6:3 Newspaper Dance

97 13 1
                                    

Lahat kami ay nagulat sa mga nangyari sa huling limang segundo ng game.

Ako na yata ang pinaka-gulat sa aming lahat dahil bigla-bigla ang mga pangyayari. Nakafreeze pa rin kami sa pwesto namin ay walang gustong magsalita dahil sa kapal ng awkwardness sa paligid namin. Pati nga yung ka-group namin na mula sa ibang section ay hindi makapagsalita dahil sa bigla-biglang pagbabago ng blocking namin.

Habang naka-freeze kami ay bigla ko na lang na napansin na nagtitinginan ng ng masama si Rose at Unisse... Actually, hindi ko lang kita, ramdam ko pa dahil habang tumatagal ay humihigpit ang hawak sakin nang dalawa-ang sarap pala ng feeling na pinagaagawan ka.

Maya-maya ay tinanong na ni Ms. Cabrerra kung sino ang mas may creative na Wedding Picture. Yung team ba nina Petra o yung team namin. Unang tinanong ni Ms. Cabrerra yung team nina Petra. Palakpakan at tawanan yung mga tao sa gym dahil si Petra at Vic yung kinasal sa picture nila-grabe kadiri sila! Nagawang tiisin ni Vic yun!?

Pagkatapos ng group nina Petra ay lumapit naman si Ms. Cabrerra samin. Tinanong ang audience. Palakpakan at tawanan din yung mga tao dahil nagmukahang kinasal ako sa dalawang babae at Pari pa si Waze.

Nahirapang magdecision si Ms. Cabrerra dahil pantay lang yung reaction ng audience kaya ang kinalabasan ay nagtie kami-pakatapos sabihin ni Ms. Cabrerra yun ay tumigil na kami sa pagkaka-freeze, pero hindi pa rin bumibitaw yung dalawa. Parang hinihintay nila na maunang bumitaw ang bawat isa.

Pero naunang bumitaw si Rose dahil tinawag na siya ni Sir Flow para ituloy yung paghohost habang inaayos nila yung susunod na game-pagbitaw ni Rose ay bumitaw na rin si Unisse at agad naman akong pumunta pabalik sa table namin.

"What happened there in the game a while ago? Parang pinagaagawan ka noong dalawa."

"Hay hindi ko nga maintindihan Waze, pero hayaan na natin-ang isipin mo ay yung mamaya kapag nag-exchange gifts na tayo kung ano ang sasabihin mo kay Eve."

"I don't need to do that. I'm always prepared."

Bumalik na nga ang dating Waze. Alam ko na bumalik na dahil naiinis nanaman ako sa kanya.

Nagpatuloy ulit yung mga games at ibang table naman ang kasali sa laro kaya nagkaroon ako ng time para maghanda sa special surprise ko kay Rose. Maliban sa exchange gift ko sa kanya. Kaya pumunta muna ako sa may CR para i-kundisyon ang sarili ko.

Pagdating ko sa may CR ay sinalubong ako ni Rence at Oreo na palabas ng CR. Nabanggit sakin ni Rence at Oreo na tawang-tawa daw sila sa ginawa naming apat nina Unisse, Rose at Waze-kung alam lang nila...

Pagbalik ko sa lamesa ay wala na si Unisse. Nang tanungin ko si Waze kung nasaan si Unisse ay sinabi niya lang na dumating si Rence at umalis silang dalawa ni Unisse palabas ng Gym-buti na lang at lumabas sila at makakapag focus na rin ako ng 110% kay Rose.

"Kwerts may gusto ba sayo yung babae kanina, si Unisse? Sabihin mo sakin yung totoo."

"Ayokong masira yung araw mo Rose, tapos maghohost ka pa. Sa ibang araw na lang natin pagusapan 'to"

"Sabihin mo na ngayon, gusto ko lang magmula sayo ang totoo. Kung magagalit man ako, ay natural lang yun at kung sasama man ang loob ko ay natural lang din. Ang ayoko lang ay yung pagsinungalingan ako ng iba lalo na yung mga taong ma-never mind. Ano na?"

Pinaliwanag ko ang lahat kay Rose sa mga oras na yun ang relationship namin ni Unisse, na kababata ko siya, na childhood sweetheart niya ako, na nahulog ang loob ko sa kanya, pero agad ding nawala dahil nagtapat siya na may boyfriend siya at ayaw kong masira ang relationship nila at yung katotohanan na wala akong feelings para sa kanya maliban sa pagkakaibigan.

After marinig ni Rose yun, ay agad naman niyang sinipa yung legs ko.

"Buti at honest ka, gets ko na ngayon. Salamat Kwerts-sabay tayong kumain mamaya ha? Last activity na lang 'to bago maglunch kaya hintayin mo ako ha?"

Pagbalik ni Rose sa dance floor ay tinawag na niya si Sir Hal para sa susunod na activity bago ang lunch break.

"Okay, everyone. Our next activity is one of my personal favorites if paired with a beautiful partner. Please get ready for the Newspaper Dance! I have here in my fish bowl all of your names separated into male and female. I will pick one name from na boys and one from the girls and you will be partners for this game okay?"

Naku! Newspaper Dance! Mabuti na lang at naisipan ni Sir Hal na isali itong sugestion ko, pero doon sa suggestion ko ay pwedeng mamili ng partner. Paano na niyan kung mabunot ako tapos ipartner ako sa iba? Hay... Ito talagang si Sir Hal! Dapat sinundan na lang niya yung suggestion ko ng buo!

Maya-maya ay nagtawag na si Sir Hal ng mga pangalan at ito ang mga natawag sa section namin.

Vic and Silvia

Betbet and Petra

Queens and Other Section Student

Cis and Riz

Topey and Other Section Student

Donita Other Section Student

Ice and Oreo

Tapos apat na pairs pa na mula sa ibang section.

"Okay... and the last pair for our Newspaper Dance-Waje Santiago from Section Courage and-Everette Antonio from Section Bravery"

HSL: Highschool LifeWhere stories live. Discover now