4:10 Qwerty's Mind

84 12 6
                                    

Huminto ang mundo ko ng makita ko si Aces. Sa ilang segundo na yun ay bumalik lahat ng ala-ala ko nang una kong makita si Aces. Ganun pa rin ang nararamdaman ko, slow motion pa rin lumiliwanag pa rin siya na parang anghel at nagniningning na parang prinsesa.

Hindi ako makapagsalita at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Lahat nang tao at bagay sa paligid ay  unti-unting nawala at at naging parang rainbow ang kulay ng paligit at tanging kaming dalawa lang ni Aces ang magkasama.

Nakita ko si Aces na parang unti-unting lumalapit sa akin at parang may gustong sabihin sa mga oras na yun, pero hindi ko marinig. Hindi naman ako makapagsalita sa pagkikita naming muli. Ang tanging bagay na gumagalaw sa isip ko ay lahat nang ito ay produkto ng destiny at planado ni Lord. Minsan sa isang palabas sa TV ay may narinig akong sinasabi ng isang host na wala daw accidente, na lahat nang bagay sa mundo ay nangyayari dahil may dahilan.

Hindi ko mapaliwanag kung ano ang nangyayari sa akin. Ganito ba talaga ang in-love? Ganito ba ang pakiramdam ng TRUE LOVE? Hindi ko na maintindihan ang tibok ng puso ko. Bumibilis, bumabagal, kumakabog, nanginginig. Higit pa sa poste ng meralco na nakadugtong sa akin ang pakiramdam para akong sunod-sunod na kinikidlatan at bawat tama nang kidlat ay lalong tumitindi. Nagmamanhid ang buo kong katawan, nararamdaman ko pa rin ang bawat pawis na pumapatak mula sa katawan ko. Nararamdaman ko pa rin ang bawat hininga na lumalabas sa katawan ko. Ito ba ang TRUE LOVE?—o baka naman may sakit na ako!? Hay... nakukuha ko pang bumitaw nang joke sa mga oras na 'to.

Maya-maya ay parang mas lalong lumapit sakin si Aces at humawak sa braso ko pababa papunta sa mga kamay ko at nilock ang mga daliri niya sa mga daliri ko. Totoo ba 'to o nananaginip lang ako? Lalong tumindi ang mga nararamdaman ko. Pakiramdam ko na lahat ng pores sa katawan ko ay sumisingaw ng steam na painit ng painit. Ang bawat segundo na lumilipas ay lalo lang nagpapalakas at nagpapabilis ng paglabas ng init. Parang yung diniscuss lang sa'min ni Teacher Flow sa science yung mga gai—gai—gysers ba yun? Lahat ng pores ng katawan ko ay parang mga maliit ng gysers na naglalabas ng steam. GRABE NA 'TO.

Habang nararamdaman ko ang mga signus ng pag-ibig ay naalala ko ang unang araw na magkita kaming dalawa. Hindi ko maikumpara ang itsura niya dati sa itsura niya ngayon. Lalo siyang gumanda at lalong lumiliwanag ang kanyang mukha at katawan. Paulit-ulit na nagrerewind ang unang pagkikita namin sa mga mata ko. Ilang sandali lang ay bigla akong nakaamoy ng napaka-halimuyak na amoy. Daig pa ang lahat ng bulaklak na pinagsama-sama at pinagkasiya sa isang bote para gawing pabango... Ito ba ang amoy ni Aces? Kasabay ng halimuyak ng hangin ay ang parang isang ochestra ng ibat-ibang instruments na sabay-sabay na tumutugtog. Kahit na hindi pa ako nakarinig ng orchestra ay parang alam ko na ang musikang tinutugtog nila.

Bigla na lang naging third person view ang nakikita ko, parang umalis ang kaluluwa ko sa katawan ko at nakita ko ang sarili ko na kasama si Aces—bagay pala kaming dalawa.

Pero habang pinagmamasdan ko ang third person view naming dalawa ay dahan-dahang nagbabago ang itsura ko. Para akong nagtatransform parang si morph o mystique sa x-men. Bigla na lang nagiiba ang itsura ko at nagiging ibang lalake ako. Unti-uniting huminto ang mga kidlat at unti-unting nawala ang mga rainbows. Dahan dahang nanlamig ang katawan ko at napalitan ang musika ng isang tunog ng kamatayan o pagkasawi. Nawala rin ang bango sa paligid—bigla akong bumalik sa realidad!

Nahawak si Aces sa kamay ng isang lalake... Hindi lang nakahawak kun'di nakahawak! Nakalock ang mga daliri nila sa isa't-isa. Hindi ko matingnan yung lalake, pero alam ko na mas matanda siya sa akin.

Si—si—siya ba a—ang bo—bo—boyfriend ni e—e—Aces? HINDI PWEDENG MANGYARI 'TO!!!!!!!

Nang mga oras na yun ay gumalaw ang katawan ko nang mag-isa. Wala na ako sa sarili at hindi ko na alam kung ano ang susunod na galaw ng katawan ko. Ito siguro yung sinasabi nilang 'defense mechanisim' ng tao para protectahan ang sarili sa kapahamakan at nagbabadyang kahihiyan.

Dumikit ang katawan ko kay Rose. Nagdikit ang mga kamay naming dalawa at dahan-dahang nilock nang bawat daliri ko ang bawat daliri niya. Hindi ko maintindihan, pero nang mag-lock ang mga daliri namin ay humigpit bigla ang hawak ni Rose sa kamay ko na parang nangungusap sa akin na 'Huwag kang mag-alala. Nandito ako hindi mo kailangang matakot.' Bigala na lang akong kumalma at bumalik sa control ko ang katawan ko.

Ano 'tong nangyayari sa'kin? Masyadong mabilis ang lahat. Hindi masabayan ng utak ko ang mga nangyayari. Narinig ko na lang na bumulong si Rose sa'akin sa isang pinaka-malambing at mahinahon na boses...

"Kwerts, akong bahala sa'yo."

HSL: Highschool LifeWhere stories live. Discover now