ADKBG 28

4.7K 144 8
                                    

Rowan

Pauwi palang ako galing ng trabaho. Kanina pa natapos ang duty ko pero hindi ako maka-alis alis ng presinto dahil sa mga nagrereklamong mga tao.

Paano ba naman may dumating na dalawang mag kumare na grabe kung mag-away. Halos lumuwa pa ang tenga ko sa kanila dahil kapag ibinuka na nila ang mga bibig nila aakalain mong may sirena ng bumbero sa loob ng presinto.

Hindi ko alam kung ano ang punot dulo ng away nila pero ang alam ko tungkol yon sa tsismiss ng isa sakanila. Ewan ko ba sa mga tao kung bakit ang hilig nilang pag piyestahan ang iba. Alam naman nilang nakakasira ang tsismiss bakit pa nila ginagawa. Hay...

Tumigil ako ng maabutan ako ng red light. Nag hihintay lang ako na mag green ang spot light ng may masagi ang mata ko sa gilid ng kalsada.

Agad akong bumaba tutal naka red pa naman.

"Hoy! Anong ginagawa niyo ha! Mag si uwi na kayo kung ayaw niyong hulihin ko kayong lahat!" Nag si takbuhan naman ang mga batang sinita ko.

Lumapit ako sa babaeng pinagtitripan nila.

"Miss okay kalang ba?" Nagulat siya ng makita ako. May dumi bako sa mukha?o nakakatakot ba talaga ang mukha ko kapag gabi?.

Nakarinig ako ng mga busina kaya napalingon ako sa kotse ko. Naka green na pala.

"Mauuna nako mag ingat ka nalang sa susunod miss" pinaharurot ko na ang kotse at tumuloy sa condo na tinutuluyan namin ni reign.

Ibinigay ng dad niya ang condo nato ng makabalik kami ng bahay. Tinanggap naman siya agad ni reign dahil gusto niya narin naman daw mag solo.

Dumaan munako sa pinaka malapit na 7/11 para bumili ng ice cream na favorite niya. Nakasanayan ko narin siyang ibili ni to kada umuuwi ako kaya parang sariling katawan ko na ang gumagalaw kahit diko utusan.

I open the door. I didn't see her in the sala so I go to the kitchen.

"Andito kalang pala love" binaba ko muna ang dala ko bago ko siya yakapin.

Umikot siya paharap sakin wt ikinawit ang braso niya sa leeg ko.

"Baby"

We kissed hanggang sa pareho kaming mawalan ng hininga. We become more sweeter ng makabalik kami from vacation. Mas naging productive narin si reign at masasabi kong maraming nagbago sakanya.

Naging independent women siya at mas naging matapang. Mabuti yon para hindi niya agad naibibigay ang tiwala niya.

Humiwalay ako sakanya at kinuha ulit ang ice cream na binili ko para ilagay sa ref.

"Kamusta ang work?"

"Okay naman love araw araw may mga taong nag rereklamo ng mga kapit bahay nila, kahit maliit lang ang problema dinadala nila sa presinto hindi nalang pag-usapan ng maayos"

"My poor baby bakit kasi hindi niyo nalang ikulong agad ng hindi na nakakaabala pa" napasimangot ako.

"Love hindi ganon kadali yon! May proseso pa kaming kailangang asikasuhin bago makulong ang isang tao! Hindi rin naman namin siya pwdeng hulihin ng basta basta kung minor lang naman ang ginawa niya"

"So you mean kung nakasaksak ako ng isang tao hindi niyo ko ikukulong?"

"Ikukulong, iba naman kasi ang ibig kong sabihin love, nakasaksak ka it means murder yon kaya pasok ka sa law kahit walang warrant kulong ka agad habang nasa loob ka doon na ipoproseso ang mga kaso para sayo"

"I see. Umupo kana kakain na tayo"

Nag dasal muna kaming dalawa bago kumain.

"Siya nga pala love kamusta ang trabaho mo sa kumpanya? Hindi ka naman ba kinukulit ng mga surot?"

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Where stories live. Discover now