ADKBG 20

7K 207 5
                                    

Reign

Kararating lang namin sa EK request kasi to ni tine. Never pa daw kasi siyang nakapunta dito kaya pinagbigyan na namin ni rowan.

Magkahawak kaming kamay ni rowan habang hawak ko naman si tine. Isang mascot agad ang sumalubong samin na agad namang niyakap ni tine.

"Ang saya niyang panoorin diba?"

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya habang nakatingin parin sa mascot kung saan nakayakap si tine.

"Yes.. Sana ganyan din ang magiging anak natin"

Mabilis kong natakpan ang bibig ko. Tumingin siya sa gawi ko ng may ngiti sa labi.

"A-anong nginiti n-ngiti ngiti mo diyan ha! Don ka tumingin!"

Wala naman kasing preto tong bibig nato eh.

"Mommy picture po tayo!" Hila saming dalawa wala na kaming nagawa kundi magpapicture sa mascot para na nga talaga kaming one big happy family.

"Where do you wanna go first sweetheart?" I asked.

"Octopus!" She shouted.

Bumili muna kami ng all rides na ticket bago tuluyang sumakay sa gusto niyang octupus.

Sobrang saya niya lang dahil anytime na tataas baba ang galamay ng octupus ay sisigaw siya.

"Haha mukang sumakit yata ang tenga ko baby"

"Sorry po mommy reign diko po mapigilan eh *giggle*"

"It's okay baby"

Halos lahat ng pambatang rides ay sinakyan namin hanggang sa mapagod na siya at naisipan na muna naming kumain.

Almost dinner narin pala.

"Anong sayo?" Rowan asked ng makaupo na kami sa mga upuan.

Naisipan naming kumain dito sa shakeys tutal gusto nitong batang makulit ng pizza at dahil hindi naman kami makatanggi go lang kami ng go.

"Uhm..reign" napatingin ako sa harapan ko kung saan nakaupo si rowan.

May tinuturo siya pero hindi ko naman maintindihan habang si tine naman ay busying busy sa pagkain niya.

Bilid din ako sa batang to dahil sobrang lakas niyang kumain at wala manlang siyang pinapansin kapag nakaharap na siya sa pagkain.

"Ako na nga" rowan said hanggang sa naramdaman ko nalang ang tissue na nasa kamay niya na dumugpa sa gilid ng labi ko.

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko kaya alam kong namumula nanaman ako ng dahil sa ginawa niya.

Ngumiti lang siya sakin pagkatapos ng ginawa niya at bumalik na sa pagkain.

Napaka unfair! Kahit sa simpleng galaw lang niya kinikilig at namumula nako tapos siya parang wala manlang sakanya ang kasweetan na ginagawa ko pssh:(

Pagtapos naming kumain ay naglaro naman kami ng ibat ibang game. May nakita akong malaking stuff toy na pluto kaya naisipan namin na dito mag laro.

Simple ang naman ang kailangang gawin, kailangan lang mapatumba ang mga lata na nakapatong patong gamit ang isang baseball ball.

Nakailang beses nakong sumusubok pero isa o dalawa lang ang nagagawa kong patumbahin naiinis narin ako dahil parang nag sayang lang ako ng pera sa paglalaro.

"Okay last chance muna to reign kaya galingan mo na" motivate ko sa sarili ko.

Mabilis kong inihagis ang bola papunta sa mga nakapatang na lata pero ang taas lang ang natamaan ko.

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Where stories live. Discover now