Ngumiti naman siya ng malaki tapos tumingin sa’kin na para bang kumikinang yung mata. “Oo, yung manliligaw ko. Ipapakilala na kita mamaya sa kanya. Hihihihi.”

Ah! Yun pala yung sinasabi niyang manliligaw niya kahapon. ”Sige. Pero paano si Ivan?” Napalitan naman lungkot yung ngiti niya. O, ano na namang ka-dramahan niya?

“Waaaah. Shh ka lang dyan, sis. Ano ka ba! Mamaya marinig niya tayo eh. Eh nanliligaw pa lang naman yun, hindi pa naman kami.”

“Hindi pa kayo, pero grabe yung ngiti mo kanina nung binabanggit mo siya.” Kinurot naman niya ako sa tagiliran. Aish. Ayan na naman siya sa kurot niya. Kainis talaga!!

“Tss. Inggit ka lang kasi wala ka pang manliligaw.”

“Hindi ko sila kailangan. Iniintay ko lang na manligaw si Luke eh, dadating din kami dun. Promise.”

Bahagya siyang tumawa. Yung nang-aasar na tawa? Oo yun. “Kailan pa? Pag pumuti na ang uwak? Pero sige dahil bestfriend kita, susuportahan kita dyan.”

Nginitian ko nalang siya tapos tinuloy na yung pag-aayos ng gamit. Kahit laging may saltik yan si Immy, mahal ko din yan. Bestfriend ko kaya yan. Halos simula ata nung pinanganak kami, talagang tinadhana na kaming mag-bestfriends kasi yung mga parents namin talagang magka-kaibigan since highschool. Astig diba?

“Yung future husband mo daw, nami-miss kana.”

Napa-tingin naman agad ako kay Immy. OMG! Si Ross! Dumating na ba siya?

“OMG! Dumating na ba si Ross? Nami-miss ko na din yung batang yun!”

Si Ross yung bunsong kapatid nila Immy. Kasing-edad lang siya ni Sakura. Parehas din silang masungit kaso hindi masungit sa akin si Ross kasi ‘future wife’ nga daw niya ako. Ewan ko ba dun sa batang yun. Kaso nagpunta siyang States last year, kaya hindi na kami nagkita. Parang ver.2.0 lang siya ni Luke. As in kamukha niya si Luke. Maputi, chinito, tapos tumatangkad na din siya, maporma at higit sa lahat pogi din.

“Yup. Kagabi lang siya dumating at alam mo ba ikaw agad unang hinanap! Hahaha! Ano bang pinakain mo dun sa batang yun at sobrang lakas ng tama sa’yo?”

Natawa naman ako sa sinabi niya. Hook na hook talaga sa akin yung batang yun. Nung una nagsusungit din talaga yun sa akin, pero nung niregaluhan ko siya ng chocolate ayun tinamaan na ata. Hahaha! Ang cute cute talaga niya kaso maypagka-pilyo din talaga siya.

“Uy sige sis, andyan na yung driver eh. Antayin kita mamaya ha? Aayusan kita. Bye bye!” Hindi ko namalayan na naka-abot na pala kami sa gate. Nag-wave nalang ako kay Immy tapos nag-stay saglit kasi inaantay ko rin yung driver namin. Mga ilang minuto lang dumating na rin naman.

--

Kakatapos lang ako ayusan ni Immy at eto hindi pa din niya ako pinapayagan tumingin sa salamin. Malay ko sa kanya. Mamaya ginawa na pala akong clown neto. Pero hindi rin, mahilig yan sa fashion kaya pinagkaka-tiwalaan ko din siya pagdating sa ganitong bagay. Ako kasi yung tipo ng babae na hindi naman masyadong girly. Oo, nagsusuot naman ako ng shorts, dress at skirts pero yung make-ups? NEVER. Bihirang-bihira lang ako gumamit nun kasi unang-una, parang hindi naman bagay sa akin at pangalawa, hindi ko lang talaga feel.

“Ang ganda-ganda mo na talaga sis!” Sabi ni Immy. Nagpoker-face lang ako sa kanya.

“O, ano na namang mukha yan?”

“Maganda? Eh hindi mo nga ako pinapatingin sa mirror eh!” Tumawa lang siya. Oh by the way, I’m wearing a half-knee length baby blue cocktail dress with light make-up and 4 inches heels. Oh, keri ko yan ‘noh. Meron din akong blue mask na may feathers and diamonds sa gilid.

Strings AttachedWhere stories live. Discover now