“Sino namang ipapakilala ko? Ikaw?”
Namula naman siya sa sinabi ko. Haha! Crush niya kasi si Ivan eh. O diba, palitan lang kami ng kapatid. Malay ko nga kung anong nagustuhan niya dun sa kapatid ko eh. Ang yabang, masungit, at hindi din marunong ngumiti. Compared naman kay Immy na puro kalokohan din ang alam tapos masayahin.
“OMG. Pwede din naman! Yie, kinikilig ako sobra!”
Ang sakit niya talaga mangurot. T_T Battered bestfriend ako neto. Ganyan talaga siya kapag kinikilig, nangungurot. Sa susunod kapag nainis ako, ako kukurot sa singit niya. Hahaha! Oops.
Naputol ang usapan namin nang biglang bumukas ang pinto ng cafeteria. Nagkumpulan lahat ng estudyante doon. May mga nagtitiliang babae. Tss, for sure sila na yan.
“Luuuke! Anakan mo ako!”
“Keanu! Kyaaaa~ Ang pogi mo talaga!”
“Waaaah! Papa Ivan! Pa-kiss ako!”
Sabi sa inyo eh. Teka, pa-kiss daw kay Ivan? Jusko. Kung mahal niya pa ang labi niya, wag na! At ano daw? Anakan siya ni Luke? NOOOOO! Ako lang ang pwedeng anakan ni bebeloves ko! Hindi pwede!
Cool naman silang naglakad sa sarili nilang table dito sa cafeteria. Actually, dalawang table ang nasa gitna. Isa na yung table namin at yung table nila. Syempre, papa ni Keanu ang may-ari ng school eh. Tutal naman daw kapatid kami ng mga kaibigan niya, dapat daw may special treatment din kami. Ang sweet niya diba? Si Immy lang kinikilig dun, wag niyo akong isama.
Sa pag kaka-alam ko, may kapatid din na babae si Keanu. Kaso hindi pa namin siya nakikita, nasa States daw kasi pero uuwi na din siya next month. Wohoo! May bago na naman kaming karamay!
Sa madaling salita nasa likuran namin sila naka-upo. Parang ganito yung itsura:
——————–
Chloe–Immy
———————
——————————
Ivan–Luke–Keanu
——————————
Oh gets niyo na? So ayun, may naghatid sa kanila ng pagkain nila. Mga feeling prinsipe yan sila eh. Lalo na si Ivan at Keanu. -____- Si bebeloves ko naman, tahimik lang habang naka-earphones. Kyaaaa. Baka naman pinapakinggan niya yung boses ko dun? Malay mo, nagpunta pala siya sa kwarto ko tapos naglagay ng hidden recorder dun. Tapos syempre magsasalita ako tapos kapag wala na ako, papasok ulit siya doon tapos kukuhain niya na. OH DIBA? Yieeee! Kinikilig ako!
“Bes, easyhan mo lang! Matutunaw ang Kuya ko sa titig mo!” Pang-aasar sa akin ni Immy. Napansin ko nga na naka-titig lang ako kay bebe Luke ko. Kasi naman, why so handsome?
May biglang lumapit na babae sa table nila, mukhang may ibibigay na gift. Huh, sino kaya yun? Baka naman isa sa mga avid fans nila yun. Saka wala namang may birthday sa kanila. Hmm, sabagay lagi naman silang nagbibigay ng gifts kahit walang occasion, maski nga sa amin eh.
“H-Hi, I-I’m Kienna.” Tss. Nauutal pa siya dyan. Tapos alam niyo yung boses niya? Yung boses na nang-aakit! Grrr. Papansin talaga. Akala niya madadala niya si Ivan dyan? Nako, wag siyang umasa. Si Keanu pwede pa, si Luke naman mukhang walang pake.
“Hi Kienna!” Bati ni Keanu. As usual, siya lang naman. Tinignan lang siya ni Ivan at ni Luke. Haha! Pahiya ka Kienna-girl.
“Para kanino yang gift mo? Sa akin ba?” Hay eto talaga si Keanu. -___-
YOU ARE READING
Strings Attached
Teen FictionNaranasan mo na ba magkaroon ng crush sa kapatid ng bestfriend mo? Yung tipong lahat ng tungkol sa kanya alam mo? Yung halos dun kana matulog sa bahay nila para makita mo lang siya? Yung tipong pati tatak ng brief niya alam mo? Kung oo, panigurad...
Chapter 2
Start from the beginning
