2:4 Lovesickness

202 20 7
                                    

Nagsimula si Xan kina Cis at Kimpot dahil magkasabay ang laban nilang dalawa ngayong morning, pero sabi nila ay kaya na nila at wala ng dapat ipagalala. Dag-dag pa nila ay mag-focus na lang kami sa mga activities ng afternoon dahil yun ang highlight ng buong araw.

Agad namang pumayag si Xan dahil kampante siya sa talent nilang dalawa at alam naming lahat na kung meron man na sigurado kaming mapapanalunan namin ngayong araw na 'to ay yun ay ang Essay Writing at Poster Making Contest!

Makalipas ang ilang minuto ay tinawag ni Xan si Rose at after nilang magusap ay umalis din si Rose agad—napansin ko na medyo mukang nagaalala si Xan dun sa dalawa kaya niya pinapunta si Rose para i-check silang dalawa.

"Kwerts pwede mo bang dalin 'tong mga extra materials para kay Cis at Kimpot kasi nakalimutan kong ipadala kay Rose kanina—nagaalala kasi ako sa kanila. Kahit sinabi nila na kaya na nila at may tiwala yung mga classmates natin e mas mabuti pa rin yung talagang sigurado tayo diba?"

"Sa library? Nandoon si Rose diba? Pwedeng iba na lang ang utusan mo dahil natatakot ako sa mga tingin sakin ni Rose. Si Fred na lang ang utusan mo o kaya naman ay si Nix."

"Ha ha ha! Nakakatawa ka naman Kwerts! Hindi galit si Rose sayo! Magtiwala ka sakin. Kaya sige na pumunta ka na sa Library. Papaliwanag ko sayo mamaya pag balik mo dito."

Wala na akong nagawa sa request ni Xan kundi sundin na lang at pumunta sa Library—ang hindi ko lang maintindihan e paano niya nasabi na hindi galit si Rose sakin?—parang may alam siyang hindi ko alam...

Pagdating ko sa Library ay nakita ko sa Rose na tulala at nakatingin lang sa may bintana at parang naguguluhan siya sa mga nakikita niya.

"Ah... Rose. Sabi ni Xan bigay ko daw sayo 'to. Sabi niya ba—"

"Nakakainis talaga si B! Akin na nga yang plastic!—hay... ano kayang nangyari sa kanilang dalawa..."

Bigla akong napatingin sa may bintana ng Library. Pagtingin ko ay mukhang maayos naman, pero nang tingnan kong mabuti ang dalawa, ay wala pa silang matinong natatapos. Sa tabi ni Kimpot ay puro lukot at binilog na papel. Ang papel na sinusulatan niya ay wala pang laman.

Si Cis naman eh 1/4 pa lang ng illustration board niya ang nalalagayn niya ng drawing. Pareho pa silang natataranta. Ang mahirap pa e halos less than 10 minutes na lang e tapos na yung oras na binigay sa kanila kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko—kahit takot ako kay Rose e tinanong ko na rin siya.

"Rose a—anong nangyari? Bakit parang wala pa silang nagagawang matino?"

"Hindi ko alam, pero pagdating ko dito kanina e nakita ko na titig ng titig yung dalawa sa mga ibang participants. Sinubukan kong kunin ang attention nila, pero nang nakuha ko ang attention nila e nagulat na lang sila, tapos bigla na lang silang nagmadaling magsulat at magdrawing."

Pagkatapos ipaliwanag ni Rose yun ay pinagmasdan kong mabuti ang loob ng Library at  tiningnan ko kung kanino nakatingin yung dalawa.

Si Kimpot ay nakatingin doon sa 4th Year representative sa Essay Writing yung top 1 ng Section Victory. Andrew daw yung pangalan noon sabi ni Rose.

Si Cis naman ay nakatingin sa babaeng nakaupo sa may pangatlong table. Nang medyo mamukhaan ko na kung sino yun ay nagulat ako—siya yung kapitbahay namin na si Freya. Sa pagkakaalam ko ay siya ang representative ng Region namin para sa National Arts Contest last year—ibang klase 'tong dalawang 'to, kung gaano sila kagaling sa talent na meron sila e ganoon naman sila kadaling madistract sa mga crush nila.

Papasok na sana ako sa Library, pero pinigilan ako ni Rose. Sabi niya e wala daw pwedeng pumasok sa loob. Judges at mga participants lang daw ang pwede.

Wala tuloy kaming nagawa kundi maghintay at ipagdasal na sa natitirang oras ay makagawa pa rin sila ng isang magandang Essay at Poster.

Pagkatapos ng oras ay lumabas na ang dalawa sa library—grabe! Pareho silang mukhang naluge ng milyon-milyon. Gusto kong magsalita at pagaanin ang loob nila, pero natatawa ako sa itsura nilang dalawa—Lovesick na Lovesick!

"Rose, sorry... Hindi ko nagawa ang best ko. Actually, alam na alam ko na ang isusulat ko, pero na-distract ako. Hindi ko naman alam na sasali pala si Kuya Andrew e crush ko siya since Elem pa lang ako kaya natameme ako at nawala sa sarili. Sinubukan kong tapusin yung sinusulat ko, pero naubusan na ako ng oras. Sorry talaga..."

"Ako rin, Rose sorry... Super crush ko kasi si Freya at kanina bago magsimula yung contest ay bigla niya akong kinausap kaya sobrang nadistract ako. Kahit minsan ay hindi ko pa siya nakausap kaya nang kinausap niya ako talagang  nawala ako sa sarili ko. Habang nagdo-drawing ako e siya lang ang nasa-isip ko kaya hindi ko agad natapos yung ginagawa ko sorry..."

"Okay lang yan Cis, Kimpot naiintindihan ko kayo. Iba talaga ang nagagawa ng PAGIBIG! Ha ha ha! Sigurado ako na maiintindihan din kayo ng mga classmates natin—siya nga pala Cis, kapitbahay ko si Freya... kung gusto mo tutu—"

Sabay naman akong sinipa ni Rose sa legs at sinermonan yung dalawa. Tanong ni Rose doon sa dalawa ay bakit daw imbes na mainspire at mas gawin pa nila ng best yung entry nila ay kabaliktaran pa ang nangyari. Ang sagot naman daw nang dalawa e kryptonite daw nila yung mga crush nila—meaning, baliktad talaga ang effect sa kanila.

Naintindihan naman ni Rose yung dalawang lovesick naming classmates kaya sinabi na lang niya samin na siya na ang bahalang magpaliwanag kay Xan sa mga nangyari.

Mabait naman pala si Rose kahit papano...

HSL: Highschool LifeWhere stories live. Discover now