Chloe
“Hoy, mag-kwento ka naman! Hindi nga kita mahagilap buong gabi eh. Asaan ka ba nanggaling ha? Wag mong sabihing ginahasa mo si Kuya?!”
Ang OA din talaga magreact neto ni Immy. Hays, ano nga bang ike-kwento ko sa kanya? Eh wala namang nangyari kagabi eh. AS IN WALA. Oo, partner ko nga siya pero parang wala lang din akong kasama. Feel na feel ko pa man din yung pagli-link arm ko sa kanya kaso sa kada taong dadaanan namin lagi niyang kinakausap, kaya OP naman ako kasi di naman kami close nung kausap niya. Alangan namang hilain ko siya tapos sabihing ‘Hoy Luke! Mahiya ka naman sa akin!’ diba? Nakakahiya yon noh.
Tapos ang kinalulungkot pa ng damdamin ko (char! ang lalim nun!) eh, hindi niya ko sinayaw.
Akala ko siya na yung magiging first dance ko eh! Sayang! Akala ko mahahawakan niya na ako sa bewang tapos mahahawakan ko siya sa balikat o batok. Kaso nung time na ng sayawan, bigla nalang siyang nawala.
“Walang nangyare, Immy.” Napa-balikwas siya sa kama ko nung narinig niya yon. Andito kasi siya sa amin. Ang aga nga mambulabog eh. Akala ko naman ako yung binibisita yun pala si Ivan. Hay, ibang klase -______-
“Anong walang nangyare?” Sinarado ko yung librong hawak ko sabay tingin sa kanya ng diretso. “WALA. AS IN WALA. NONE. Okay na ba?”
Nanlaki naman yung mata niya sa mga sinabi ko. Ano bang kagulat-gulat doon? “Eh akala ko partner kayo.....?”
Tumayo ako dun sa mini-sofa sa kwarto ko sabay punta sa kama. Tinabihan ko siya dun tapos hinampas ng unan. “Oo nga.”
“Eh bakit walang nangyare?”
“Ewan ko.”
“Sinayaw ka niya?”
I gave her a bored look. “No. A big fat NO.”
“WHAT?! HINDI KA NIYA SINA-ASDFGHJK.”
Dali-dali akong lumapit sa kanya tapos tinakpan yung bibig niya. Ang aga aga eh! Mamaya marinig siya ni Ivan, aasarin pa ko nun. Sasabihin na naman niya na asa ako ng asa don, eh wala naman akong mapapala. Isang malaking asungot pa naman yun.
“Oo! Wag kang maingay!”
“Eh bakit?!”
“Hindi ko alam, okay? Bakit hindi mo tanungin ‘yang magaling mong Kuya.” Sabi ko sa kanya sabay talukbong ng kumot. Naiinis kasi ako eh. Hindi ko alam kung kanino ba ako maiinis. Kung sa sarili ko ba o kay Luke.
“Hmp, hayaan mo na yon sis! Baka sinumpong lang kagabi yon. Kakausapin ko nalang siya mamaya, don’t worry.”
“Tss, hindi ka pa ba nasanay doon? Lagi naman atang may sumpong yon. Parehas sila ni Ivan eh.” Kahit naman kasi ata pagsabihan niya si Luke, wala ding mangyayare.
Tsaka haler? Kuya ni Immy si Luke, kailan pa nasunod yung pangalawa sa panganay? Kung sa amin ngang magkakapatid hindi nangyayare yon, sa kanila pa kaya? Tsaka feeling ko mas close si Luke and si Ross eh. Syempre, magka-ugali eh.
“Speaking of Ivan, nasaan na pala yung babe ko?” Bigla kong hinampas sa kanya yung unan ko. Nakakadiri. Maka-‘babe’ naman to sa Kuya ko eh no, parang wala yung kapatid dito eh.
“Mandiri ka nga Immy! Babe ka dyan? Anak ng, magtigil ka!” Bakit ba ang daming patay na patay dun sa kapatid kong tinubuan ng sandamakmak na sungay? Ang sungit naman nun tapos ang pangit pa. Okay pa si Luke at Keanu eh, pero si Ivan? Walang pag-asa.
YOU ARE READING
Strings Attached
Teen FictionNaranasan mo na ba magkaroon ng crush sa kapatid ng bestfriend mo? Yung tipong lahat ng tungkol sa kanya alam mo? Yung halos dun kana matulog sa bahay nila para makita mo lang siya? Yung tipong pati tatak ng brief niya alam mo? Kung oo, panigurad...
