• Twenty One •

119 8 4
                                    

Betina Tiara

~

I didn't expect to be surprised like this... ni sa panaginip ay hindi ko inisip na mangyayari ito sa akin.

Gusto kong isipin na prank lang 'to pero... sa dami ng taong nanunuod dito sa loob, sa mga nakangiting tao na nakatingin sa 'min, sa mga camera na nakatutok at sa mga kantyaw nina Seven at Gavin... ang hirap kumbinsihin ng sarili ko na prank lang 'to.

"Hey..." he let out a soft chuckle, "Please let me, Betina. I really want to prove how serious I am and this is all not a joke. I like you... so much."

My ears flushed red all of a sudden.

My eyes shifted on his back-- Gavin, who's giving an approved and dashingly smile. Seven, who's holding a camera phone and teasing squeal and screams to us.

Honestly, I feel pressured. Hindi ako sanay lalo at isang artista ang gumagawa nito sa 'kin.

What should I answer? Hailey's words are circling around my head. I don't know how to answer, I don't even know if this is right.

I glanced at Zen's beautiful eyes. Gusto kong iparating sa kan'ya ang tungkol sa napag-usapan namin pero parang ayoko na muling makita ang ekspresyon n'ya na 'yun. Lalo akong naguluhan. Tumitibok ng malakas ang puso ko.

"Zen..."

Pinisil ko ng bahagya ang kamay n'ya na nasa akin pa rin.

Do I like him as a man?

Do I have a thing on him?

Pumikit ako at humugot ng malalim na hininga. Isa-isa nagsipasukan sa isip ko ang mga nagawa sa 'kin ni Zen nitong nakaraan... ang mga nasabi n'ya, ang mga pagpapangiti n'ya, ang mga pagkilos n'ya.

Minulat ko ang mata ko at nang magtagpo muli ang paningin namin... doon na 'ko napangiti.

"How persistent," kumento ko.

"Because I’m serious about you that’s why," nakangiting tugon naman n'ya.

Sasabihin ko palang sana na binibigyan ko na siya ng permisong manligaw nang biglang lumapit sa 'min sina Seven at akbayan si Zen. Sinabayan pa ito ng pangangantyaw ni Gavin.

"Congratulations, Zenny!" bulalas ni Seven.

Kaagad na kumontra si Zen dito, "H-Hey, we’re not yet done!"

"Aww... Zen, finally you have a girlfriend! You’ve graduated from CVA single dudes! I’m so happy! Waaaaahh!" iyak ni Gavin kahit maraming tao ang nananatiling nakatingin.

"What?!"

"You now have a lovey dovey~ teach me, senpai!"

Napaatras ang isang paa ko at nakangiting pinanuod silang tatlo. Do I like this guy...? Sa nararamdaman ko ngayon, imposibleng 'hindi' ang sagot ko rito.

Ito 'yung kinababahala ko. Ayokong magkagusto sa kan'ya dahil ayokong masira ang career n'ya kagaya ng sinabi ni Hailey-- lalo't naging viral ang pangalan ko sa social media. Isa pa sa dahilan, ayokong masaktan si Hailey na siyang iisang babae na kasama ko sa organisasyon. Kahit hindi n'ya aminin, halata ang pagtingin n'ya sa isa.

The rest of my reasons, were not really important at all. Sinasabi ko sa sarili ko na dahil hindi pa ako handa sa relasyon, na dahil nasa iisang organisasyon lang kami, na gusto ko magpokus kay Nanay Gretta... pero sa likod ng mga iyon ay ang tamang pangungumbinsi lang sa sarili ko na 'hindi ka pwedeng magkagusto kay Zen'.

But seeing the effort of this guy in front of me, I couldn't hold back anymore.

"I’ll give you chance... Zen."

Below The Tide (Charity Series #1)Where stories live. Discover now