tayong ibang choice kung hindi pumasok ngunit bago yon handa kaba?" Ngumisi siya at may dinukot sa likod niya.

"Always akong handa" ngisi niya paring sabi habang hawak ang baril niya. Tumango ako at sabay na kaming bumaba ng kotse.

"Wait yung camera" kuha niya da camera na nasa sasakyan.

Nauna akong pumasok sakanya nahirapan pa kami sa pag-akyat dahil ang taas ng pader nila bago makapasok sa loob.

Sinenyasan ko siya na mauna na agad din naman niyang ginawa. Bawat hakbang ay kalkulado ni hindi ko nga magawang huminga ng maayos dahil baka makalikha ako ng anumang uri ng ingay.

Sumenyas ako sakanya na sumilip sa kabilang butas na ginawa niya rin naman ako. Sumilip ako sa maliit na bintana na natatakpan ng plywood at pinagmasdang mabuti kung ano ang meron sa loob.

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Where stories live. Discover now