2:6 Cactus

169 22 11
                                    

Pagkatapos kong maglunch ay dumeretso na agad ako sa room para tumulong, pero pagdating ko sa room ay nagkakagulo na ang mga girls dahil wala na si Riz. Siya kasi yung tumatayong leader ng group nila, pero dahil siya na yung pumalit kay Yve sa Mr. and Ms. ay malaki naman ang naging epekto noon sa Routine nila para sa Nutri Jingle.

Actually, wala naman silang problema sa blocking, sa kanta at sa choreography. Ang pinaka-malaking issue nila ay yung costume nila.

Ang gusto ni Mers, Abcd (absidi) at Nits ay cute and conservative na costume, pero sina Yuri, Ice at Laxie ay gusto naman ng sexy at daring na costume.

Ilang saglit lang ay dumating si Xan at in-announce na kailangan naming bumaba papuntang gym dahil magsisimula na ang Nutri-Jingle, pero dahil nagkakagulo pa yung mga girls ay hindi pa sila makasama samin sa Gym.

Sinuggest ni Ice kay Xan na maguusap muna daw sila at susunod na lang sila pag naayos na nila yung problema-pagkaalis ng lahat ay nagusap na yung dalawang grupo.

"Girls kailangan na talaga nating magdecide. It's already time."

"Actually, Laxie may mga 20 minutes pa tayo dahil pang 7th tayo sa contest."

"Tama si Abcd, so ano na nga ang gagawin natin? Ayaw namin na mag skirt at boots."

"Nits, wag na kasi kayong magpakaimpokrita, damit lang naman yan eh."

"Ice is right, and besides clothes don't define who you are, at tsaka you are only doing it for one time. Ice, Laxie and me are all game."

"Hindi kami impokrita tulad ng sinasabi mo Ice. Ayaw lang namin na pagtawanan ng mga tao mamaya."

"What!? You're worried about that petty thing Mers?-kung ayaw mong mapagtawanan you just need to do one thing... You just need to be confident! Kahit ano pa ang suot mo, at kahit ano pa ang gawin mo, as long as confident ka walang tatawa sayo."

"Tama na Yuri, naiintindihan ko ang gusto mong sabihin samin nina Abcd at Nits mamaya na tayo magdecide focus muna tayo sa choreography natin. Mamaya na natin gawan ng paraan yung costume natin."

Habang ginagawan nang mga girls nang paraan yung problema nila ay kami namaang lahat ay nasa may gym na at kinakabahan dahil wala pa silang anim.

Napansin naming lahat na mula sa naunang group hanggang sa pang-anim na group ay napaka-organized at napaka-in-sync ng mga performance nila kaya mas lalo kaming nawalan ng pagasa na masungkit pa yung championship sa contest na 'to.

Maya-maya ay nagsimula nang magsalita yung host at tinawag na yung Section namin, pero wala pa rin ang mga Nutri Jingle Girls namin. Habang kabado kaming naguusap-usap ay may biglang kumalabit sakin mula sa likod ko.

Pagtingin ko ay si Unisse pala-shit! Oo nga pala maguusap pala kaming dalawa ngayon-simpleng lumapit si Unisse sa tabi ko at binulungan ako.

"Kwerts, tara sumama ka sakin."

Pasimple akong umalis kinatatayuan ko at sinundan ko si Unisse. Habang sumusunod ako sa kanya ay huminto siya at hinawakan ang kamay ko at dinala ako papunta sa may mga benches malapit sa may Grade 1 room.

Pagupo namin ay bigla na lang nagbago ang mood niya mula sa pagiging cheerful ay bigla na lang siyang naging seryoso.

"Qwerty-"

"Bakit??"

"Mahal kita-"

"..."

"Naaalala mo pa ba noong Grade 2 pa lang tayo? Dito mismo sa kinauupuan natin una kong naramdaman ang pakiramdam na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin. Dito mo ako tinulungan noong natusok ako nang cactus na pinaglalaruan ko-Malinaw pa rin sa isip ko yung eksaktong nangyari. Iyak ako nang iyak, pero ikaw lang ang nakapagpatahan sakin dahil sa pagpapatawa mo tapos hindi ko man lang napansin na habang pinapatawa mo ako ay tinatanggal mo na pala yung mga tinik na nakatusok sa kamay ko-yun ang pinaka-sweet na action na naramdaman ko sa buong buhay ko hanggang ngayon at hinding-hindi ko makakalimutan yun..."

Naalala niya lahat yun?-Mahal niya ako?-gusto kong magsalita, pero hindi ko magawa. Gusto kong gumalaw, pero hindi ako makagalaw. Sa mga oras na yun ay wala akong magawa kundi hayaan na lang na siyang magpatuloy sa pagsasalita.

"Kaninang nakita kita sa may canteen ay bigla ko na lang naramdaman ang lahat ng feelings ko para sayo. Hindi ko na nacontrol ang damdamin ko. Kaya gusto ko na talagang makausap ka-Qwerty, ayoko ng magsinungaling sa nararamdaman ko. Pagod na akong magsinungaling sa sarili ko. Pinilit kong itago ang nararamdaman ko sayo. First Day pa lang ng school hinanap at nakita na kita, pero mas pinili kong umiwas at lumayo. Every time na nakikita kita ay sinasadya kong umiwas-pero ngayon, hindi na ako magtatago at hindi na ako magiging duwag. I love you and I'm sorry."

Mas lalo kong naramdaman ang feelings niya para sakin sa mga sinabi niya, pero hindi ko alam ang gagawin ko. Masyadong mabilis ang pangyayari hindi mahabol ng isip ko ang mga nangyayari-bakit siya nagsosorry kung naga-i love you siya sakin?

"Sorry... sorry dahil mahal kita, pero may boyfriend ako. Gusto kong makipag-break sa kanya, pero ang bait-bait niya, pero kung sasabihin mo sakin na hiwalayan ko siya, hihiwalayan ko siya."

"Bakit Unisse? Bakit mo sinasabi sakin 'to?-may boyfriend ka, tapos magtatapat ka sakin na mahal mo ako!? Wag mo akong lokohin!"

"Hindi kita niloloko Qwerty... Mahal kita! Sabihin mo lang, hihiwalayan ko ang boyfriend ko ngayon din!"

"Hihiwalayan? Para ano!? Para ako ang magmukhang masama!? Maging magnanakaw ng girlfriend?"

"Pero-"

"Unisse, gusto kita. Napatunayan ko yun nang makita at makausap kita ulit kanina. Sobrang nahulog ang loob ko sayo sa mga ipinagtapat mo at inaamin ko na naging mandhid ako at takot noon, pero mali 'to mali talaga 'to."

"Sorry-"

"Ako ang dapat magsorry Unisse, sorry dahil ginulo ko ang buhay mo. Kung talagang may pagtingin ka sakin at mahal mo ako. Mamahalin mo ang boyfriend mo, kung talagang para tayo sa isa't isa. Gagawa ng paraan ang sitwasyon, pero ngayon sorry-layuan mo ako at iwasan mo ako."

"Qwerty-"

Nagsimulang lumuha si Unisse. Dahan-dahang umiyak at dahan-dahan siyang humagulgol-sa mga oras na yun ay naglalaban ang puso't isip ko kung patatahanin ko siya sa pagiyak tulad ng dati o lumayo para hindi na mapalala pa ang sitwasyon-pinili kong lumayo.

Habang naglalakad ako palayo ay may bigla na lang lumapit sa likod ko at hinarap ako.

"GRABE KA KWEK-KWEK STUDENT! WALA KANG AWA SA BABAE!"

Isang malakas na sampal ang humarap sa mukha ko. Sa sobrang sakit ng sampal sa mukha ko ay nahilo-hilo ako at hindi ko napansin kung sino ang sumampal sakin, pero sigurado ako na kilala ko ang boses na yun.

Paglinaw ng paningin ko e wala na si Unisse at yung babae na sumampal sakin. Sinubukan kong hanapin sila, pero nawala na lang sila na parang bula.

HSL: Highschool LifeWhere stories live. Discover now