• Five •

265 21 21
                                    

Betina Tiara

~

Pinilit kong ikalma ang sarili ko dahil gano'n din naman, hindi rin ako hahayaang palabasin ni Seven sa kwartong 'to. Naiinis man, hinayaan ko na lamang muna silang magsalita-- saka ko ipagpipilitan na ayoko ang suhestiyon nila.

Pinaupo ako ni Seven sa gitna habang bumalik siya sa kan'yang swivel chair. Bumuga siya ng hangin at ngumisi.

"First of, I am Seven, only Seven." bungad n'ya, "Actually, I’m glad to hear my name in your mouth."

What the heck...

"Are you going to mess around?" Bagot na bulalas sa kan'ya no'ng lalaking naka-formal suit.

Natawa naman si Seven dito, "God, you’re so serious," napailing siya, "So, I’m going to introduce the members of CVA before explaining the use of this organization."

Tinuro n'ya ang lalaking pinaka malapit sa akin, 'yung nakasuot ng puting sweater jacket at may silver earring sa kaliwang tenga, "That beautiful man is Zen Wright, 25 years old and he’s a celebrity actor."

Napatitig tuloy ako sa mukha no'ng tinuro n'ya. Kung pagmamasdang maigi, mayro'n itong maliit na nunal sa gilid at babang bahagi ng kanang mata n'ya. Mahaba ang pilik mata nito, medyo singkit din ang mata, makinis ang mukha, matangos ang ilong at manipis ang mapula-pula n'yang labi. Bagsak rin ang itim n'yang buhok, hindi siya mapayat pero hindi rin mataba, kumbaga sakto lang ito. Sa tingin ko'y matangkad rin siya. Hindi ko na itatanggi, gwapo ito.

But wait-- artista?! Pasensya na hindi kasi ako nanunuod ng tv.

Nagulat ako nang iabot n'ya ang isang kamay sa akin, "Hey, nice to meet you."

"For your additional information, Zen’s real name is Zoro Nichole Imperial." Seven added.

Nagdalawang isip pa ako no'ng una pero tinanggap ko rin 'yun at pilit na ngumiti, he looks like a playboy, but at the same time he looks kinda nice.

"That kid over there is Gavin Jace Quijano. He’s a college student, 21 years old." Pakilala muli ni Seven doon sa lalaking may pa-krus na clip sa gilid ng kan'yang buhok.

Bahagya n'yang tinaas ang kaliwang kamay sa akin at bumati, "Hello?"

"And that guy in a formal suit is Claudius Lefebre, 27 years old, CEO of the most popular company here in country--- Protegé Incorporation."

What?! So siya ang CEO rito?!

Tumingin ako doon sa lalaking tinukoy n'ya. Mukha itong suplado, sa totoo lang. Bagsak ang maitim n'yang buhok at mapungay ang itim na mata, maputi siya't halatang matangkad. Though kanina pa salubong ang mga kilay n'ya, hindi naman maitatanggi na gwapo rin ito.

Can't believe that there is a member of a CEO here...

"And that lady is Hailey Flores, the chief assistant of Mr. CEO. 26 years old, and she likes coffee," bulalas naman ni Seven sa babaeng katabi ni Claudius.

"Seven, do you really need to say that?" Pormal n'yang tanong kay Seven kaya naman natawa na lang ang isa.

Huminga ako ng malalim at isa-isa silang tinignan. Sa totoo lang, nag-iisip ako ng plano kung paano tumakas pagkatapos nito. Alam kong hindi ako pagbibigyan ni Seven, pero ayoko namang iwan at pabayaan si Nanay Gretta.

"I... I’m happy to know you all," sabi ko na lang, "But I have my own life outside--- kagaya n‘yo. I appreciate your warm welcome but I don’t think that it’s me who deserves to be in this group."

"Gahh~ so you’re still gonna insist that?" Anas ni Seven.

"I did explain my side to Light but he didn’t listen."

Below The Tide (Charity Series #1)Where stories live. Discover now