ADKBG 50

2.7K 98 4
                                    

Rowan

"Hep hep san ka nanaman pupunta?"

"Diyan lang" sagot ko sakanya.

Kinuha ko ang susi ng kotse ko at sinuot ang leather jacket na binili ko kahapon sa mall.

Kasama ko si reign buong maghapon pero hindi kagaya ng iniisip niyo na dahilan.

Masakit na hindi niyako matandaan pero sapat na sakin na nakakasama ko siya, hindi rin naman nadadaan sa madalian ang lahat kaya susubukan kong ipakilala sakanya ang dating ako na nagustuhan niya.

Hindi ako susuko at aatras lalu na at alam ko na ako ang may karapatan para sakanya.

"Rowan" gulat na gulat na bungad sakin ni Mr.Feliciano ng makapasok ako sakanyang opisina.

"Magandang umaga Mr.Feliciano" bati ko rito.

Halata parin sa mukha niya ang gulat marahil ay hindi niya inaasahan na nakabalik nako.

"Paano...teka umupo ka" umupo naman ako.

Mababakas mo sa mga kilos niya na nabibigla parin siya sa kasalukuyang nangyayari.

"Ka-kailan kapa nakabalik? Ang ibig kong sabihin bakit hindi ko alam na nakabalik kana pala?at bakit bigla kanalang nawala?anong nangyari sayo?"

"Sa buhay ng tao marami talagang mga bagay na hindi natin inaasahan kaya mas mabuting pag-usapan nalang natin kung ano ang naiwan ko dito. Nabalitaan ko na may bagong body guard si reign sino siya?at paano niyo siya nakilala?sigurado ba kayo na mapagkakatiwalaan ang taong yon?"

Nababagabag lang ako dahil kaligtasan ni reign ang nakataya dito kung hindi pala siya kasing galing ko.

"Ehem inirikomenda siya sakin ni general kaya sigurado ako na mapagkakatiwalaan siya bakit ngayon kalang bumalik?" Muli niyang tanong.

Tumayo ako at kumuha ng maiinom.

"Isa akong pulis bago ako maging body guard ng anak niyo Mr.Feliciano, maraming mga tao ang gustong pumatay sakin ngunit hindi sila nagtagumpay dahil mahina sila kagaya ng inaasahan"

Mataas ang confidence ko sa sarili ko dahil lahat naman ng sinasabi ko ay totoo.

"Ang ibig mo bang sabihin kaya ka nawala dahil may nagtangkang pumatay sayo?" May pag-aalala niyang sabi.

"Tama kayo ngunit hindi sila nagtagumpay bumalik ako para kay reign...pero hindi ko inaasahan na ganito ang maabutan ko.."

Mabigat sa pakiramdam na malaman kong may kasama siyang iba, si reign lang ang tanging tao na kaya akong palambutin at makita siya sa piling ng iba ay mas matindi pa sa pinagdaanan ko sa kamay ni wilbert han.

Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko.

"Matagal tagal karing nawala rowan at maraming nangyari na hindi korin inaasahan, kahit anong pilit kong pag-iingat sakanya habang wala ka ay hindi parin ako nagtagumpay, naisip ko na mas makakabuti sakanya na ikuha ko siya ng panibagong body guard ng sa ganon ay masigurado ko ang kaligtasan niya"

"Naiintindihan ko Mr.Feliciano bilang ama niya alam kong nais niyo lamang siyang protektahan, nakwento narin sakin ni Andy ang mga nangyari kay reign pati ang pagkakaron nito ng selective amnesia. Nagkita kami sa mall ngunit hindi niyako nakilala masakit para sakin na nakalimutan ako ng sarili kong minamahal pero pursigido akong bawiin siya dahil una palang ay akin na siya" ngumiti ito ng dahan dahan na wari mo'y isang proud na ama.

"Alam kong sasabihin mo yan rowan at alam korin kung gaano mo kamahal si reign kaya hindi ako magiging sagabal para sainyong dalawa ngunit ipinapaalala ko lang sayo na bumalik na siya sa dati niyang ugali kaya sana mapagtyagaan mo siya, kilala mo naman ang ugali niya ang gusto niya siya ang laging nasusunod" napangisi ako.

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Where stories live. Discover now