ADKBG 12

7.1K 285 28
                                    

Reign

Nababasag ang puso ko sa nakikita ko ngayon. Umiiyak siya. Umiiyak ang isang malakas at walang kinakatakutang SPO1 Bonifacio.

Hindi ko alam na ganito pala katindi ang nangyari sa buhay niya. Pagkatapos niyang mag walk out ay kinausap ko si Andy kung anong nangyari at doon ko nalaman ang lahat lahat tungkol kay rowan.

Natrack ko siya sa pamamagitan ng gps sa phone niya. Pano ko ginawa?well hindi ako kundi si Andy hindi ko alam na magaling din pala siya pagdating sa ganitong bagay.

Nakakamangha dahil akala ko puro lang karahasan ang alam ng mga pulis pero nagkamali pala ako.

Siya rin pala ang babaeng humalik sa pisngi ni rowan na kinaiinisan ko pero ang sinabi niya hindi daw dapat ako mainis sakanya dahil hindi naman niya gusto si rowan.

Nagulat ako kung paano niya nalaman na may gusto ako kay rowan. Malabo naman na si rowan ang nagsabi dahil never naman niyang inilabas ang nararamdaman niya. Kaya ngayon durog na durog siya habang kausap ang labingan ng mga magulang niya.

Mahirap makulong sa isang lugar na ikaw lang mag-isa. Yon ang ginawa ni rowan sa sarili niya. Ang ikulong at ilayo ang sarili sa mga taong maaring makasakit sakanya.

Kaya siguro ganon ang ugali niya noong una kaming magkakilala. Walang paki-alam sa iba at tanging kagustuhan niya lang ang tanging sinusunod niya dahil natatakot siyang mapalapit sa iba kaya pilit niyang idinidistansiya ang sarili niya sakin.

"Gosh umulan pa"

Sumilong ako sa malaking puno. Akala ko aalis na siya pero nakaupo parin siya don habang nakayuko sa mismong lapida ng mga magulang niya.

"Hindi niya ba alam na pwde siyang magkasakit sa ginagawa niya"

My phone beep kaya agad ko itong tinignan. Si Avril.

From: Avril

"Hey girl how are you? Bar tayo mamaya are you free?"

Sumulyap muna ko sa kinaroroonan ni rowan bago mag type ng sasabihin.

To: Avril

"Pass muna ko avril maybe next day nalang"

Tinago kuna ang phone ko dahil nababasa narin ito ng ulan.

Napatingin ako sa kalangitan at mas nangangalit ito ngayon.

Naisipan kong bumalik sa sasakyan ko. Hinintay ko si rowan sa loob ng sasakyan kung aalis naba siya pero wala parin siya.

Bumaba akong muli ng sasakyan dala ang payong ko at doon ko siya naabutang nakahiga sa damuhan.

Sa sobrang taranta ay agad akong lumapit sakanya tinapik tapik ko ang mukha niya pero hindi siya gumigising.

"Rowan wake up" pero wala parin. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Andy ilang minuto lang ay dumating narin siya.

Tinulungan ko siyang bitbitin si rowan papasok ng kotse ko.

"Ikaw ng bahala sa kaibigan ko ako ng bahala sa kotse niya" napatango ako at pumasok na sa kotse.

Mabilis akong nagdrive pauwi ng bahay. Nagulat pa si yaya ng makitang walang malay si rowan na ngayon ay pinagtutulungang buhatin ng mga guard pakyat ng kwarto.

"Please leave us" tumango sila at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Kumuha ako ng tuwalya at damit para sakanya todo pikit pako ng binibihisan ko siya.

Gosh first time kong mag bihis ng ibang babe kaya sobra sobra ang pawis na lumabas sa katawan ko.

Pati kili kili ko namawis. Lumabas ako ng kwarto niya at tumungo sa kwarto ko.

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Where stories live. Discover now