Nahagip ng mata ko si Trevor at naglalakad papunta sa direksyon ko. Nandoon si Zack, pero iba ang datingan niya ngayon. Nakatayo lang siya at may hawak na plastic cup ng inumin. He sips his drink at saka tumingin sa akin at kay Trevor.


Hindi na naman ako makakilos ng ayon sa gusto kong gawin. My feet's moving without any control. May hawak din ako sa dalawang kamay ko na maliit na paper bag na pink at naglakad para habulin si Trevor.


"Sandali," saad ko ng mahawakan si Trevor sa braso niya. Pinigilan ko siyang maglakad ulit papalayo.


Dalawang kamay kong ibinigay sa kanya ang bitbit kong paperbag. Nakangiti akong iniangat iyon sa ere para kuhanin niya. Muli niya akong tiningnan bago kinuha ang paper bag. Kinuha niya mula sa loob ang isang key chain na may palawit na bulaklak.


"What's this? Key chain?" He rolled his eyes and give me a serious smirk. "Tss. Ano tayo mga bata?"


Napayuko ako dahil muli ay hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Tiningnan niya ang key chain at pabatong itinapon sa kung saan.


"Next time Alora, H'wag ka na mag-aksaya ng panahon." Nagpamulsa siya at muling nagtapon ng inis sa akin.


Nagsimula na akong umiyak, lalo na nang makaalis siya. Pinagtinginan ako ng lahat ng nandoon. I cover my face with my hands, nanatili akong ganu'n at walang magawa.


*END OF STAGE*


Inalis ko na ang kamay ko at nakahinga ng maluwag ng matapos ang stage. Nakatingin silang lahat sa akin at parang naaawa. Nilapitan din ako kaagad ni Becky.


"Okay ka lang, Alora?" tanong nito sa akin.


"Yeah, I'm fine. Don't mind me." Nagmwestra pa ako ng kamay na tila kumakaway para hindi sila mag-alala. Naramdaman ko ring kumalat na ata ang maskacara sa mata ko.


Tumawa pa ako at parang baliw na lumpit sa kanila, para maniwala sila. Nagsilayuan naman silang lahat at pinagtawanan ko lang din iyon.

Nagpalit ako ng damit at naghilamos. this time, violet dress kimono sleeves na above the knee at pa-V neck din ang collar ang suot ko. Perfect para sa outing namin ngayon.

Naabutan ko si Becky na nakaupo sa isang bench sa harap ng hotel building na hindi rin kalayuan sa pool. Nakaupo siya roon mag-isa at may hawak na manipis na bato na flat na nasa packaging na plastic na.


"What's that? A stone?" tanong ko nang makaupo ako sa tabi niya.


"Yep. Sabi nila, once na nagwish ka sa stone na 'to, matutupad ang hiling mo lalo na kapag naputol ng dalawang magkasintahan ang bato sa isa't isa," aniya at ibinigay sa akin ang dalawa pang bato sa nasa gilid niya.


"I don't need it," sagot ko.


"You never know," sagot naman nito, at tila nag-iisip ng isusulat sa bato dahil may hawak itong marker.


Pagkatapos ng pag-uusap namin ay bigla namang sumakit ang ulo ko. I've seen the story board! Napatayo rin ako bigla na agad namang ipinagtaka ni Becky.


"Why? May problema ba?" Nakaangat ang ulo niya sa akin.


"Number 13.. He's here." Wala sa sariling naiusal ko. I saw him on the story board, he's here.


Naabutan kong bumaba si Zack mula sa staircase ng entrance ng building at naka-white polo naman siya ngayon. Hinabol ko siya at hinawakan ang braso niya, para tumigil at mapansin niya ako.


"He's here," I quickly told him about number 13.

"Totoo?" Hindi rin siya makapaniwala.

"Tell Trevor I need to talk to him. I'm pretty sure this time, na talagang mababago ng tuluyan ang character ko," seryoso pero confident kong saad kay Zack.


Nagmadali ako at iniwan na si Zack. I need to find him. Kailangan ko siyang masabihan para mabago ang kapalaran ko. Agad akong nagpunta sa may rock formation na malapit sa dagat, doon kasi magaganap mamaya ang stage. It's all about me and Trevor this time, kailangang pigilan ako ni number 13.


"There you are!" pamungad ko ng maabutan si number 13 na nakatayo at nakatanaw sa dagat.


Nakatingin lang siya sa akin at hindi kumikibo.


"Kailangan mo 'ko tulungan. Magsisimula na ang stage at dito 'yon magaganap. Nandoon kami ni Trevor mamaya sa pampang, we will break stones together pero pupunta ako sa dagat at malulunod. Gets?" mahabang paliwanag ko.


Wala siyang kibo, at nanatiling nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy alam kung may naintindihan ba siya sa sinabi ko.

Nagmimick ako ng puppet sa kamay, ganu'n din ang boses ko para magmukhang malaki at malalim. "Tara, sabay nating baguhin ang kapalaran mo."



*THE STAGE*



It's already happening. Napatingin ako sa taas, sa may rock formation. Nandoon pa rin si number 13, nagkatinginan kami ngunit naalis din iyon agad dahil napukaw ang atensyon ko sa pagdating ni Trevor.

Naka-white polo ito na long sleeves na naka tuck-in sa suot nitong black slacks. Maayos din ang basa pa niyang buhok na nakahati sa gilid.


"Why did you come to here to the camp? Ito ang gawain mo, tormenting me." Kahit seryoso ang mukha nito ay nakangiti at excited pa rin ang mukha ko.


Unti unti siyang lumapit at pinutol ang bato na hawak ko. Mas malaki ang kapiraso na naputol niya kaysa sa akin.


"Happy?" Nakakunot noo niyang tanong. Nakayuko naman ako at hindi makapaniwalang sabay naming naputol ang bato.


"I am... really happy! Sabi nila, this stone symbolizes your love. Mas malaki yung nasa sa'yo," sagot ko at nakangiting tumingin sa kanya. Sobrang saya ko na nagawa namin ito ng magkasama.


Parang nainis siya sa sinabi ko, at malakas na inihagis sa dagat ang kapiraso ng bato na hinati namin.


"T-The stone.." Biglang napawi ang ngiti ko at napatingin sa dagat. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kirot, my eyes bacame wet and blurry.


"Pwede ba? Wala akong hinihiling, your wish is too obvious and stop wasting my time." He furrowed his eyebrows, his voice sounds irritated too.


Nasa stage lang kami pero bakit nasasaktan ako?


To be continued...





Look, I found you (UNDER REVISION)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें