Si Immy naman ay naka half-knee length red cocktail dress with light make-up lang din and heels. Same design lang sa mask namin pero color red lang yung sa kanya. Bagay na bagay yung dress niya sa kanya kasi lalong lumabas yung kulay niya. Sa wakas naman ay pinatingin na din ako ni Immy sa full-length mirror.

“Ako ba yan?” Tanong ko kay Immy habang nakatingin sa salamin. Ibang-iba talaga yung itsura ko. OMG. Makikilala kaya ako ni Luke? Ano kayang itsura ni bebelove ko? Kyaaa, feeling ko ang pogi niya ngayon. Ay, lagi naman siyang pogi eh.

“Of course! Sino pa ba?”

“Weh? Bakit ang ganda niyan?” Sabi ko sabay turo sa sarili kong reflection sa salamin. Tinignan naman ako ni Immy ng natatawa.

“Ay? Nagbubuhat ng sariling banko?” Hahahahaha! Niloloko ko lang naman siya, nasabihan pa tuloy ako ng ganyan. Tinawanan ko lang siya. Ready na kaming bumaba ngunit may biglang kumatok sa pinto.

Binuksan ‘yon ni Immy at tumambad sa amin ang pinaka-poging nilalang sa buong mundo. Grabe, ang pogi niya ngayon! Sobra! He’s wearing a three-piece suit. Kyaaa, bagay na bagay talaga sa kanya yung suot niya. Nakabrush-up pa yung buhok niya. O jusme, pigilin niyo ako sunggaban ang isang ‘to.

“Hi dearest brother! What can I do for you?” Masiglang bati ni Immy. Tumingin sa akin si Immy at wi-niggle yung eyebrows niya. Ano na naman kayang kalokohan ang naiisip neto?

“Uh, n-nothing. I just want to tell you that the party is going to start in 5 minutes.”

OMG OMG. Ang husky ng boses niya. >.< English-speaking padin talaga siya.

“Alright. Ay Kuya, do you have partner na ba?”

Napatingin agad ako kay Immy nung tinanong niya yun. Meron na kaya siya? SANA WALA. PLEASE SANA AKO NALANG.

Umiling si bebeloves. “Nah. Wala pa. Why?”

O.O

W-Wala pa? Kyaaaaa! Bakit naman kaya? Yie sana ako nalang talaga! Tsaka bakit ganon? Kapag nakikipag-usap siya kay Immy, parang ang bait niya? Pero kapag sa ibang tao, ang cold niya. Ang daya niya. Huhu.

“Si Chloe din kasi walang partner. Eh bawal yung wala diba? Since you don’t have one naman, can you be her partner nalang? Please?” Sabi ni Immy with matching paawa-effect pa.

Sh*t! Kung kanina nagma-makaawa ako na maging partner nalang niya, ngayon binabawi ko na! Jusko, nakakahiya yung mga pinagsasa-sabi ni Immy! ARGH! Nahihiya ako kay Luke! Ano ba yan!

Nahihiya? Aminin mo na, gustong-gusto mo din naman eh.

Kainis ‘kang konsensya ka! Kapag ako inatake sa puso dahil sa sobrang kilig, sisisihin kita! Waaaah! Kinabahan tuloy ako bigla sa isasagot niya. Nakakatakot kayang ma-reject. T_T

Tinignan muna ako ni Luke bago tumingin ulit kay Immy. “Sure. Why not?”

T-Teka? Ano daw sabi niya?

S-Sure, why not?

AHHHHHH! Omg omg omg! Pumayag siya! YES! YES! YES! Binabawi ko ulit yung sinabi ko na ayokong maging partner niya! Jusmiyo. Kinikilig ako ng todo-todo promise! YIHIEEEEEE. OMG talaga.

Ngumiti nalang ako. Nakakahiya naman kasi kung magtata-talon ako dito diba? Baka magback-out bigla yan dahil na-creep out siya sa akin. Susuntukin ko talaga sarili ko kapag nangyari ‘yon!

“So Gwen? I’ll see you downstairs.” Sabi ni Luke sabay sarado ng pintuan. OHMAYGHAAAAD! Tinawag na naman niya ako sa nickname ko! YES! Siya nga lang yung pinapayagan ko na tawagin ako sa nickname ko eh. Maski si Immy hindi ko pinapayagan na tawagin ako non. Syempre special yung para sa akin kasi si Luke lang tumatawag sa akin non eh.

“OMG! Pumayag siya sis!” Sigaw ni Immy sabay nagtata-talon sa kwarto. Naki-talon na din ako sa sobrang tuwa. Hindi ko kaya expected na papayag siya! Akala ko ire-reject niya ‘yon eh. Kyaaaaa!

“Oh, alam mo na gagawin mo ha? Wag mo naman gahasain yung Kuya ko. Hahaha! Mauuna na ako sa baba. Yung date ko nag-iintay na ’noh. Ipapakilala kita later, don’t worry. Bumaba kana din! Alam kong excited ka. So, see you later sis! Babush!”

Agad-agad siyang lumabas tapos sinarado na yung pinto. HOOOOO. Bababa na ba ako? Yie, excited na talaga ako! Ano kayang pag-uusapan namin? Baka naman mamaya, ma-pipi nalang ako bigla kapag kaharap ko na siya. Nakakahiya ‘yon! Okay Chloe, kalma ka lang. Keri mo yan.

Bebeloves, here I come!

Strings AttachedWhere stories live. Discover now