Chapter 18:xmas vacation

0 0 0
                                    

Ang bilis talaga ng panahon,,,Christmas vacation na,,,Gustung gusto ko na umuwi sa amin sa Iloilo para magbakasyon at saka wala namang problema kay madam Cynthia,,,,Excited na talaga ako,,,,
"Shan merry Christmas in advance",,,si Sam sabay abot sa akin ng Gift niya,,,,
"Sam ang aga naman ng pa gift mo,pano ba yan wala manlang akong gift para sa iyo,",,,ako
"Ano kaba,ok lang yun nuh'alam ko kasing hindi ka dito magsicelebrate ng pasko at bagong taon,,,At saka huwag ka ng mag abala ipunin mo nalang ang pera mo para sa pag uwi mo",,,,,Sam...
"Thank you talaga,Sam alam mo ang bait mo talagang kaibigan," parang iiyak ako sa sobrang galak at may kaibigan akong kagaya niya...
"Ooppsss,,syempre magpapahuli ba ako dyan,,Oh,ito naman ang galing sa akin",,,si Rence....
"Thanks sa inyo dalawa",,,at niyakap ko silang dalawa bilang pasasalamat,,,kung nagtataka kayo,andito sila ngayon sa kwarto ko at ako naman naghahanda para sa biyahe ko sa susunod na araw,hindi na nga ako makatulog eh...
"Si Dylan nga pala bakit wala siya rito,bakit parang wala siyang pakialam na aalis ka?",,,si Sam....
"Ewan ko ba dun,parati nga wala eh",,,ako...
"May ginagawa na naman yan",,,si Rence...
"Anong ginagawa?huwag mong sabihin may babae siya,,hoy Rence baka naman may nilalakad kang babae dun lagot ka talaga saakin",,,,ako...
"Ano kaba ang oa mo naman,bakit ko naman gagawin yun at isa pa hindi rin naman niya papatulan yun eh,,,",,si Rence
"Eh,ano nga kasi ang ibig mong sabihin?",,,kami ni Sam..
"Hindi kasi ako sure,kasi kahit sa akin wala siyang sinabi",,,,siya ang sarap batukan....
Maya-maya ay dumating na si Dylan,,
"Bro halika na,,mamasyal na tayo,maraming pasyalan ngayon lalo na't magpapasko",,,,si Rence
"Oo nga,isa pa hindi tayo magkakasamang apat sa pasko,kaya ngayon tayo magpaparty",,,si Sam...
"Ok,sige treat ko,sa isang kondisyon,,tulungan niyo munang mag ayos si Shan,para wala na siyang gagawin,,kasi hanggang umaga tayo",,,si Dylan..
"Ang bait talaga ni insan ngayon,,buti nalang Shan at nandyan ka,ngayon lang kasi nanglibre yan,eh",,si Sam,,,tawanan kaming tatlo...
"Oh,sige ayaw niyo pala,malaki pa naman ang budget ko ngayon at kakakuha ko lang pera",,,,si Dylan..
"Wala naman kaming sinabing huwag,ah,dali na tutulungan na kita Shan,,"/,,,si Sam
Kaming apat para sa akin higit pa sa kaibigan ang turingan kasi,feeling ko pamilya ko na sila,,,kapag kasama ko sila hindi ko nararamdamang iba ako sa kanila,,,
Ang saya nilang kasama at palagi nila akong tinutulungan at inaalalayan kaya dapat gawin ko rin ang makakaya ko para makabawi din ako sa kanila hindi man ngayon ay balang araw.....
Nakakapagod ang buong araw namin,,lahat ng magagandang lugar dito sa bagyo ay pinuntahan namin,,,Itong si Sam panay ang selfie,,,actually pati ako,,, 😊😊😊
Araw na ngayon ng uwi ko,,super excited ako,,,..
"Tayo nah!Bilisan mo't aalis na tayo",,,si Dylan..at may bit2x na traveling bag,,
"Teka,di ba ihahatid mo lang ako sa airport bakit may pa maleta kapa?",,,ako...?????....
"Ihahatid naman kita,ah,at hindi lang ihahatid sasamahan pa kita,,",,,siya...
"Sasama ka sa amin!?,,talaga gagawin mo yun?Baka hindi mo kaya..",,,,ako..
"Kakayanin ko at saka gusto ko rin makilala sila mama at si Charlie",,,,siya...
"Mama agad?hindi pwedeng tita muna",,,,ako
"Eh,sa gusto ko eh,tayo na tinawagan ko na ang pilot ng private plane namin para ihatid tayo",,,,siya...
"Teka,kung gusto mo talagang sumama gusto ko magbyahi tayo,mag commute,gusto ko maexperience mo ang mga simpling bagay na nararanasan ko sigurado mag eenjoy ka,,dali nah",,,,hikayat ko kaya ikinansel niya ang private plane nila para sumama saakin...
At yun nga ang nangyari,,pag dating namin sa Iloilo City ay sumakay kami sa jeep,,,,parang naawa din ako sa kanya kasi halatang hindi siya sanay tapos pawis na pawis pa siya,,,kaya pinunasan ko nalang at inaliw siya sa tanawin sa labas....
Nang makarating na Kami sa bayan ng Igbaras napamangha siya sa linis at ganda ng paligid nito,,bumaba kami sa public parking lot ng mga jeepneys...
Lumipat naman kami sa ibang sasakyan para makarating sa aming brgy.,,Naaaliw siyang tumingin sa paligid,maluwag narin kasi hapon nang makarating kami,,,nalalanghap mo ang sariwang hangin at ang mga palayan sa paligid ang gandang pagmasdan,,,sarap talaga ng buhay sa probinsiya...
Pag dating namin sa bahay ay gabi nah...
"Ma!,ari na kami!",,,tawag ko sobrang excited ako...
Nagmamadaling magbukas ng pinto si mama at si Charlie,,,Nabitiwan ko ang mga bitbit ko kasi,,nagyakapan kaming tatlo ng sobrang higpit,,,nagkaiyakan pa.
"Sandali ma,si Dylan po pala",,,napatingin si mama kay Dylan at pati si Charlie..
"May upod ka gali nak,mapuli ngaa la kagid naghambal",,,,si mama sabay lapit kay Dylan,,
"Magandang gabi po",,,,si Dylan wow ang galang ha,,at nagmano rin siya,,
"Ma,wala ko na mahambal kay wala man ko kabalo maupod na siya gali",,,,paliwanag ko...
Pagdating namin sa loob ng bahay ay parang nanibago siguro si Dylan at parang may pagkamangha,,,kasi medyo may kaliitan lang bahay namin,,pero pinaganda lang ng mga decorasyon,,,Kawayan lang ang bahay namin,,hindi naman siya bahay kubo kasi may pagkamodernisasyon din ang istilo,, kasi may part din na made in plywood at saka sementado ang floor namin,,,at may 8 Steps na hagdan papunta sa dalawang kwarto sa taas,,,pero made in bamboo lang,,,
"Pasensiya kana,hijo kasi medyo may kaliitan tong bahay,,at alam kong hindi ka sanay,,,",,,paghingi ni mama ng paumanhin, si Charlie naman ay patingin tingin lang siguro nahihiya...
"Ok lang po,hindi naman po ako masilan eh,,,,",,,si Dylan,,,,hindi daw maselan...
Inilapag namin ang mga pasalubong sa mesa,,,maraming pagkain kasi ang pinamili ni Dylan kanina,,at kung anu-ano pang gamit para sa pasalubong kahit sinabi ko ng huwag na,pero mapilit...
Tuwang tuwa naman sina mama lalo na si Charlie,parang naiiyak ako sa tuwa ng makita ko ang reaksyon nila,,,,
"Maraming salamat,hijo kaso ang dami naman nito,,kahit hindi na kayo nag abala,masaya na kaming nakauwi kayo ng ligtas dito",,,,si mama....
"Sandali alam kong pagod kayo at gutom maghahanda lang ako ng hapunan,,",,,si mama ulit
"Sige,ma salamat",,,pagod narin kasi ako,,pagtingin ko kay Dylan ay magkausap sila ni Charlie at binubuksan nila ang mga pasalubong,,ngayon ko lang nakitang ganyan si Dylan parang bata at sobrang magkasundo sila ni Charlie,nagtatawanan pa,,,napangiti ako....
"Kumain na kayo at handa na ang pagkain",,,si mama
At kumain na kaming apat ng sabay,,,kahit simple lang ang hapunan,nakikita ko ang saya sa mukha ni Dylan....
Ang saya namin habang nagsalu-salo sa hapunan....

(part 1).......😊😊😊

I'M INLOVED WITH THE COLDHEARTED GUY(ongoing)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora