"Ayoko, hindi ko tatanggapin 'yan. Date na lang tayo."

"Date?"

"Oo, hmm...alam ko na! Punta tayo doon sa cookie shop ng tita ko. Tara na!"

"Pero may klase pa ako."

"Okay lang 'yan, minsan ka lang naman a-absent. Don't worry, ako nang bahala sa'yo." Hinatak niya na agad ako papunta sa kotse.niya at nagpahatid siya sa driver niya.

Buti pa si Deborah, nababasa ko kung nagsasabi siya ng totoo.

"Pansin ko lang, parang blooming ka ngayon. May nangyari bang maganda?" tanong ko sa kanya.

"Gan'on ba? Nakita kasi kita."

"Hindi, alam kong may iba pa eh." Nginitian ko siya, "Siguro may boyfriend ka na 'no?"

"B-boyfriend? No! Yuck! Hindi ako magbo-boyfriend! Ikaw lang okay na ako."

Natawa ako, "We're bestfriends, Deborah."

"'Yun na nga eh, masakit. Bestfriends lang tayo." Nagtawanan na lang kami.

After a few minutes, madali kaming nakarating sa cookie shop ng tita niya. Simple lang pero maganda tingnan, parang nakaka-relax sa pakiramdam 'pag nasa loob ka na.

"Deborah!"

"Oh hi, tita! I'm glad you're here!" Nakipag-beso siya doon sa isang babae  na lumapit sa kanya (around 40-45 years old), halatang tita niya dahil sa ganda.

"I brought someone. Meet my bestfriend."

"Hi, ako po si Angel."

"Oh my! I'm glad na may bestfriend na itong pamangkin ko. Nice to meet you, Angel. You can call me tita Claire. I'm the owner and the manager of this shop."

"Nice to meet you din po, tita Claire." Sa ngiti pa lang niya halatang mabait na siya.

Pinaupo niya kami at sabi niya ay siya ang magse-serve sa amin since first time lang daw magdala ni Deborah ng isang kaibigan.

"She's nice, right?"

"Oo nga, ang ganda din niya."

"And matalino pa! Nagtapos siyang Magna Cum Laude sa BRU!"

"Talaga? Ang galing!" Beauty and Brain. Ang swerte.

"Kaso bagsak lang pagdating sa talent. Gustong-gusto niyang maging singer kaso 'di pasado 'yung boses niya. Sabi ko nga sa kanya, dapat ipagpatuloy niya na lang ang pagbe-bake dahil doon siya the best."

"Sinong 'di pasado ang boses?" Biglang dumating ang tita niya at may dala na itong isang plate ng cookies at dalawang cookies n' cream shake.

"Naisipan ko lang naman sabihin sa kanya, tita."

"Ah gan'on?" Tumingin siya sa'kin, "Angel, alam mo na bang mas sintunado pa siyang kumanta kaysa sa'kin? 'Yun nga ang dahilan kung bakit hindi siya nakapasa sa audition."

"H-how did you know na hindi ako nakapasa?"

"Syempre kinuwento ng daddy mo sa'kin. Tawa nga siya nang tawa eh."

"What?! Si daddy talaga kinakalat pa."

Nakakatuwa naman silang dalawa. Mukha lang silang mag-ina pero para silang mag-ate kung mag-usap.

"Anyway, kailangan ko pang asikasuhin 'yung ibang customers. Enjoy yourself, girls."

"Thank you po," Iniwanan niya na kami para mag-serve sa ibang customers.

Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)Where stories live. Discover now