Chapter23:Moving On

0 0 0
                                    

      Gumising ako ng maaga kasi nagmamadali ako,,Ayaw ko kasing makita si Dylan bago ako umalis kasi baka di ko kayanin,,,Ang lahat ng tao ay alam maliban sa kanya at kay Clarisse.Tumawag na ako kay madam Cynthia nung nakaraang araw pa at ang mommy naman ni Dylan sobrang natuwa,,,,haist nu paba magiging reaksyon nun di ba,,,
Aalis na sana ako ng maalala ko ang sobre ng mommy ni Dylan,,,binuksan ko yun,,sobrang laking pera,siguro mga nasa 100,000 at libo ang bawat piraso,,,kinuha ko lang sweldo ko at iniwan ang ibang pera,,At saka ipinatong ko sa ibabaw ng mesa kasama ang isang liham....
Nagmamadali akong bumaba at panandaliang nagpaalam sa kanila ni nanay Tessy at nagpasalamat na rin,,Pagkatapos ay dumiretso na ako sa pinagtatrabahuan ni Tita Luisa..Naisip ko kasing dapat hindi muna malaman nila mama siguradong magtatanong at mag aalala lang sila.At tinanggap naman nila ako dun,,,
"Hija,huwag kang mag alala at open ka dito,,hindi ako makakatanggi lalo na dito sa tita mo" at tumawa pa ang among babae ni tita,,,
"Maraming salamat po,,,tutulong po ako sa mga gawain rito,,habang naririto po ako,,,",,,napayuko ako bilang pasasalamat.....
"Maraming salamat at kahit papaano ay may katulong rito si Luisa",,,at nag paalam narin ang amo ni tita dahil may lakad pa ito
"Maraming salamat po madam",,,sabay pa kami ni tita
Malaki rin yung bahay ng amo ni Tita kaso mas malaki parin yung sa kanila ni Dylan.....
Halos mag iisang linggo na ako sa kanila ni Tita,,,Wala na akong balita sa kanila ni Dylan kasi nagpalit na ako ng numero at saka hindi na ako nag uupdate sa social media account ko,,,,
Maski sila ni Sam at Laurence ay hindi ko narin nakontak para tuluyan na akong makalimot at mag move on,,Pero aaminin ko kapag mag isa ako sa kwarto ay hindi ko maiwasang umiyak at manlumo sa aking karanasan  sa pag-ibig,,,,Sobrang sakit pala pag ang unang pag-ibig mo ay nabigo parang gusto kong mag commit ng suicides,,,kaya lang ay kasalanan at naisip ko sila mama at Charlie...Nilibang ko nalang ang aking sarili sa mga gawaing bahay....
"Shan,maaari bang ikaw muna ang mamalengke ngayon medyo hindi maganda ang pakiramdam ko at magpasama ka nalang kay Mang Tom yung driver",,,,pakiusap ni tita sa akin...
"Opo,tita",,kinuha ko ang listahan ng bibilhin at umalis na kami...
Habang nasa palengke ay nakipagtawaran ako sa mga tindera at kasama ko si Mang Tom para magbitbit ng mga pinamili namin...At sya rin yung nakakaalam kung saan madalas bumili si tita...
"Naku,Tom bago yata yatang kasama mo?Nasaan si Luisa?",,tanong ng isang tindero....
"Naku,eh medyo masama ang pakiramdam ni Luisa ngayon at siya nga pala ang pamangkin ni Luisa,si Shan",,,pagpapakilala ni Mang Tom saakin..At ngumiti naman ako bilang pagbati...
"Naku,napakaganda naman ng pamangkin ni Luisa at hindi siya nag sasabi",,,komento ng isang tindera..."Oo,nga",,,pag sang ayon ng mga tindero sa kalapit na mga puwesto..."Naku,Miss may boypren kaba?Gusto ka sanang ligawan ng mga lalaki rito at mga binata pa!",,sigaw ng isang lalaki sa tumpok na mga tao...
"Naku!tumigil na nga kayo sa kalokohan nyu!",,,saway ng isang tindera,,,
"Sige na Miss,huwag mo nalang silang pansinin",,,sabi pa niya at umalis narin kami dun kasi natapos na kami sa pamimili,,,
Nasa kalagitnaan na kami ng byahi ni Mang Tom,...Pinara ko siya kasi naalala kong kailangan ko pala magpa load kasi tatawag ako sa kanila ni mama,,,Naubusan kasi ng load yung reloader nila Tita,,,,
"Sandali lang po mang Tom,babalik ako agad",,,at sinara ko ang pinto at dali-daling tumawid sa kalsada,,kasi nasa kabilang kalsada pa yung dapat pagloadan...
Nang matapos na ako ay nagpipindot pa ako ng cellphone ko ng biglang may mabilis na sasakyang dumaan sa harap ko muntik pa akong mahagip nito,buti nalang at papatawid palang sana ako,Paglingon ko sa sasakyan ay familiar yun sa akin,,,,Nagulat pa ako dahil nabangga ito sa pader sa di kalayuan,,,Nayupi ang unahan ng sasakyan dahil sa lakas ng impact,,,Lahat ng tao ay nagulat at walang ni isa ang lumapit,,,Samantalang ako ay wala sa sariling tinakbo ko iyon,,,
Pagsilip ko sa loob ay nakita kong duguan yung driver at mukhang wala ng buhay,,At napatingin din ako sa nakaupo sa likod,,,Ang mommy ni Dylan duguan rin ito pero may malay pa....
"Maam,,,huwag po kayong matutulog,sandali lang po at hihingi ako ng tulong",,tinapik tapik ko yung mukha niya,,saka sumigaw ng tulong,,saka palang dumating ang iilang mga tao,,,"Pakiusap po tumawag kayo ng ambulansiya",,taranta kong sabi at pati si Mang Tom ay lumapit narin...
At buti nalang may isang tumawag na,,,
"Mang Tom,maaari po bang,kayo nalang po muna ang maghatid sa bahay ng pinamili natin,salamat po",,,,sabi ko kay mang Tom kasi hindi kaya ng konsensiya kong iwan ang mommy ni Dylan...
"Oh,sige,,tumawag ka ha",,,,at umalis narin si Mang Tom..
"Maam,sandali lang po at darating na ang ambulansiya",,,,nakikita kong parang may gusto siyang sabihin kaso medyo nahihirapan siya kasi maraming dugo ang nawala sa kanya...Nang dumating ang ambulansiya ay sumama ako,hanggang sa pinakamalapit na hospital...Pagdating dun ay agad dinala siya sa emergency room,,,Tumawag ako sa hotline ng bahay nila Dylan,,buti nalang at naaalala ko pa...Hindi ako nagpakilala at sinabi ko nalang ang nangyari....
Bago ako umalis sa Hospital ay siniguro ko munang may nakarating manlang na magbabantay sa mommy ni Dylan...Hindi nagtagal ay nakita kong dumating si Dylan,parang gusto ko siyang lapitan at yakapin,,,kaso kasunod niya si seniorita Clarisse nagmamadali silang pumasok samantalang ako nakatago rito sa isang gilid ng pader sa tapat ng isang indoor plants sa lobby ng hospital...Nang matiyak kong nakapasok na sila ay lumabas na ako ng Hospital...
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako kasi nakita ko na naman siya at magkasama sila ni Clarisse...Pinahid ko ang luha ko at nagpasiya ng umuwi,,,nakakahiya pa kasi nakatingin sa akin ang mga tao kasi may dugo yung damit ko...
Tinakpan ko nalang ng bag ko ang bahagyang may dugo habang nakaupo ako sa jeep pauwi na...
"Oh,Shan kamusta ang mommy ni Dylan "tanong sa akin ni tita,,
"Ok lang po siguro,kasi andun narin sila Dylan ng umalis ako",,,sabi ko
"Eh,ikaw kamusta",,,buong pag aalala ni tita sa akin,,hindi narin lingid kay tita ang namagitan sa amin ni Dylan...
Niyakap ko lang si tita umiyak ng umiyak....
Nang mahimasmasan....
"Tita,uuwi na po sa atin sa Iloilo",,,,malungkot kong sabi
"Teka,sigurado ka ba dyan?",,nagulat si tita sa sinabi ko
"Opo,at saka may ipon naman po ako kaya ko nang magsimula ng maliit na negosyo dun sa atin,para sa pag aaral ko",,,sabi ko
"Kung yan ang desisyon mo,basta tandaan mo huwag kang mahihiyang lumapit sa akin,ha,tutulong ako sa pag aaral mo",,,,sabi ni tita at niyakap ako
"Maraming salamat po tita",,,,
At makalipas ang tatlong araw ay nag book na ako ng ticket pauwi sa probinsya namin.....Aaminin ko malungkot ako ang bigat ng loob kong umalis at tuluyan ko ng dapat kalimutan si Dylan...
Nang makita ko siya sa Hospital ay parang pumayat siya ng kaunti pero guwapo parin,,naaatract parin ako sa mga kilos at pananamit niya,,namimiss ko rin yung away namin at pagliligtas niya sa tuwing napapahamak ako...
Tumutulo na naman ang luha ko habang nakasakay ako ngayon sa bus..Nakakainis kasi nagiging emo na naman ako,ang sakit kasi😭😭😭😭


I'M INLOVED WITH THE COLDHEARTED GUY(ongoing)Where stories live. Discover now