Chapter 3

17 0 0
                                        

Chloe

Feeling ko ang sabog ko ngayon, promise. Ang sama ng pakiramdam ko kaninang pag-gising ko. Niloloko pa nga ako nila Ivan at Sakura na mukha daw akong zombie eh. Pake ko naman, eh maganda pa din naman ako. Hindi ako conceited ah, malakas lang talaga tiwala ko sa sarili ko. Nangungulit-ngulit pa sila sa akin pero hindi ko talaga sila pinansin. Sa huli tumigil din naman sila.

“Sis, anong nangyari sa’yo? Nag-zombie tsunami ba at nadamay ka?”

Sinamaan ko lang ng tingin si Immy. Sira talaga ‘to. Zombie Tsunami? Diba laro yun? Laos na nga yun eh. Hays. Ibang klase na utak neto eh.

“Tigilan mo muna ko, Immy. Napuyat ako, okay?” Ayoko munang makipag-diskusyon dito kay Immy kasi panigurado hindi din ako titigilan neto sa kaka-tanong. Ang sakit ng ulo ko, I swear. Napuyat kasi ako kagabi eh. Huhuhu.

“Napuyat? Anong ginawa mo ha?” Tss. Kahit talaga ang berde ng utak neto. Hahaha! Kababaeng tao ‘noh? Ganyan din kaya si Luke? Hmp, malay natin diba? Kasi magkapatid sila eh.

“Kung ano-ano talaga iniisip mo. Wag mo ako idamay sa kahalayan mo.”

“Hahahaha! Ano ba sis, kay Ivan lang naman ako may kahalayan ‘noh.” Kay Ivan? Jusko, sinasabi ko na nga ba.

“Tsk Immy, wala ka talagang taste.” Sinamaan lang ako ng tingin ni Immy tapos tumawa.

“Ikaw din kaya. Bakit sa lahat, si Kuya pa? Eh mas cold pa ata yun kay Jack Frost eh.”

Napaisip naman ako. Bakit ko nga ba nagustuhan si Luke? Eh samantalang hindi naman ako napapansin nun tapos ang cold cold pa niya. Minsan nga nagtataka ako eh, natatandaan pa kaya niya nung mga bata kami? Lagi kaya kaming magkasama nun. Ewan ko ba ngayon, sobrang dumistansya siya. Simula nung bumalik siya galing sa States, hindi na niya ulit ako napansin.

10 years old siya nung umalis ulit siya papuntang States tapos 9 years old naman kami. Bago siya umalis sabi niya na magkikita ulit kami tapos liligawan niya daw ako. Crush ko kaya siya nun kaya sobrang excited ako na bumalik siya. 3 years bago siya bumalik kaya naman sa sobrang excite ko, sumama pa ako sa pagsundo sa kanya sa airport. Kaso... Mukhang hindi siya masaya na makita ako. Sobrang nagbago din yung itsura niya, lalo yung ugali niya. Kung ano yung kina-pogi niya, naging cold naman siya. Bihira na siyang ngumiti, makipag-usap sa tao, tapos naging masungit siya.

Hanggang ngayon, ganyan pa din siya. Walang pinagbago. Gaya ng feelings ko sa kanya, hindi nagbabago. Crush na crush ko siya, kaya lahat gagawin ko para mapansin din niya ulit ako. Kahit gaano pa siya ka-cold, pagtitiisan ko siya.

“Huy, natulala ka na naman dyan. Iba talaga karisma ni Kuya pagdating sa’yo eh no? Lakas ng tama mo. Hahaha!” Inirapan ko nalang siya. Bigla naman dumating yung teacher namin sa Math kaya tumigil na din kami sa pag-uusap ni Immy.

--

“Sasabay kana ba sa akin pauwi?” Tanong sa akin ni Immy. Nag-aayos na kami ng gamit kasi dismissal na. Hay jusme, sabog talaga ako. Ni hindi ko maintindihan kung ano ba yung mga dini-discuss ng teachers. Sasabog na ata utak ko. T.T

Umiling ako. “Kukuhain ko muna yung damit ko sa bahay bago ako pumunta sa inyo. Tsaka, itatanong ko din muna si Ivan kung pwedeng siya nalang yung partner ko sa party.”

Wala pa kasi akong partner eh. Huhuhu. Eh wala naman kaming classmates na invited dun, syempre hindi naman sila close kela Tita Emma. Papayag naman kaya si Ivan? Tss. Feeling ko hindi eh. Grrr talaga yun. -_____-

“Ha? Bakit? Wala ka pa bang partner?”

Umiling ulit ako. “Ikaw, meron kana?”

Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon