Chapter 22: Fiance

3 0 0
                                    

     Kinabukasan nagising ako dahil sa mga katok sa kwarto at kahit masakit ang ulo ko dahil kulang sa tulog ay pilit akong bumangon at binuksan ang pinto...
"Nay Tes,kayo po pala",,,At pumasok siyang may dalang tray ng pagkain..
"Bakit po,kayo pa nagdala niyan nanay Tes nakakahiya naman po kasi hindi naman po ako amo rito,kaya ko naman pong bumaba",,,sabi ko kasi nakakahiya..
"Ano ka ba,,,ok lang yun at isa pa ibinilin to sa akin ni Dylan bago sila umalis kasi nag aalala siya da iyo",,,,explain ni nay Tes..
"Bakit po saan sila pumunta?",,,nagtataka ako kaya naitanong ko...
"Sa airport kasama si maam susunduin nila si seniorita Clarisse,sumama nga rin yata sila Sam at Laurence kasi kababata nila yun eh",,,parang nakadama ako ng selos kasi yung kababata nila at ang magiging fiance ni Dylan,darating at sinundo pa talaga siya,,pero anong karapatan kong magselos...
"Oh,sige hija maiwan na kita,,,",,,paalam ni nanay Tes...
Matapos kong kumain,magligpit at maligo ay nagpasya akong lumabas at tumulong sa mga gawain...
Kasama ko ngayon si ate Jane habang naglilinis sa sala....
"Ate Jane,,sino po ba si Clarisse?",,,,lumingon siya sa akin at nagsalita....kasi nag aayos siya ng mga frame sa wall...
"Ah,si seniorita Clarisse bah?siya yung kababata nila sir Dylan,,maganda siya at kapareho rin nilang mayaman",,,,,awtzzz sakit naman....
"Alam mo dati,talagang mailap na yang si sir Dylan at saka war freak,parati ring mainit ang ulo pero si seniorita Clarisse lang nakapagpapangiti sa kanya,,,huwag kang ma o-offend ha,,,kasi past narin yun,eh",,,,tahimik parin akong nakikinig sa kanya ..
"Alam mo akala ko nga dati magiging sila eh,,,kaya lang ng mag edad 16 na si sir Dylan At 14 naman tong si Seniorita Clarisse,eh,nagtapat itong si sir ng feelings sa kanya,kaya lang sa hindi namin alam na dahilan ay tumanggi si seniorita at nag migrate ito sa Canada,mula noon mas lalong lumala ang ugali ni sir Dylan hanggang sa dumating ka rito",,,,,mahabang story telling ni ate Jane..
"Ah,ganun ho bah?,,,kaya naman pala...".pero sa isip ko bakit tumanggi si Clarisse kay Dylan?...
  Makalipas ang ilang oras ay dumating na silang lahat,,,,
"Oh,hija kung gusto mo ay dito kana mag stay,,total ay ikakasal din naman kayo nitong anak ko kung ok lang sa iyo",,,,,sabi ng mommy ni Dylan na halatang gusto niyang iparinig sa akin,,,
"Mommy ano ba!?Sumama na nga ako sa pagsundo tapos iyan na naman!?",,,,,maktol ni Dylan...
"Ok lang po saakin tita,,,gusto ko rin namang magkasama kami ulit nitong si Ace",,,,,sagot ni Clarisse,,,   ganun na ba talaga sila ka close at Ace din yung tawag niya....ng matapos niyon ay umalis si Dylan at umakyat sa kwarto niya..
"Oh hija umupo ka muna rito at Shan ipaghanda mo si seniorita mo Clarisse ng makakain",,,,utos niya,,,agad din naman akong sumunod pero ang sakit lang na ipamukha niya sa akin na kung gaano kalayo namin ng Clarisse na yun....
At hindi ko namalayan na sumunod pala sa akin ang mommy ni Dylan...
"Akala ko ay umalis kana?",,,,taas kilay niyang tanong sa akin...
"Huwag po kayong mag alala aalis rin naman po ako,,kaya lang po may kailangan lang akong gawin bago umalis",,,,pormal kong sagot...
"At ano pa ang kailangan mo gawin,ha!?Pero kahit ano man yun,,wala na akong pakialam basta gusto ko lang ay umalis kana rito,,as fast as possible",,,agad rin naman itong umalis...
"Seniorita,ito na po yung pagkain ninyo",,,,sabi ko habang papunta sa direksyon ni Clarisse,,,Maganda nga siya at may class,Siguro makasing level sila ni Sam kung pagandahan lang ang usapan,,,
"Oh,thank you",,,sagot niya at mukhang mabait naman....
Makalipas ang ilang araw ay hindi parin kami nakapag usap ni Dylan dahil laging nakabantay ang guard at ang mommy niya....
Parati rin silang umaalis kasama si Clarisse at parati ko ring naririnig na nag aaway sila Dylan ang mommy niya,,Pero walang magawa si Dylan dahil sa mga guards na nakabantay sa kanya ang higpit kasi....
"Hi,Shan",,,,bati sa akin ni Clarisse isang araw habang nagdidilig ako sa garden....
"H-hi",,,tipid kong sagot..
"Kinausap ako ni Dylan,pasensiya kana kasi hindi ko alam na kayo na pala",,,bakit kaya niya sinasabi ito lahat sa akin...
"Ok,lang at saka magkakahiwalay rin naman kami eh",,,,malungkot kong sabi....
"Talaga",,,parang biglang nagliwanag ang mukha niya...
"Pa-pasensiya kana,,,alam kong mali pero ang totoo sobrang nagsisi ako dati ng nagpasya akong iwasan si Dylan,",,,pagpapaliwanag ni Clarisse kahit masakit pinilit kong makinig..
"Huli na ng ma realized ko mahal ko rin pala siya,kaya lang kailangan kong mag abroad dahil sa family matter,,Pinilit kong mag communicate sa kanya kaya lang talagang iniwasan niya ako,Kaya nung sabihin sa akin nila Daddy at tita na magkakaroon kami ni Dylan ng arranged marriage ay natuwa ako,akala ko kasi mahal parin niya ako,at may pag asang magiging kami ulit",,,,mahabang paliwanag niya kahit masakit man aaminin ko naiintindihan ko siya,,,Siguro kung iiwan ko si Dylan magiging ok lang siya kasi may nakaraan sila ni Clarisse kaya malaki ang chance na maging sila ulit at saka sila naman talaga ang bagay....
"Sorry at sinasabi ko lahat ng ito sa iyo,Pero kung ayaw na talaga saakin ni Dylan ay tatanggapin ko",,,paghingi niyang paumanhin..
"O-ok lang actually iiwan ko rin naman siya,,gusto ko lang makasiguro na iiwan ko siya sa mabuting tao,at alam kong magiging maayos siya sa iyo at tanggap ko rin na hindi kami bagay".....mabigat sa loob kong sabi....
"Kung ganun wala naman akong dapat alalahanin,Huwag kang mag alala hindi ko siya pababayaan,,,",,,masaya niyang sabi...
Matapos kami mag usap ni Clarrisse,,kina umagahan nagulat ako kasi 2am palang yata may kumatatok sa bintana ko,,kaya bumangon ako at hinawi ang kurtina,,,At nakita ko si Dylan kaya agad kong binuksan ang bintana...Mula kasi sa bintana ng room ni Dylan ay maaari siyang makadaan sa gilid nito papunta sa bintana ng room ko kaso kapag nagkamali ka ay maaari karing mahulog..
"Anong ginagawa mo rito?"pabulong kong tanong...
"Gusto kitang makita,ilang araw ko ng pinag isipan ito,kasi hindi kita malapitan dahil sa higpit ng guards",,,at niyakap niya ako at niyakap ko rin siya...
"Totoo ba?Ang mga sinabi mo kay Clarisse?",,,,pagtatanong niya habang yakap ako..
Masakit man ay sinagot ko siya..
"Oo,,,para yun sa ikabubuti nating lahat",,,,sagot ko
"Pero,ikaw yung mahal ko,,hindi mo na ba ako mahal at ipamimigay mo ako?",,,,pagkatapos niyang bumitiw sa pagkakayakap sa akin...
"Mas nakakabuti kung ituon mo nalang ang atensiyon mo kay Clarisse kasi mahal ka parin niya, at saka mas bagay kayong dalawa",,,pero habang sinasabi ko ito ay parang tinutusok ang puso ko ang sakit.....
"Akala ko talaga kaya mo akong ipaglaban kasi mahal mo ako,nagkamali pala ako",,,at lumabas siya sa kwarto ko at ngayon ay sa pinto na siya dumaan,,
"Sandali,Dylan hindi naman yan yung ibig kong sabihin",,,hindi na niya ako pinakinggan at tuloy siya sa pag alis,,,
"Young master,saan po kayo galing akala po namin ay nasa kwarto po kayo",,,tanong sa kanya ng guard...hindi ito sumagot at tuloy lang sa pagpasok sa room niya,,,Nanlulumo akong bumalik sa kwarto kasi sinubukan ko siyang sundan kaso hanggang pinto lang ako ng room ko kasi andyan yung mga guards,,,
Bumalik ako sa loob at humagulgol sa pag iyak....
Ng sumunod na araw ay nag iba na sitwasyon,,,lagi kong nakikitang magkasama sila Dylan at Clarisse,,hindi rin ako pinapansin ni Dylan at sulyap ay wala,,galit na yata siya saakin..,minsan pa ay sa labas sila kumakain ng silang dalawa lang,,masakit,sobrang sakit pero ito naman talaga ang dapat di ba?Kaya pinilit kung ngumiti kahit lumuha habang nakatingin sa bintana ng room ko,at nakatanaw sa may pool nandun kasi sila Dylan at Clarisse nakaupo sa gilid ng pool at nag uusap,,ang sweet nga nila eh...
Kaya nakapagpasya na ako,,,At alam kong ito ang nararapat kong gawin....Kahit masakit alam kong magiging ok lang si Dylan kahit wala ako ....

I'M INLOVED WITH THE COLDHEARTED GUY(ongoing)Where stories live. Discover now