4:8 Surprises

114 12 7
                                    

Immediately pagkatapos naming umakyat ng stage para kunin ang throphy namin ay dumiretso agad kami sa faculty office para surpresahin si Ms. Rodriguez. Inisip namin na siguradong magtutuwa siya dahil nag-champion kami sa sabayang pagbigkas.

Sabay-sabay kaming umakyat at hawak ni Z at Xan yung throphy. Nang makarating kami sa may faculty office ay bigla naming binuksan ang pinto at sabay-sabay kaming sumigaw nang 'WE ARE THE CHAMPIONS!!'—laking gulat namin nang makita namin si Ma'am na nakahadusay sa sahig at walang malay.

Lahat kami ay natahimik, pero may isa sa amin gulat na gulat at napatakbo agad kung nasaan si Ma'am: si Yuwan. Hindi namin maintindihan nang mga oras na yun kung bakit siya sobrang concerned kay Ma'am, pero bigla na lang siyang nagsalita.

"MAMA!!! Anong nangyari sa'yo!?—ano ba ang tinitingin niyo diyan! Tulungan niyo ko! Si mama dalin natin sa hospital!!!"

Hindi ako makapaniwala. Lahat kami ay hindi makapaniwala— Nanay ni Yuwan si Ma'am!? Akala ko coincidence lang na parehong Rodriguez ang last name nila. Since Grade 2 ko pa classmate si Yuwan, pero kahit minsan ay hindi ko man nakita na lumapit siya kay Ms. Rodriguez. Bakit naman nila kailangang itago na mag-ina pala silang dalawa?

Dali-dali naming sinugod si Ma'am sa city hospital. Dahil sobrang dami namin, si Yuwan, Yutu, Z, Xan, Rose at ako lang ang sumama.

Pagdating namin ng hospital e diretso agad si Z at Yuwan sa may ER at naghintay na lang kaming natitira sa may lobby. Habang nasa may lobby kami ay napagusapan namin yung revelation na nasaksihan namin ngayong araw.

"Hindi ako makapaniwala na mama pala ni Nix si Ma'am Rodriguez".

"Actually Xan, ayaw ni Nix na ipaalam sa lahat yung sekreto nila."

"Ibig mong sabihin Fred alam mo na nanay ni Nix si Ma'am?"

"Oo, matagal na. Kasi diba lagi akong pumupunta kina Nix noon nang Grade 2 pa lang tayo. Doon ko nalaman na nanay niya pala si Ma'am"

"Eh diba sabi satin ni Nix dati bawal tayong pumunta sa bahay nila kasi may sakit yung mama niya na nakakahawa?"

"Naniwala ka naman Kwerts. Oo, may sakit si Mama ni Nix, pero hindi nakakahawa. Dahilan lang ni Nix yun para walang makaalam, pero ako siyempre mapilt, kaya walang nagawa sakin si Nix."

"Ah... Eh anong sakit ni Ma'am?"

"Mayroon siyang Psychosomatic Ilness—pasensya na kung hindi ko sinasabi sa inyo ang condition ni Mama at ang relationship naming dalawa. Para kasi yun sa ikabubuti niya."

Nang mga oras lang na yun ko nakita na ganoon kaseryoso si Yuwan. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pinagdadaanan niyang sakit. Tama nga ang sabi nila. Ang mga tao na malungkot ang buhay ang may pinaka-masayang tawa at may pinaka-matamis na ngiti.

Matapos noon ay kinuwento na ni Yuwan ang lahat tungkol sa mama niya na adviser namin. Nalaman namin na nagsimulang lumala ang sakit ng mama niya last year lang at kaya siya lumipat ng department from Elementary to High School. Part daw yun ng theraphy niya para maayos ang problema niya. Yun bang parang pain theraphy, dahil ang trigger ng sakit ni Ma'am ay strong emotions tulad ng sobrang galit, saya, lungkot basta sobrang emotion. Doon lang namin naintindihan kung bakit nagwalkout si Ma'am noong Nutrition Day at bakit bigla na lang siyang naging cold sa amin.

Isa pa sa pinaka-malaking inamin ni Yuwan sa'min na talagang nagpaluha sa aming apat ay kung gaano kami kamahal ni Ms. Rodriguez at kung gaano niya kaming gustong tulungang maging maayos at mabuting mga studyante—hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, pero tama nga ako na mabait talaga si Ma'am. Nang mga oras na yun eh hindi na tumigil sa pag-iyak si Rose, Z at Xan.

Tinatablan na rin ako nang mga oras na yun kaya nag-excuse muna ako para ibili sana sila ng inumin. Sarado na ang mga tindahan sa loob ng hospital ng mga oras na yun kaya sa labas na ako bibili, pero pag labas ko ng hospital nakita ko si Len na mukhang papasok ng hospital. Tinanong ko si Len kung bakit siya pupunta ng hospital. Ang sabi ni Len e ngayon na daw idi-discharge yung Kuya niya sa pagkaka-confine.

Pagkatapos naming magusap ay bumili na ako ng mga inumin para kina Yuwan—pagbalik ko ng hospital ay diretso ako kaagad sa labas ng ER para ibigay yung mga inumin nina Yuwan, pero pagdating ko e si Rose at Xan na lang ang nasa labas. Ang sabi ni Xan ay pumasok na sa loob si Yutu para tulungan si Yuwan sa paperworks.

Maya-maya ay lumabas na si Yutu na may dalang papel ang sabi ni Yutu ay kailangan daw yun dalin sa may medical benefits office ng hospital nagvolunteer na ako na ako na lang ang gagawa, para hindi ako maiwan kasama ni Rose at Xan, pero hindi ko expect ang sunod na nangyari.

Pinasama ni Xan si Rose sa akin. Hindi na ako nakatanggi dahil baka ano pa ang isipin ni Rose sa akin. Hanggang ngayon ay magulo pa rin ang mga nararamdaman ko para sa kanya. Kaya hinayaan ko na lang siyang sumama. Nanahimik na lang ako habang papunta kami sa may Medical Benefits Office.

Pareho kaming walang imik habang naglalakad ng office. Napaka-awkward ng sitwasyon naming dalawa, pero mas mabuti nang manahimik kaysa may masabi pa akong mali.

Pagdating namin sa office ay mabilis namang naayos yung mga papel ni Ma'am kaya mabilis din kaming makakabalik ng ER. Habang pabalik na kami sa ER ay nakita namin si Len at ang Kuya niya na pasalubong naman sa amin. Nang medyo malapit na kami ay may napansin ako sa likod ng Kuya niya—nang nakita ko na nang maayos kung sino ang nasa likod niya ay kumabog ang buong mundo ko!

SI ACES!!!

HSL: Highschool LifeWhere stories live. Discover now