Chapter 7

12 0 0
                                        

Immy

“Huy, tulala ka dyan?” Bungad ko kay Chloe na kanina pa tulala sa desk niya. Nasa harapan lang naman niya ako pero bihira ko siyang maka-usap dahil doon kay Kimlher at isa pa, mahirap makipag-usap ng ganung position ‘no! Mamaya mahuli pa ako ng teacher, edi parehas kaming lagot ni Chloe.

“H-huh?” Sabi sa inyo eh, tulaley talaga ang Chloebells niyo. Kanina pa yan. Kanina pang umaga actually. Nakaka-usap naman siya ni Kimlher, naririnig ko kaya sila. Pero ang tipid niya lang din sumagot. Jusko, kung ako lang kausap ni Kimlher? Myghaaad, di ako mauubusan ng laway para lang dyan.

Umupo ako doon sa upuan ni Kimlher dahil wala pa naman siya. Nag-cr yata eh? Excited nga ako mamaya kasi sa pagkaka-alam ko, isasama ako ni Chloe sa pagtour niya kay poging-intsik mamaya. Kaso, paano naman ito-tour neto ni Chloe si pogi kung tulala siya? Ano kayang iniisip neto? Posible kayang...

Sumasakit ang tyan niya? Omyghaaaad! Baka naman naje-jebs siya kaya hindi siya makapag-salita! Nako talaga ‘to si Chloe oh, hindi naman kase nagsasabe.

“Huy Chloe, masakit ba tyan mo?” Tinaasan niya lang ako ng kilay. Na-offend ko ba siya? Hala. Syempre as bestfriend, ayoko naman na mapahiya siya. Saka baka maturn-off pa sa kanya si pogi kase mangangamoy siya dito kapag hindi pa niya yan nailabas.

“Anong sinasabi mo dyan?” Tanong niya pa sa akin na halatang nagtataka. Sus, eto talaga si Chloe! Ide-deny pa eh halata ko naman na. Saka bakit ba siya nahihiya? Eh bestfriend niya naman ako. I will accept her flaws and imperfections naman eh. Hooo, napapa-english tuloy ako dito.

“Alam ko namang natata—“ Hindi ko na natuloy yung sinasabi ko dahil bigla namang sumulpot si poging-intsik sa gilid ni Chloe. Kinalabit siya neto pero parang hindi siya napansin ni Chloebells.

“Chloe?”

“K-kier? Hala sorry, ano sasamahan na ba kita?”

Kier? Sinong Kier?

“Sino si Kier?” Bulong ko kay Chloe na halos ika-hulog niya sa upuan. Okay, ang weird niya talaga ngayon.

“Ay tae ng kalabaw!” Sigaw pa niya na iki-natawa ko pati ni Kimlher. Kung makikita niyo siya? Kulang nalang atakihin siya sa puso sa bulong ko. Sinamaan ako ng tingin ni Chloe tapos hinampas ng mahina. “Ano ka ba naman Immy! Nakakagulat ka. Kanina ka pa ba nandyan?”

So the whole time na kinukulit ko siya, hindi niya pa ko napansin nun? Aba’y malaki talaga ang problema ng bestfriend ko kung ganon.

“Kanina pa ako nagsasalita dito ‘no. Di ka naman pala nakikinig. Anyway, kinakausap ka pa ni pogi oh.” Bulong ko kay Chloe sabay turo ko kay Kimlher na parang may kinakausap sa phone dahil nakatalikod siya sa amin. Bigla namang humarap si pogi kaya naman agad-agad kong binaba yung daliri ko.

Ngumiti siya kay Chloe. “You were saying, Chloe?”

Nakita ko namang nag-blush si Chloe nung nginitian siya ni pogi. Aba, lumalove-life na naman ‘tong babaeng ‘to ah? Baka naman eto na yung way para makamove-on na siya kay Luke? Emegeeed kung eto na nga ‘yon, aba ipu-push ko na talaga siya kay Kimlher!

“U-uhmm sabi ko kung sasamahan na ba kita?” Nags-stutter pa talaga siya ha? I ship them na talaga! Saka ko na pag-iisipan yung ship name nila. For the mean time, ipu-push ko muna sila sa isa’t-isa.

“Yeah. Nag-bell na rin eh. So I guess, break time na? Tara na. My treat.”

Huh? Nag-bell na pala?!! Di ko man lang napansin. Kung sabagay busy kase ako dito kay Chloe pati Kimlher eh.

Strings AttachedWhere stories live. Discover now