Chapter 5

24 0 0
                                        



Immy

Days have passed at nakikita kong blooming ang bestfriend ko ngayon. I wonder why? May nahanap na kaya siyang iba bukod kay Kuya? Did she finally realized na hindi lang si Kuya ang pwede niyang makatuluyan? I hope yes. It’s not like na tutol ako sa pagkakagusto niya kay Luke, pero as bestfriend, ayokong masaktan siya sa huli. Kasi asa siya ng asa na magugustuhan siya ni Kuya. I’m not saying na hindi ‘yon mangyayare, pero hindi naman nagpapakita ng motibo si Kuya, diba? Ayokong umiyak siya sa huli kaya nga minsan pinapayuhan ko siya na maghanap nalang ng iba.

“Aba, blooming ka ngayon ah?”

“Weh? Hindi kaya!”

“Oo kaya. Sus, sa’kin ka pa magsisinungaling. So, who’s the lucky guy?”

Ngumiti lang siya nung tinanong ko yun sa kanya. Aha! Sabi na nga ba eh, may something talaga sa kanya. I hope naka-get over na siya kay Kuya.

“Anong lucky guy ka dyan? Wala ‘noh.”

I looked at her suspiciously. “Wala ba talaga?”

Hindi ako naniniwala sa kanya. Kasi nga, dahil babae ako, alam ko ang meaning ng ‘wala’ sa amin. Kapag sinabi naming ‘wala’, meron talaga yun.

She sighed in defeat. ”Fine, meron. Happy?”

I grinned and clapped my hands. O ano? Sabi sa inyo meron ‘yan eh. I know Chloe damn well, malamang bestfriend ko yan ‘noh. Simula nung bata kami, magkasama na kami niyan. Kaya alam ko kung malungkot siya, masaya, kung may problema man siya o wala. And ganun din ako sa kanya.

“Yes! So sino ‘yan?” Excited akong malaman kung sino yun! Syempre, finally makaka move-on na din siya kay Kuya after so many years.

“Tinatanong pa ba yan?”

“Huh?”

Ano ‘bang sinasabi niya? Don’t tell me..

“Sabi ko tinatanong pa ba yan? Kala ko ba bestfriend kita? Kilala mo na ‘yon!”

Okay, naguguluhan na ako sa sinasabi niya. Kilala ko na ‘yon? Sino?

“Huh? I don’t get it. Spill.”

Bumagsak ang balikat niya tapos nag-roll eyes siya sa akin. “Duh, si Luke.”

-________-

Tss. Binabawi ko na ang sinabi ko na makaka move-on na siya kay Kuya. Imposible talagang makalimutan niya si Luke. Akala ko pa naman ngayon na yung time para makahanap siya ng iba. But then again, I get my hopes too high. Nakita niya atang hindi ako masaya sa sinabi niya kaya naman tinaasan niya ako ng kilay. Sign yun na nagtatanong siya kung anong problema. Alam niyo kase ‘yan si Chloe, minsan hindi siya mahilig magsalita. Oo, nakikipag-usap siya pero kadalasan talaga senyas senyas lang. Nasanay narin ako kaya kahit tanguan niya lang ako o titigan, may ibigsabihin na ‘yon.

Okay back to topic. Hindi naman sa nilalaglag ko si Kuya, pero may pagka-chickboy din siya, hindi lang halata. Kapag nakita mo kasi siya ng unang beses mukhang goodboy pero ang totoo, hindi. Okay aaminin ko, mabait siya at times pero pag dating sa mga relationships, hindi na. Minsan na kasi siyang naloko, kaya ganyan siya ngayon. Ang bitter kase niya. Malay ko ba kung ilang ampalaya yung pinakain sa kanya nung ex niyang kulang nalang bilhin na lahat ng gamit sa mall sa tuwing magda-date sila ni Kuya.

Hindi alam ni Chloe ang tungkol dun at wala na kaming balak ipaalam sa kanya. Yun din siguro yung main reason kung bakit hindi gaanong pinapansin ni Kuya si Chloe. Special si Chloe para kay Kuya kaya ayaw niyang magaya si Chloe sa mga flings niya. Minsan inisip ko na rin kung may gusto ba si Luke sa kanya, pero hindi ko naman ‘yon masasabi eh. Who knows kung anong tumatakbo sa utak niya, right? Or pwede rin namang kaya special si Chloe para kay Kuya dahil minsan niya na din inalagaan yung bestfriend ko dati nung bata pa kami.

Strings AttachedWhere stories live. Discover now