“Kay L-Luke.”
Napantig ang tenga ko sa pangalang sinabi niya. Ano? Kay Luke daw? BAWAL! NO! HINDI PWEDE!
“Uy sis, bibigyan daw ng regalo si Kuya oh.” Sabi niya sabay turo dun sa regalo. Tss. Ano kayang laman niyan? Baka necklace? Psh. Isasakal ko sa Kienna na yan yun eh. Hindi ako umimik at tinignan ko lang ang reaksyon ni Luke. Lahat ng nasa cafeteria nakatingin sa table nila at sa table namin.
Alam kasi ng lahat ng estudyante dito na may gusto ako kay Luke. Malay ko nga kung paano kumalat eh. Feeling ko dahil kay Immy talaga. Hmp, hayaan na. Atleast alam nilang wag silang lalapit-lapit kung ayaw nilang mawalan ng buhok. Si Luke lang naman ang walang alam na gusto ko siya eh. AS IN wala siyang idea.
Ewan ko ba dun. Huhuhu parang hindi ako nage-exist sa paningin niya, eh samantalang nung bata naman kami ang close close namin at siya pa ang nag-alaga sa akin nung 3 years old ako. Tapos ngayon, parang hindi na niya ako kilala. T____T
“L-Luke, para sa’yo.” Sambit nung Kienna at ibinigay kay bebeloves ko yung gift niya. Nanatiling tahimik ang paligid habang tinitignan ang reaksyon ko pati ni Luke. Hindi ata siya napansin ni bebeloves kasi naka-earphones siya.
Kinalabit pa siya ni Keanu tapos tinuro yung Kienna na may hawak-hawak na regalo. Tinignan lang ni Luke yung babae tapos tinignan yung regalo. Kinuha iyon ni Luke. WAAAAAH. HINDI PWEDE! HUHUHUHU. Dati naman hindi siya tumatanggap ng regalo ah? Gusto niya ba yung Kienna na yun kaya ganon?
Halata naman sa mukha ni Kienna ang tuwa. Grrr! Sisiguraduhin kong hindi kana sisikatan ng araw babae ka. Binuksan ni Luke yung regalo at bumungad sa amin ang Rolex na relo. Gold yun at may diamond na naka-palibot. Aaminin ko maganda yung relo pero yung nagbigay, hindi.
Pinag-masdan lang ni Luke yung relo hanggang sa nilapag niya sa table. Hindi niya ba nagustuhan? Hahahaha! Sabi ko na nga ba eh, loyal kaya sa akin yan. Hihihihi.
“Di mo ba gusto, ‘tol?” Tanong ni Keanu sabay kuha doon sa relo at pinagmasdan. “Ang ganda kaya!”
Nag-poker face naman sa kanya si Luke. “Sayo na yan.”
So hindi niya nagustuhan? MWAHAHAHAHAHA. Pahiya si Kienna. Nye nye nye nye!
“P-pero, para sa’yo yan Luke. Hindi mo ba nagustuhan?”
Aangal ka pang Kienna ka. Kapag sinabi ni bebeloves na ayaw niya, ayaw niya!
Bored naman na tumingin si Luke kay Kienna. Kinuha ulit niya ang relo kay Keanu at ibinigay kay Kienna. “Ayoko. Kung gusto mo, ibigay mo nalang kay Keanu o itapon mo.”
Ang cold at ang harsh talaga ni bebeloves. Kapag nagbigay kaya ako ng regalo, tatanggapin niya kaya o gagawin niya din yung ginawa niya dun sa Kienna? Huhuhu. Sana wag naman.
Bigla nalang umiyak yung Kienna sa harapan nila. Napabuntong-hininga nalang si Luke, samantalang napa-iling naman si Ivan. Hinagis nung babae kay Keanu yung relo sabay takbo papalayo. Mabuti nalang at nasalo ito ni Keanu. Lahat ng tao sa cafeteria nagulat, bukod sa amin. Expected na namin yan eh. Maraming nagbibigay sa kanila ng regalo, pero ni-isa wala silang nagugustuhan.
Minsan nga, umuwi si Ivan ng may dalang isang sako. Nagtaka naman ako kaya tinanong ko siya kung anong laman nun. Sabi niya, mga regalo daw. Tapos kung gusto ko daw nun kuhain ko na o kaya itapon ko nalang daw. Ang harsh diba?
“Ang harsh naman ni Kuya,” Narinig kong sambit ni Immy kaya napa-tingin ako sa kanya. “Ano pa nga bang pinag-bago?” Sagot ko.
Oo nga pala 1st year college na sila Luke. Samantalang kami ni Immy, 3rd year highschool naman. Nung 3rd year sila, apat silang magka-kaibigan. Yung isa nawala na, si Jerome. Hindi ko alam kung bakit yun nawala, pero sabi nila naka-away daw yun ni Luke.
“Hoy, nakikinig ka ba?” Natauhan ako nung kinalabit ako ni Immy. Tinaasan ko siya ng kilay, signal yun para ituloy niya kung ano yung sinasabi niya.
“Sabi ko may nangliligaw sa akin! Hihihi.”
“Weh? Baka naman joke lang yan?”
“Totoo nga! Ipapakilala ko din siya sa’yo kapag kami na.” Jusko, kinililig ang loka.
“Okay. Pero paano si Ivan?” Nag-isip naman agad siya doon sa sinabi ko. Alam kong crush na crush niya yun eh.
“Bahala na. Basta kapag halimbawa kami na nung manliligaw ko tapos nanligaw si Ivan, makikipag-break kaagad ako.” Hinampas ko lang lang siya. Baliw talaga ‘to.
--
“Ma’am, may I excuse Ms. Fuentes?”
Napa-balikwas agad ako nung narinig kong may tumawag ng apilido ko. Sino yun? Bakit ako i-e-excuse? May nagawa ba akong mali? Nakita ko naman na kinausap ni Ma’am Loyola yung taong tumawag sa akin, sa likod ng pinto.
Pero, familiar yung boses niya eh. Sino kaya yun?
“Uy bes, bakit ka kaya tinatawag?” Sambit ni Immy sa akin. Napa-kibit balikat nalang ako. Nakita kong tumango-tango si Ma’am Loyola. Huhuhu, baka naman dadalhin ako sa guidance.
“Ms. Fuentes, tinatawag ka ni Mr. Montenegro.”
O________O
S-Si Luke? Tinatawag ako? Bakit? Waaaaaah. Baka naman magco-confess na?
“Wag ka munang mag-hallucinate. Tinatawag kana oh. Bilisan mo, at iku-kwento mo pa sa’kin yan.” Nginitian ko lang si Immy. Kahit kailan talaga yang babaeng yan.
Maayos kaya itsura ko ngayon? Baka naman may biglang lumabas na pimples? May muta kaya ako? OMG. Kinakabahan ako, kyaaaaa.
Dali-dali akong lumabas ng room para makita si bebeloves ko. At yun, nakita ko siyang nakasandal sa gilid ng pinto tapos yung mga kamay niya nasa bulsa. Tumikhim ako habang papalapit.
“Bakit mo ako tinawag?” Okay Chloe, keep it cool. Easy lang, wag mo sunggaban yan. Baka maturn-off. Napansin na niya ako na malapit na sa kanya kaya umayos na siya ng tayo. May kinuha siya sa bulsa niya.
OMG OMG OMG. Magpo-propose na ba siya? Kyaaaa. Lord, ang hiniling ko lang naman po eh maging boyfriend siya, tapos ang binigay niyo husband kaagad? Pero thank you po talaga. Waaaaaah. I’m so kinikilig na.
Sa wakas nadukot na niya yung nasa bulsa niya.
At..
+________+
-________-
Binigyan ako ng invitation.
Tss. Ano namang gagawin ko dito? Ano ba yan. Kinilig pa ako ng todo-todo tapos invitation lang pala ibibigay.
“Mom said you’re invited for the party tomorrow. All details are already inside the invitation. Bye.”
Party? Tomorrow? Tinignan ko yung invitation at nakita kong Masquerade Party pala ‘to. Kaso, kailangan ng partner. Huhuhu. T_T
Magsasalita pa sana ako nang makita kong naglalakad na siya palayo. Okay, hindi ko na hahabulin. Nakakahiya naman eh. =_____= Nosebleed ako, jusko. Haha! Joke lang.
Pumasok na ulit ako at binomba ako ni Immy ng samu’t saring tanong. “Ano sinabi? Anong binigay? May binigay ba?” Tumango ako at binigay sa kanya yung invitation.
Alam kaya ni Luke ang tungkol doon? Siguro naman. Syempre, siya nga din yung nagbigay sa akin ng invitation eh. Ang tangang tanong naman nun. -______- Eh si Ivan kaya, alam? Itatanong ko nalang sa kanya mamaya. Hoho, tapos baka pwede ko siyang partner. Gusto ko sanang tanungin si Luke kung pwede siyang ka-partner eh, kaso nakakahiya naman.
Hay Luke, kailan mo kaya ako mapapansin?
****
Late UD :((( Kakatapos lang ng exams so pwede na akong mag-update! Yun din yung dahilan kung bakit di ako nakapag-UD nung past few days. Madami ding projects tapos idagdag pa yung kasuklam-suklam na exams.
Yun lang. :)
ESTÁS LEYENDO
Strings Attached
Novela JuvenilNaranasan mo na ba magkaroon ng crush sa kapatid ng bestfriend mo? Yung tipong lahat ng tungkol sa kanya alam mo? Yung halos dun kana matulog sa bahay nila para makita mo lang siya? Yung tipong pati tatak ng brief niya alam mo? Kung oo, panigurad...
Chapter 2
Comenzar desde el principio
