• Fifty Three •

76 3 0
                                    

Betina Tiara

~

"Wow... is that a pancake?"

Kakatapos ko lang maligo at heto, naabutan ko si Zen sa kusina na gumagawa ng pagkain. Actually, it's not a usual pancake that made at home. I think it’s called mini pancake cereal? Singliliit ito ng oreo biscuits. So cute!

Sa tuktok ng maliliit na mini pancake cereal na 'yun ay ang malaking hiwa ng butter.

"Yeah it’s a mini pancake. Hmm... nakita ko lang kagabi ‘yan sa browser, nag-iisip kasi ako ng lulutuin para sa ‘yo ngayong araw," Zen approached me and kissed my temple.

I took a bite at the pancake and nodded in response, "Ito talaga naisip mong gawin?"

He shrugged, "It’s still morning so I guess it’s fine? Masarap kayang almusal ‘to."

"Pero may kulang, e."

Tinanggal niya ang apron na suot at umupo sa kaharap kong upuan, "Babe, you should put a honey syrup. This one," inabot niya 'yun.

Sinunod ko naman 'yun pero kahit gaano katagal ko pang itaob ang bote at itaktak ito, walang lumalabas o talagang mabagal lang.

Galing.

"It’s not coming out."

"What?" kinuha niya ang bote sa 'kin at sinilip ang loob no'n, pagkatapos ay tinaob niya at tinaktak, "May laman pa, e. Come out, please..."

Natawa na lang ako sa kan'ya at sumalumbaba sa mesa. 'Yung totoo? Hindi man lang niya inalam kung may honey syrup pa 'no bago gumawa ng pancakes. Iyan pa naman ang ka-partner niyan. Hindi kumpleto kapag walang syrup.

And now that we have it, I really wanna eat pancakes with honey syrup!

It's been a long time since someone cooked pancake for me. The first time I ate home pancakes was when my parents was still alive.

Sabay kaming nagulat ni Zen nang biglang sumirit ang laman ng bote dahilan para tumalsik sa akin ang ilang likido no'n. Naramdaman ko sa pisngi ko ang unti-unting pagbaba no'n.

"Zen..." I said in a warning tone.

"God, I’m sorry babe! I’ll get a tissue," binaba niya ang bote at akmang tatayo sana para kumuha ng tissue pero hindi na 'yun natuloy, dahan-dahan nagbago ang ekspresyon nito sa 'kin.

"On the second thought," doon na siya tumayo at tumabi sa 'kin, "Why would we need a tissue if I can wipe it clean for you?"

A silly grin formed into his pinkish lips.

I blinked, "How...?"

"I’ll lick it, don’t move."

At gaya nga ng sinabi niya, lumapit siya at marahang dinilaan ang baba ng pisngi ko pataas.

Good gracious!

Nagsitayuan ang balahibo ko sa ginawa niya. Alam kong may mas masahol pa siyang ginawa rito pero... we’re in front of our foods!

Bago ko pa siya suwayin ay kusa na siyang lumayo at tinignan ang iba pang bahagi kung may syrup pa ba o wala na. Pagkatapos ay dumako ang mata niya sa 'kin at ngumisi.

"There, you’re clean again," he proudly stated.

"I can’t believe you actually did that in front of our food, you pervert---" I was interfered when the house doorbell rang.

I sighed and stood up from my seat, "Have you invited anyone?" I asked.

He shrugged and shook his head, "Nope."

Below The Tide (Charity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon