Chapter 2

18 0 0
                                        

Chloe

“Naka-bangga mo si Kuya kanina?”

“Oo! Ohemgee, kinikilig talaga ko! Hihihi!”

Kasalukuyang break time ngayon at nandito kami sa cafeteria. Alam niyo ba, hindi pera ang pinangbabayad dito. Kundi, chips. Oo chips, hindi yung pagkain kundi yung chips na parang sa poker. Sosyal diba? Malay ko kung bakit ganon. Basta yun na. So, kumakain kami ngayon ng Baked Mac. Syempre, favorite ko yan eh.

“Aminin mo nga. Accident lang ba yun o sadya?” Biro niya. Mahina ko siyang hinampas sa braso. Eto talagang si Immy, kung anu-ano pinag-iisip eh.

“Accident lang yun ‘noh! Sadyang destiny lang talaga kami kaya kami nagka-bunggo.” Depensa ko naman. Aksidente lang naman talaga yun eh. Naalala ko tuloy kanina. Hihihi. Kinikilig pa din ako. Ang pogi niya talaga. Kaso tulad ng dati, hindi man lang niya ako nginitian. Ang cold niya talaga. Akala ko magso-sorry siya, kaso napagalitan pa ata niya ako. Huhuhu. Pero okay lang, crush ko pa din siya.

Flashback

“L-Luke?” Nauutal kong tanong. Jusmiyo, hindi ko naman inakala na siya pala yung naka-bunggo sa akin.

Napatingin lang siya sa akin. Wala man lang emosyon yung mata niya. Ano pa nga bang aasahan ko? Eh parang laging cold yan eh. Pero kahit na, crush ko pa din talaga siya. Huhuhu, kahit ganyan yan. Baka naman nastar-struck lang siya sa beauty ko? Erase erase! Hay, ano ba naman ‘to.

“Uhm, L-Luke?” Tinawag ko ulit siya. Bakit? Kasi wala lang. Ang pogi niya talaga kahit kailan. Walang kupas.

“Mmm?” Ay jusko. Parang anghel yung boses niya. OMG. Kinikilig na naman ako!

“A-ano, uhm kasi—”

“Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo.” Sabi niya tapos nagwalk-out.

T_______T

Huhuhuhu. Galit ba siya? Ang engot ko din kasi talaga eh. Ayan, nagalit tuloy siya. Wala na ata talaga kaming pag-asa!

End of Flashback

“Bakit kasi ayaw mong magpa-tulong sa Kuya mo?” I gave Immy a bored look. Ilang milyong beses na ata ako nag-try magpa-tulong kay Ivan, pero wala ayaw niya akong tulungan. Peste talaga yun eh. Sabi niya na kung gusto ko daw mapansin ni Luke, ako daw dapat ang gumawa ng paraan.

“Ayaw nga nung epal na yun eh,” Sambit ko ng may halong inis. Bestfriend kasi ni Ivan yung si Luke ko. Actually 3 silang magka-kaibigan. Sila Luke, Ivan at Keanu. Sobrang sikat sila dito. Ganon din naman kami ni Immy, kasi kapatid namin sila. Parang si Keanu nga lang yung friendly sa kanila eh, kaso may pagka chickboy din siya.Naniniwala naman akong mabait din si Luke. Pero si Ivan? Wala ng pag-asa yun.

“Edi pilitin mo!”

Sinamaan ko ng tingin si Immy. “Ilang beses ko na ngang ginawa yun diba?” Tumango-tango lang si Immy at itinuloy ang pagkain ng Baked Mac. Nilagay niya yung kamay niya sa baba niya at umakto na para bang nag-iisip.

“Hoy, anong iniisip mo dyan?” Tanong ko sa kanya. Napalitan naman ng ngiti yung busangot niyang mukha kanina sabay tumingin sa akin.

“Hanapan mo ng girlfriend yung Kuya mo! Baka matuwa yun tapos tulungan ka!”

-_________-

Ibang klase talaga siya. Pero mahal ko yan ah! Tinutulungan din niya ako mapalapit sa Kuya niya (Si Luke). Kaso parang si bebeloves (Luke) din yung lumalayo. Huhuhu.

Strings AttachedWhere stories live. Discover now