Chapter 1

46 0 0
                                        

Chloe


KRIIIIIIING!

Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Ugh, umaga na naman! Another hell day na naman para sa akin. Pero okay lang, makikita ko naman si Luke eh. Hihihi. Crush na crush ko talaga yun eh. Mamaya, makikita niyo siya.

Bumangon na ako at sinimulan ng gawin ang morning rituals ko. Pagkatapos nun, ay bumaba na rin ako. Naabutan kong nagbe-breakfast na sila Ivan, Sakura at sila mommy at daddy. Ano ba yan, hindi man lang ako hinintay. Nakakatampo tuloy.

“Hi baby, how’s your sleep?” Pambungad na tanong sa akin ni mommy. Napansin ko naman na suminangot si Sakura. Pustahan magta-tantrums na naman yan.

“Mommy! Ate Chloe is not baby anymore! Ako lang ang baby dito!” See? Sabi sa inyo eh. Ayaw kasi niya na may ibang tinatawag si mommy na baby bukod sa kanya. Malay ko ba sa batang yan. Grade 3 na siya, pero ang childish niya kumilos. Pero wag kayo, ang isip niyan matanda na. Promise, makikita niyo din. 

“Shh, ikaw lang ang one and only baby namin Sak. Continue your food na.” Kita mo ‘tong si mommy, balimbing din eh. Hehe. Pero okay lang, hindi naman na talaga ako baby eh. May crush na kaya ako, tapos baby pa din tawag? Ang pangit lang pakinggan.

Umupo na ako sa upuan ko, which is katabi ni Ivan. Kuya ko yan, kaso ayaw niya na tinatawag ko siyang ganun. Nagmumukha daw siyang matanda. Tss, eh mukha naman talaga siyang matanda eh. Hehe joke. Alam niyo ba na napaka-sungit niyan? Parang may PMS lagi, dinaig pa nga ako eh. Ewan ko ba, pa-cool din yan. Ang yabang din talaga niya minsan, masyadong conceited. Kung sabagay, may maipag-mamayabang naman siya. Pogi kaya yan, popular din yan sa—

“Hoy panget, ano tutunganga ka nalang?”

-___________-

Sabi ko sa inyo eh. Kita niyo, tinawag pa akong panget? Grrr, ano nalang yung mukha niya? Kaya eto ang payo ko sa inyo ha, wag na wag niyo yan i-complement. Lumalaki ulo eh.

Inirapan ko siya at itinuon ang pansin ko sa pagkain. Nakakainis talaga ‘tong mga kapatid ko! Una yang si Ivan, napaka-sungit at mayabang. Pangalawa, si Sakura, ang maldita din niyan tapos masyadong ggss. Alam niyo yun? Gandang-Ganda Sa Sarili. Porque pinaglihi lang siya ni mommy dun sa Sakura sa Sailormoon, feeling niya kamukha din niya yun. Hay, buti pa ako ang bait-bait ko. Hehe. Pero may time din naman na nagagalit ako. Ano yun, manhid lang? Walang pakiramdam? Mabait naman ako, kaso wag lang sagarin.

“Aish. Bilisan mo kumain! Parehas kayo ni Sakura eh, ang bagal-bagal. Ganyan ba mga maliliit? Mahirap lagyan ng pagkain sa katawan?”

Sinamaan ko ng tingin si Ivan. Tumingin ako kay Sakura at sinenyasan siya. Alam niya na gagawin ‘noh.

“Hahaha–A-ARAYY! Shit–OUCH! Hoy nakaka-ilan na ka–ANG SAKIIT!”

Sinabunutan at piningot lang naman namin si Ivan. Hehe. Buti nga sa kanya. Ako kaya nagturo kay Sakura nun. Oy, hindi ako BI na kapatid ha. Self-defense lang yun. Palagi kasi kaming inaasar ni Ivan ng pandak eh. Matangkad lang naman siya, di naman ibigsabihin nun maliit na agad kami. Kakainis diba? Kaya yun, tinuruan ko si Sakura kung anong gagawin kapag aasarin kami ni Ivan. Grabe, hindi man lang nadala si Ivan. Ilang beses na kaya namin ginawa yun! Hayaan na nga.

“Tss. Look at my hair!” Bulyaw niya at binelatan ko lang siya. Haha, buti nga sa kanya. Epal kasi siya. Asar asar pa siyang nalalaman, hindi naman pala niya kayang lumaban. At eto ha, masyado siyang alagang-alaga dyan sa buhok niya. As in. Never niyang pinapahawakan yun. Pero, ang lambot pa din ng buhok niya kahit ilang fix ang ginagamit niya para tumayo yan.

“You look ugly na Ivan! Hahaha.” Pang-aasar ni Sakura. Hindi naman siya pinansin ni Ivan, dahil busyng-busy siya sa pag-aayos ng buhok. Tsk, kala niya kinagwapo niya yan? No.

Oo nga pala. Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi kami inaawat ng parents namin ‘noh? Sanay na kasi sila. Although, kapag nagkaka-sakitan na talaga gumagawa na sila ng action agad. Tapos na din naman kaming kumain kaya okay lang na magharutan, basta wag lang habang kumakain.

“Bilisan mo na dyan, Ivan. Ihahatid mo pa ang mga kapatid mo.” Utos ni daddy sa kanya. Syempre hindi na yan makaka-palag kasi si daddy na nagutos eh. Pero kapag kami nag-aya dyan? Nako, pahirapan talaga.

“Bakit ba hindi niyo lang pag-drive-in yang si Chloe. 3rd year highschool naman na yan, gurang na.” Sabat ni Ivan. Palibhasa, 1st year college na siya at may sarili ng sasakyan. Meron din naman ako kaso ayaw lang ako pag-drive-in.

“Alam mo naman kung papano mag-drive yan si Chloe, diba? Ayaw mo naman siguro mamatay ng maaga.”

“Daddy naman!”

Oh, narinig niyo yun? Drag Racer kasi ako. Parehong kotse at motor ang kaya kong i-race. Galing ko diba? Kaso pinag-bawalan na ako ni Daddy kasi isang beses, muntikan na akong madisgrasya.

“Tss. Edi ikuha niyo ng sariling driver. Nagmumukha akong driver sa dalawang yan eh.” Hay, reklamador talaga si Ivan kahit kailan. Lahat ng pwedeng lusutan, lulusutan niya talaga.

“Mukha ka naman talaga kasing driver, kuya eh.”

“Hahahahahaha.” Ibang klase talaga ‘to si Sakura. Syempre, kanino ba yan nagmana? Edi sa akin. Kahit mabait ako, madami akong kalokohang alam. Malakas ako mang-asar, kaya hindi nanalo sa akin si Ivan pagdating sa ganung usapan. Sinamaan lang kami ng tingin ni Ivan, tapos dumiretso na sa garrage.

Kita niyo na? Reklamo pa siyang nalalaman, susunod din pala.

Kinuha na namin ni Sakura yung gamit namin at sumunod na kay Ivan. “Bye!” Sabi ko at nag-wave lang kay mommy at daddy.

--

Naghiwalay na kami ni Ivan ng way. Sa duplex side kasi ako, si Sakura naman sa Southwest, at si Ivan sa Eastwing. Yun kasi ang tawag dito eh. Malay ko, kaartehan lang naman yun. So sa madaling salita, nasa highschool building ako, si Ivan nasa college building, at si Sakura naman nasa gradeschool building.

Tumingin ako sa wristwatch ko at nakitang 5 minutes nalang before the first bell. Ang bagal kasi mag-drive ni Ivan eh! Dumaan-daan pa kasi ng 7Eleven. Ang arte talaga. Jusmiyo, kailangan ko ng mag madali!

Nasa 3rd floor na ako at malapit na malapit na sa room ng biglang may naka-bunggo sa akin. Nagkalat lahat ng papel at books ko sa sahig. Kainis naman! Sino ba kasing naka-bunggo sa akin? Lumuhod ako para kuhain ang mga books ko.

“Let me help you,” Narinig kong sambit nung lalaking naka-bunggo sa akin. Paano ko nalaman na lalaki? Syempre naman, narinig ko yung boses eh. Natapos kaming magpulot ng books, ay hindi ko pa din nakikita ang mukha niya.

Nagpagpag ako ng uniform at tipong pag-angat ko ng ulo ko ay nagulat ako sa nakita kong nakatayo sa harapan ko.

OMG! Kyaaaaaa!

Ang pogi niya talaga! Yiee, kinikilig ako! OMG talaga!

“L-Luke?”

***

Hi! Sa mga old readers, gusto ko lang malaman niyo na irerevise ko ‘tong whole book. Sinuggest sakin nung friend ko kasi avid reader rin siya ng mga gawa ko (supportive ‘no? chos!) so naisip ko, why not?

Nga pala. Ang pronounce po dun sa “Immy” ay i-mmi ha? May mga nalilito po kasi, at inakalang small letter L ang big letter “I”.

So yun lang naman. No specific time po ang update. Estudyante din po ako. :)

Mag-comment din kayo ha? Kasi parang ayoko naman na masayang yung update ko. Basta, tell me what you feel about every chapter. Okii?



Strings AttachedWhere stories live. Discover now