Three words, Eight letters, Say it and I'm Yours [39]

Magsimula sa umpisa
                                    

"Anak! Ano yun?! May nangyari ba?!" Nasa baba ang mama nagluluto.

"Po? Wala! May.. Pusa!"

"Sige. Anak mamayang gabi magsisimba tayo. Simula na ng simbang gabi. Pero bukas madaling araw tayo sisimba.. Di ka kasi nagising kanina kaya gabi tayo ngayon."

"Ah. Sige Ma!"

Yey. I can smell Christmas! Haaay. Ewan ko ba pero bigla akong nadepress. Kasi.. Naalala ko ang Papa. Pasko.. Pasko.. Hindi na nakumpleto ang pasko ko. Palaging kulang.

*beep beep*

Uy. May nagtext!

From: Gian Panget ko. <3

**Labas tayo :)

Hala. Labas? Date? Sigeee. Wala naman akong gagawin :) Mareplyan nga!

**.Labas? Tau? Xur.. :P

Hmm, siguro nga kapag nagkagusto ka sa isang tao hindi mawawala yung feeling na special sayo yung taong yun. :) Lalo na kay Gian. Hindi mawawala ang pagmamahal ko sakanya. Pero ngayon.. Hindi na tulad ng dati dahil kay Kean. Speaking of Kean..

*Enchanted by Taylor Swift*

--yes! Bagong ringtone. :)

Calling: Kean Asungot! -___-"

"Hello? Sino to?"

"Try mong icheck sa phone kung sino yung natawag!"

"Sungit natin ah! PMS?"

"Psh. O eh bakit may date kayo ni Gian?"

"Waaaaaah! Bakit mo alam?! O__O"

"....."

"Huy! Bakit mo alam?!"

"....."

"Osige ibababa ko na to. Babu.."

"....."

"Eeeeeh! Tampo ka na niyan?! Bala ka diyan! Bakit mo alam?!"

"WRONG SEND KA KASI!! Manloloko na lang magiiwan pa ng ebidensya!"

"Aray! Kung makasigaw ka naman. Sabi niya ee magkita daw!"

"Sus. Sige. Me date din kami ni Anika!!"

"Sige. Enjoy :) "

"Aba't--"

*toot toot*

Ai? Naputol? Nawalan pala ako ng signal! Hehe. Wrong send nga! Ifoforward ko na lang kay Gian :)

3p.m

"Uy. Buti nakadating ka."

"Hindi ko naman makakalimutan ang birthday niya, naging mahalaga siya sa akin. Sa atin. Halos tinuring ko na siyang anak."

Trixie.

Nmatay siya two years ago. Malungkot. Pero.. Ayan. Hindi namin nakakalimutan na dalawin ang puntod niya.

"Salamat sa pagsama. Kala ko kasi di ka papayagan ni Kean."

"Sus. Hmm.. May gusto kang sabihin?"

"Siguro naman alam mo na yung buong story. I was hoping na pwede pa tayong magkabalikan.. Pero huli na pala ako. Tama nga si Bob ong."

Talagang napasama si BOB ONG sa usapan??

"Wag mong iiwanan ang bagay na mahalaga sayo. Kasi.. Tinapay nga.. Na iwanan mo sa mesa nakukuha ng iba. Yun pa kayang mahalaga sayo. Hindi yan yung exact na sinabi niya pero andiyan yung thought! Siguro mali na iniwanan kita.. Pero.. Kailangan.. Para kay Papa. Alam mo naman na mahal ko ang Papa,"

[PUBLISHED BOOK] Three words, Eight letters, Say it and I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon