Chapter 8

9 0 0
                                        



Chloe

“Seryoso ka dun sa sinabi mo Ivan?”

Ilang milyong beses ko na yatang tinatanong sa kanya yan simula nung sinabi niya sa akin na alam na ni Luke na may gusto ako sa kanya. Hanggang sa pag-sakay namin ng kotse niya, hindi ko parin siya tinitigilan. Hangga’t di niya sasabihin sa akin, di rin ako titigil sa pamemeste sa kanya. Hmp.

“Ano ba?! Kanina ka pa.”

Siya pa ngayon yung galit ha? Edi sana kung sinagot niya na lang yung tanong ko, edi hindi siya mabibwisit ngayon. Epal kasi eh. Pero teka, paano naman nalaman ni Luke kung halimbawa na alam na nga niya? Sino nagsabi? Imposible naman na si Immy kasi may deal kami nun eh. Na kapag sinabi niya kay Luke ‘yon, sasabihin ko kay Ivan na may gusto sa kanya si Immy. Sus kahit naman sabihin sa akin ni Immy na ayaw niya na ‘daw’ kay Ivan, alam ko na meron parin yan.

“E kung sagutin mo nalang kaya yung tanong ko?!!”

Gusto pa kasi niya yung tipong pinipilit pa eh. Pabebe lang? Badtrip. -___-

“Fine. Di niya pa alam. Joke lang yung kanina.”

Gusto kong i-untog yung ulo niya sa steering wheel ngayon tapos bubuksan ko yung driver seat at ihulog siya. Alam niyo yung lakas ng trip niya sa buhay?! Nakaka-gago eh. Sobrang kinabahan pa ako na baka alam na ni Luke tapos sasabihin niya joke lang ‘yon? ARRRRGGGGHHH. Pero on the bright side, mas okay na joke lang yung sinabi niya kaysa magkatotoo. Mapapatay ko talaga kung sino man ang magsasabi nun kay Luke.

“Peste ka. Alam mo ‘yon?”

“I know right.”

AT TALAGANG SUMAGOT PA ANG LOKO! UTANG NA LOOB PIGILAN NIYO KO SASAKALIN KO TALAGA ‘TO!!!

“Bwiset ka. Ang panget mo.”

“Like brother, like sister.”

Like brother, like sister? Kadiri talaga ‘yang mga pinagsasasabi ni Ivan. Saan niya nakuha yan? At excuse me ha, wala akong kapatid na may sapak sa ulo!

“Saan ba tayo pupunta?”

“Wala kana don.”

Kita niyo na? Kita niyo na?!!! Ang kapal ng pagmumukha diba? Sinama-sama niya ako dito tapos di niya sasabihin sa akin kung saan niya ako dadalhin? Isusumbong ko talaga ‘to kay daddy. Huhuhu.

“Saan nga?! Sasabihin kita kay daddy.”

“Subukan mo. Sasabihin ko kay tyanak na kinain mo yung macaroons niya.”

At nagawa pa talaga niyang mang-blackmail ulit?!! Nakakainis! Nakakabanas! Nakakairita! Hayy. Sarap niya lang paliguan ng muriatic acid eh. Saka akin naman yung macaroons na ‘yon eh!! Kinuha lang ni tyanak ‘yon sa akin! Grrrr.

“Edi sabihin mo.”

“Huh, talaga.”

“BWISET!”

“Gusto mo talaga malaman kung saan?”

Napatingin agad ako sa kanya nung sinabi niya ‘yon. Woah, natauhan na yata siya ah?

“Oo. Saan nga?”

“Kela Luke.”

O_______O

K-kela Luke? OMYGOOOOOOSH!!!

“Weh? Seryoso?”

Syempre tinanong ko na naman ulit. Malay ko ba kung tini-trip lang ako neto? Tapos sasabihin niya mamaya na “joke lang” hahampasin ko talaga siya kahoy!! Alam niyo namang malakas talaga saltik niyang kapatid ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 29, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Strings AttachedWhere stories live. Discover now