ADKBG 63

3K 123 9
                                    

Rowan

Kasalukuyan naming pinapasok ang lungga ni wilbert han. Sinong kasama ko? Well si Andy lang naman.

Sumenyas ako sakanya na mauna siya papunta sa bintana kung saan namin sila unang nakita at hindi nga kami nagkakamali dahil andito nga siya at siya talaga ang lalakeng kinikita ni river.

Ang akala ko nagbago na siya pero hindi parin pala. Mas pinili niyang kumampi sa masama kesa sa kapwa niya pulis.

"Anong susunod nating gagawin rowan?" Mahinang hayag ni andy sakin.

"Ano pa bang magandang gawin natin. Edi sugurin sila"

"Ano! Teka lang naman baka nakakalimutan mo na dalawa lang tayong andito" hindi makapaniwalang hayag niya.

Umiling ako at tinuro ang earpiece na suot namin at ngumisi. Naparolled eyes siya kaya natawa nalang ako ng mahina.

Hindi ako susugod dito ng hindi nag-iisip. Ano ako hinihukay ang sarili kong libingan tss.

"Faye ready naba lahat?" Kausap ko sa kabilang linya.

"Yep, all set na tayo rowan parating narin sina general diyan."

"Mabuti naman kung ganon. Ang akala ko hindi pa sila maniniwala sa ibidensiyang dala mo" bahagya siyang natawa.

"Ikaw kasi wala kang tiwala sakin haha" napa rolled eyes ako.

Ang yabang.

"Teka yung dalawa nasan?" Tukoy ko kina river at aila

"Sa pagkakatanda ko nawawala din ang dalawa ng puntahan ko si general sa presinto at ng malaman niya ang totoo nag conduct agad siya ng plano. Maswerte pa tayo dahil mukang umaayon satin ang lahat" napa nod naman ako kahit hindi niya ako nakikita.

Maswerte nga talaga kami dahil walang kaalam alam si wilbert na matatapos na ang kasiyahan niya.

"Sige na faye balitaan mo nalang kami kung malapit na sila"

"Copy that"

Tinignan ko si andy at nag nod naman siya sakin.

Humanap kami ng ibang daanan na hindi kami mahahalata para makapasok sa kinaroroonan ni wilbert han.

Medyo dilekado talaga ang gagawin namin pero kailangan narin naming kimilos baka makatunog pa ang mga ito. Lalu na at may tenga at mata siya sa panig namin.

Nakakapag hinayang lang talaga ang dalawa sa daang napili nila. Isa si river sa magaling pagdating sa paghawak ng mga baril at si aila naman ay magaling sa close combat.

Naging kaibigan namin sila kaya alam ko kung ano ang kalakasan at kahinaan nila at maging ako siguradong alam nila kung saan ako mahina.

"Maayos ba ang lahat?" Rinig kong tanong ni wilbert sa tauhan niya.

Nakaupo siya sa isang couch habang may hinihithit na tabako.

Mag saya kalang wilbert han dahil mamaya ikaw naman ang pauusukin ko.

"Maayos po boss. Wag po kayong mag-alala dahil safe po tayo sa bago nating lungga" tumango naman si wilbert.

Yun ang akala mo.*smirk*

"Anong susunod na plano?" Tanong ni Andy.

"Maghintay lang tayo ng konti pang minuto kapag lumabas na yang asungot nayan doon natin siya papasukin" nag nod siya.

Nakatanaw lang kami sa loob kung saan naka upo ang gag*ng si wilbert han. Halatang feel na feel niya ang pagrerelax ang hindi niya lang alam ay may baril ng nakatutok sakanyang ulo tss.

Ang DYOSA kong BODY GUARD GxG (Completed)Where stories live. Discover now