Chloe
Naglalakad ako ngayon sa corridor habang nakabusangot ang mukha. Sobrang nakaka-badtrip eh! Alam mo yung tipong ang ganda na ng panaginip mo tapos biglang gagawin sayo ‘yon ng magaling mong kapatid? URGH!
Flashback
Palapit na ng palapit yung mukha ni Luke sa’kin. Waaaah, is this really happening? Ang wish ko, matutupad na!
Konting lapit pa Luke...
Ayan na! Ayan—
“HOY! GISING NA HALIMAW!”
Naramdaman kong may bumuhos sa akin na sobrang lamig na tubig. Agad napabukas yung mata ko at tinignan ng masama ang salarin.
“KUYA IVAN!!!”
Dali-dali siyang nanakbo pababa nung sinigawan ko siya. ARRRRRGGGH! Sinira niya yung panaginip ko! Nakakainis siya! At mas nakakainis pa, binuhusan niya pa ako ng sobrang lamig na tubig! The nerve!
Dahil nabasa narin naman ako, dali-dali akong nagpuntang c.r para maligo at mag-ayos na. Humanda talaga sa’kin ‘yan si Ivan mamaya!
***
“Walang hiya ka Kuya!”
Hindi man lang ako pinansin ni Ivan at nagpatuloy sa pagkain. Pasalamat siya at nandito sila Mommy at Daddy kung hindi, sasapukin ko talaga siya! Umupo ako sa tabi niya tapos siniko siya. Napa-bitaw siya sa spoon niya kaya naman natapon sa mesa ‘yon. HA! Siguradong papagalitan siya ni Daddy! Ayaw na ayaw pa naman ni Daddy yung may natatapon o nasasayang na pagkain.
“WHAT THE HECK?!” Sigaw ni Ivan. Haha, buti nga sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin. Napatingin naman si Daddy sa amin.
“Why are you shouting?” Halatang clueless si Daddy sa nangyayare.
“Look at what he did, Daddy.” Sabi ko sabay turo sa mga kanin-kanin sa mesa. Nanlaki yung mata ni Daddy tapos sabay tingin kay Ivan.
“What did I told you about that, Ivan?”
Ang seryoso ng boses ni Daddy. Nakakatakot. Hindi ako masamang kapatid, pero bagay lang sa kanyang mapagalitan! Kulang pa yan compared sa ginawa niya sa’kin kanina! Ano ‘yon? Instant shower?!!
“Dad, it’s not what you—”
Hindi na natapos ni Ivan yung sasabihin niya dahil sinenyasan siya ni Daddy na tumahimik.
“Dahil mabait ako ngayon, eto lang ang penalty ko sa’yo..”
Hinintay namin yung sasabihin ni Daddy.. Wohoo, panigurado masaya ‘to!
“You’re not allowed to go out for 1 week. School-bahay lang ang routine mo. You’re not allowed to go anywhere, unless kasama mo si Chloe. No clubbings, arcades, friend’s house. Is that clear?”
Hahahaha! Kung makikita niyo lang yung mukha ni Ivan ngayon, for sure gugulong kayo kakatawa. Alam na alam talaga ni Daddy yung weakness ni Ivan! Mahilig kasi siyang lumabas, tapos gabi na uuwi. Ayan tuloy napapala niya.
Pero teka...
UNLESS KASAMA AKO?!!!!
NOOOOOOOO!!!
YOU ARE READING
Strings Attached
Teen FictionNaranasan mo na ba magkaroon ng crush sa kapatid ng bestfriend mo? Yung tipong lahat ng tungkol sa kanya alam mo? Yung halos dun kana matulog sa bahay nila para makita mo lang siya? Yung tipong pati tatak ng brief niya alam mo? Kung oo, panigurad...
