WISHING STONE

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi na ako nakasagot, at inilapit ang mukha sa akin na parang nagbabanta. Binangga niya ang balikat ko, at dire-diretsong lumabas ng pinto. For him, Claire is just a thing but for me, a girl like her is important.

This is my fate. Going after Claire, and just support Jaxton as my friend.


*Claire's point of view/the stage*

Ang sabi ng iba ay kapag naipatong mo ng maayos ang wishing stone sa iba pang bato na patong-patong na nandito sa rock formation  ay matutupad daw ang hiling mo.

Bumili rin ako ng isa at balak na gawin ang ginagawa ng iba. Wala namang masama kung susubukan ko. Itinaas ko ang bato, at at saka humiling. Baka sakaling gumana at matupad ang mga ito.

Nagulat nalang ako at napalingon nang biglang may pumutol sa batong itinaas ko. Nandito si Jaxton, at pinagmasdan ang kapirasong nasa kanya.


"My bad. Mine is much bigger than yours," saad niya at ibinaba ang bato.


Natigilan ako saglit sa ginawa niya, at saka muling nagsalita, "Ibalik mo na sa'kin 'yan." Pilit kong kinuha ang bato ngunit bigla niya iyong itinaas at lumapit naman ako sa kanya para abutin 'yon.


"I'll think about it. Sumama ka muna sa'kin." Sabay abot ng marker sa akin.


Nagtaka naman ako sa ginawa niya, pero wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Lumipat kami sa ibang bahagi at tumapat sa may bandang malapit sa dagat.


"We'll do your wish together." At naupo ng naka-squat at nag-angat ng tingin sa akin.


Umupo rin ako sa harap ng mga bato at ipinatong namin ang wishing stone sa mga patong patong na batong nandoon. Muntik nang mahulog iyon ngunit ibinalanse iyon ni Jaxton.


"Nagawa natin!" Napatayo ako bigla at napapalakpak pa sa tuwa.


Nag-angat ng tingin si Jaxton at naihawi ko naman ang nakalugay kong buhok sa magkabilang tenga. "Are you happy?" tanong pa niya, at palihim napangiti.

Mabilisan naman akong nakatango at nag-bigay ng ngiti ng makatayo siya.


*End of stage*


*Alora's point of view*

Patuloy akong lumusong sa tubig ng walang alinlangan, kahit na napupuno ng tubig ang buong mukha ko ay wala akong pakialam kundi ang hanapin ang bato.

I continously crying, napatingin ako sa kinaroroonan ni number 13. He didn't help me at all, nakatingin lang siya at hindi man lang sinubukang baguhin ang eksena na lalong nagpasama ng loob ko.


I don't want to do this, I don't want to do what's written in my fate.


Nakuha ko ang bato ngunit hindi ako masaya, natapos ang stage ko ng ako ang kawawa. I feel so small, why would myself fell for a jerk like Trevor. Gusto kong sumigaw pero mas lalo lang yata akong mapapahiya.


*THE ANOTHER STAGE BEGINS*

Naabutan ko si Trevor sa isa sa mga bench sa harap ng pool, napatingin din ako sa kasama niya. Dalawang babae ang nasa gilid niya, si Ella at Yuna ay nasa magkabilang gilid niya at gustong gusto naman niya iyon.

Basang-basa at awang-awa ako sa sarili ko. Parang tanga rin akong pumunta sa kanya. Nanggagalaiti ako at mangiyak-ngiyak pa rin, sa nangyari.

"Trevor.." seryosong anas ko nang makalapit na sa kanya. Both of my fists are closed. Talagang naiinis ako sa kanya.


"What are you doing here?" Bored at halos walang pakialam na sagot niya.


"Aww, poor Alora. Doing everything para pansinin ni Trevor? Gosh, my heart! It's beeping like 'toot, toot, toot.'" Napatingin pa ako kay Ella nang sumabat siya sa usapan namin ni Trevor. She also teasing and mimicking my heart condition.


Lalo akong nainis, pakiramdam ko ay sasabog ako dahil sa pagpigil kong tumulo ang mga luha na nasa mata ko na.


"You know what, Alora? You're crazy.." Mas lalong nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya.


He suddenly stood up and rolled his eyes then walked away from me. Ella and Yuna followed him too. I can't stand this anymore, He always treat me this way!

Bigla ko silang sinundan at binatukan sa likod si Trevor. He deserves that, at kulang pa. Bigla naman silang napalingon, at hindi nagbabago ang reaksyon o ang nararamdaman ko.


"Why did you do that?" He frowned. Ang mga babae sa gilid niya ay parang tuwang tuwa pa na ganu'n ang trato ni Trevor.


Don't get me wrong, I don't just cried because of what happen? I'm sad because number 13 didn't do anything and I can't accept the fact that I can't do anything about my fate.


"You are the one who's crazy.." I uttered seriously. Ako na rin ang unang umalis doon. Pagkatalikod ko ay wala na akong nagawa kundi sumabog. Napapapunas ako bigla sa mga luhang nag-uunahan sa pagtulo sa mga mata ko.


*END OF STAGE*

Nagpalipas ako ng sama ng loob sa may rock formation. Kahit paano ay bumaba ang lungkot ko nang makatuntong ako sa tuktok. Naabutan ko din sina Jaxton at Claire na nagtayo at nagpatong ng wishing stone nila doon, nakita kong tuwang tuwa naman si Claire sa nangyari.

I squat sit in front of the stones. Nagsimula na ko nang pagpatung-patungin ng maayos ang mga bato. Isinulat ko na rin sa wishing stone ang hiling ko.


'Please make Trevor fall in love with me.'


Dahan-dahan kong ipinatong ang wishing stone pero agad iyong tumumba. Nakailang beses kong itinayo ang patong-patong na mga bato pero ganu'n pa rin ang nangyayari. It keeps falling down, at nainis akong muli sa nangyari.

Kinuha ko ang wishing stone at nagsulat ulit. I hope this works, but nothing happens, the stones keep falling and I don't know how I am going to balanced them. Naiiyak ako sa nangyari, kahit ang mga bato ay ayaw makisama sa akin.

Wala akong nagawa at iniwan ang mga bato doon ng hindi nakaayos. Nawalan na ako ng gana at ng pag-asa, I can't do anything.

Look, I found you (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon