• Fourty Two •

70 2 0
                                    

Betina Tiara

~

Pabagsak na umupo si Gavin sa tabi ko bitbit ang pagkain na binili niya rito sa cafeteria. Dito muna namin piniling tumambay dahil kagagaling lang nito sa school at pinilit din niya akong samahan siya rito para kumain.

Kahit na ayokong lumabas ng office, hindi ko naman matanggihan ito dahil hindi pa kumakain.

"Finally, a non-preservative food!"

Binaba ko ang phone sa lamesa at napabuga sa hangin. Kanina ko pa tinititigan ang screen nito dahil inaabangan kong magreply si Zen pero...

"Zen is in an unfavorable situation right now... for sure he’s feeling down, but I know you would further take care of him."

I glanced at Gavin who's looking gloomy as I am. It’s been a day, yet, we haven’t recieve any news from Zen. Kahapon pa nakapatay ang phone niya at nag-aalala na talaga ako.

What is he thinking? Hindi niya ba alam na may nag-aalala?

"Hindi pa siya nagbubukas ng phone. I wanted to come over but Claudius keeps blocking me," I stated in a low voice.

"Huh? Claudius?" his forehead creased.

I let out a sigh and nod, "Yes. Nagpadala raw siya ng body guards sa bahay ni Zen dahil nga hindi siya ma-kontak at binalita sa kan‘ya ng mga ito na may mga reporter daw na nag-aabang sa harapan ng bahay n‘ya."

Gavin gasped in surprise, "R-Really?!"

"What do you think we should do to pull himself together as soon as possible?" I asked.

"Well..." napayuko siya at pinaglaruan ang hawak na kutsara, "I’m sure you are the one who can make him cheer up, Betina. But how can you if you cannot reach him and there’s a lot of reporter in front of his house---" tumingin siya sa 'kin, "They’re invading Zen’s privacy!"

I couldn't help but agree. Ayon sa mga pinadalang body guard ni Claudius, nasa lima raw ang mga reporter ang naghihintay na kausapin si Zen.

Hindi ba sila makapag-hintay na lumabas at magpa-interview ito?! Sobra na 'yun...

Or maybe, Alexandria push them to invade his house. That's not possible for a low-key desperate woman like her.

Iyon yata ang dahilan kung bakit hindi nagbubukas ng phone si Zen kahapon pa. Last text namin ay bago pa lumabas ang balita. Sigurado, mas mahirap ito para sa kan'ya dahil isa siyang kilalang artista. Hindi ko talaga maiwasang mag-alala ng malala.

Napatingin ako kay Gavin nang hawakan niya ako sa balikat, may maliit na ngiti sa labi niya.

"You are there for him and he is there for you. Let’s hope we’ll get to reach him soon. I think it’s a blessing to have someone else who understands you in this harsh world."

Naalala ko tuloy 'yung mga panahong lugmok ako sa pang-a-api ng mga dati kong kaibigan... nandiyan sila para sa 'kin, lalo na si Zen.

Naipilig ko ang ulo ko at winakli ang nakaraan na 'yun. Ayoko na silang maalala pa-- I don't want to even remember their names.

Ngumiti ako kay Gavin at ginulo ang buhok niya. Agad naman siyang umangal.

"Betina!"

"Thank you for your kind words," natatawa kong saad.

"Of course!" then he groaned, "You know what, I think I have to improve my communication skills to have a girlfriend? Like... Zen."

Heto na naman siya sa girlfriend thingy.

Below The Tide (Charity Series #1)Where stories live. Discover now