Chapter 6:realization

8 1 0
                                    

Pagkatapos naming mamasyal ay hindi ko pa nakakausap si Sir Dylan,kasi tinawagan siya ni Madam Cynthia at kailangan niyang pumunta ng London dahil mayroon daw pagtitipon ang lahat ng business partners nila,,at kailangan daw nandoon siya dahil ipapakilala siya ng mommy niya,,bata pa siya ay involved na siya sa business world.Sa katunayan kahit ngayon ay siya ang nagmamanage ng iba nilang negosyo sa edad na 19,bilang training daw nya sa mas mabigat na tungkuling kailangan niyang harapin.Ilang araw na ang lumipas at naging weeks,at buwan ay hindi pa siya bumabalik,hindi ko alam pero parang malungkot ako.Hindi ko alam bakit kahit palagi nya akong sinusungitan mas gugustuhin ko paring andito sya.Minsan maaga akong nagigising,kasi maghahanda pa ako ng almusal niya kaya lang bumabalik din ako sa higaan kasi naalala ko,wala nga pala siya rito.
Sa susunod na week ay pasukan na,,,Buti nalang at sobrang swerte ko sa amo ko,,di ko akalaing makakapag aral ako,,,at sa isang exclusive school pa kahit minsan hindi ko naisip na suswertihin ako ng ganito.Dapat ay pag igihan ko pa ang aking pag aaral pra makabawi naman ako,,,hindi naman mhirap ang trabaho ko kasi every week lang ako nagsasubmit ng report ko kay madam Cynthia,Tapos wala naman akong trabaho dito sa bahay maliban nalang kung gusto akong pahirapan ni Monster guy...Siya lang naman ang nagpapahirap sakin dito eh.Pero bakit namimiss ko parin ang mokong nayon?...
"Shan,,ano pang ginagawa mo rito sa likod ng bahay,naayos mona ba ang kwarto ni sir Dylan?".tanong saakin ate Jane ang tagalinis ng bahay,maliban sa room ni sir Dylan kasi obligasyon ko na yun,,lahat ng my kinalaman sa kanya ay kargo ko..
"Bakit po ate Jane,ngayon po ba darating si sir Dylan?"...hindi kasi ako nainform or sadyang lutang lang ako...
"Nasa airport na nga siya eh,bilisan mo na at sigurado magagalit naman yun mamaya.",ate Jane
"Oh,sige po",,dali-dali akong umakyat sa 2nd floor ng bahay para ayusin at linisin ang kwarto niya,,mahirap ng makita niya kahit kaunting alikabok lang at awardings na naman aketz...
Pagkatapos kong maglinis ay pumunta ako agad sa kusina para tulungang magluto si nanay Tessy,,,
"Ba't parang ang sigla mo yata ngayon?",,,pamumuna ni nanay Tessy..
"Po?,hindi naman po ah,",,tanggi ko
"Anong hindi,narinig mo lang na darating si sir Dylan,bigla ka nalng naging buhay",,panunukso ni nanay Tessy..
"Oo,nga po nanay Tessy,ilang linggo ko nang nkikitang natutulala yan,pero ngayon buhay na buhay na,,",,dugtong ni ate Jane...
Tawanan silang lahat pati yung hardenirong nakikinig rin sa usapan namin..
"Ok,lang yan,Shan tayu-tayo lang naman ang nkakaalam",si mang Tonio ang hardeniro....Namumula na ako sa hiya...
"Tes,tapos ka na bang magluto para maihain mo na't andito na si Sir Dylan,",si mang Jose,,,
Parang nataranta ako,mabilisan kong inayos ang buhok ko at damit ng nakatalikod na silang lahat,,at lumabas naako mula sa kusina..Nakaabang na silang lahat sa pinto,at sabay2x na binati ang bagong dating.
"Maligayang pagbabalik po young master Dylan",,,at may taking a vow moment pa....
May ganoon pa pala hindi ako nainform,samantalang ako nakatayo lang sa harap niya ngayon,,kaya nakikivow narin ako kahit huli na,,,Nakatayo siya ngayon sa harap ko hindi ako makatingin ng deritso,,,
"Mang Jose,paki abot nga ng Isang bag dyan,,yung kulay pula",,utos niya kay mang Jose..
"Heto po sir",,,si mang Jose
"Oh!",,inabot niya sa akin ang bag,, nagulat ako, wow may pasalubong ako!?...
"Sa-salamat po sir,,",,nahihiya kong sabi..at nagbubulungan sila ate jane,,,parang nagtutuksuhan...
"Huwag kang magpasalamat sa'kin,, kay grandma galing yan,,,Mang Jose paki bigay nalang po sa iba yang mga pasalubong",,Ay ganun,,,akala ko pa naman...
"Sir,kung gusto nyu pong kumain nka handa na po yung mesa",,nanay Tessy..
"Sige po nanay Tessy,at gutom narin ako..",,,Sagot niya
Back to work na ulit ako kasi andito na ang alaga ko,,kahit minsan naiinis parin ako sa pagiging cold hearted niya,,

Araw na ngayon ng pasukan,maaga akong nagising para mkapaghanda ng aking susuotin at pati narin ky Sir Dylan...Nagbihis na ako kaagad para si Sir Dylan nalng ang aasikasuhin ko,,4:00am palang kanina ay gising na ako para may oras pa ako sa mga dapat kong gawin...Bali nakalong sleeves ako na white blouse,naka skirt na hanggang tuhod,chekered na navy blue,necktie na katerno ng skirt ko at black shoes...at tinali ko ng ponytail ang buhok ko

6:00 am na papunta na ako ngayon sa room ni si Sir Dylan para dalhin ang breakfast niya at maihanda ang uniform niya,,,
Pagpasok ko nagtaka ako kasi wala siya sa higaan niya,,,Ang aga naman yata niyang nagising pero asaan siya,?malelate kmi nito...kaya naisipan kong katokin siya sa banyo para echeck kung andun siya kasi kung wala hahanapin ko siya sa labas,,,
"Si----",,,napa stop ako kasi timing din na lumabas siya ng banyo,,at naka tuwalya lang ang mokong,,,wet look,,,para akong nakakita sa real life ng isang model sa magazine...
"Oh!tatanga ka nalang ba dyan ang damit ko!?Bilis at ayaw kong nalelate..",,,sinungitan na naman ako..
"Ahm,,,si-ge po sandali lang",,,nataranta akong kunin ang uniform niya dun sa closet niya at binigay...
"Ano pa hinihintay mo,labas na!Balak mo bang panuorin akong magbihis?Hindi kalang tatanga tanga,,,,manyakis ka pa",,,nang makita niyang hindi pa ako umaalis...
"Ang kapal m0,!hindi namn kagandahang yang katawan mo para pag interesan ko nuh,!Iwan ko nalang ung almusal niyo,SIR!!",medyo dniinan ang pagkakasabi ng sir kasi nakakainis napaka GGSS niya,gwapung-guwapo sa sarili ,at saka ang aga-aga ang sungit,,,
Kailangan ko nang palang umalis at baka malate ako...
"Alis na po ako nanay Tessy",,paalam ko..
"Hija,bakit hindi ka nalang sumabay ky sir Dylan.?",,tanong ni nay tessy..
"Huwag na po siguro,at saka nkakahiya kaya ko naman pong mag commute,",,,sinamahan kasi ako ate Jane nung nakaraan para magpasa ng requirements kaya hindi na ako maliligaw...
"Sandali,at sinong may sabing mag co-commute ka,,gusto mo ba akong ipahamak kay grandma,? Tayo na mang Jose",,agad namang tumalima si mang Jose,
"Sumakay na po kayo ma'am Shanelle",,,anyaya ni mang Jose..
Sumakay narin ako katabi ni Dylan sa likod.Ganito pala siya pagpapasok sa school parang ang pormal niyang tingnan sa suot niyang uniform parang naging ibang tao siya,nakawhite longsleeves na polo at navy blue na checkered necktie,nakasuit na long sleeves na may kulay na plain navy blue din at saka slacks,pero ang buhok ganun parin,at saka kapag naglakad akala mo kung sinong siga sa kanto,parati pang nakapamulsa.May mga bodyguards pa sa likod na nakasunod...parang nakakatakot naman sumabay sa kanya sa pagpasok,baka may makakita saakin na kasama niya ako at maisipang hold up-in ako o di kaya ako ang pagbalingan ng mga nka-away nito,baka marape pa ako at mamatay ng maaga,kasi wala akong ransom na maiibigay,,,naku huwag naman po sana,,walang tutubos sakin,napakabata ko pa po para mamatay,..sana nagcommute nalang ako,
"S-sir,puwede ho bang,dito nalang ako bababa,magco-commute nalang po ako,sana....",,medyo natatakot akong nagpaalam kung puwede lang naman..
"Ano bang problema mo?At kailangan mong bumaba,ha?",,parang naiinis niyang tanong..
"Eh,kasi alam nyo na,nakakahiya po kasi,,pagbumaba tayo mamaya sa school,di ba po nakakahiya naman magkasabay tayo,baka po kasi ano isipin ng mga tao",pagrarason ko
"Problema ba yun?e,di sasabihin kong alalay kita,at saka trabaho mo yun diba?,kaya ksama kita parati,tanga kaba?",ay oo nga pala,,,wala narin akong nagawa...
"Pasensiya po sir,nakalimutan ko,",,,pagkakataon ko na yata to...
"Ahm,sir,",,,kaya mo yan...
"Ano!?at saka puwede ba sawa na ako sa katatawag mo sakin ng sir.May pangalan naman ako ah,kahit sa opisina hanggang sa bahay ganun parin kahit pa pag nasa School ako,mula pagkabata hanggang ngayon?Wala na bang magtatrato saakin bilang ako,sawang-sawa na kong marinig yan."...parang batang nagrereklamo..
"Gusto ko lang naman tratuhin ako minsan na parang normal na tao lang,normal na estudyante hindi parati nalang dumedistansya ang mga tao sa'kin kiso anak daw ako ng mayaman at kilalang negosyante,Ang iba nahihiyang lumapit sakin,Kahit pilitin kong makipag kaibigan sa kanila iniiwasan nila ako,takot daw kasi silang magkamali",parang damang dama ko ang emosyon niya,gusto ko sana siyang yakapin kaya lang nag aalangan ako,ngayon ko lang siya nakitang ganoon ka lungkot...Sa susunod nalang siguro ako magpapasalamat,
"Pasensiya kana,at saka hindi naman lahat ng tao ganun ang iniisip kasi ako,naniniwala ako lahat ng tao pantay-pantay kahit ano pa ang estado nito sa buhay,Kaya huwag mong tuluyang isara ang sarili mo sa ibang tao kasi hindi mo na nakikita ang mga nagmamahal saiyo",yun nalang nasabi ko tapos tahimik na kami habang nasa biyahe..Siguro nag iisip din siya tungkol sa sinabi ko...
Ngayon,medyo nakikita kona ang ibang side niya.May mga bagay siyang kinikimkim sa puso niya,kaya natatabunan nito ang kabutihan ng puso niya,,At siguro ay hindi niya alam yun.Mas aalagaan ko pa siya ngayon,hindi dahil sa ito ang trabaho ko kundi dahil kailangan niya ako,kailangan niya ng karamay....

I'M INLOVED WITH THE COLDHEARTED GUY(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon