6:9 Everette to...

82 13 3
                                    

-and why do I feel this weird feeling?

Love Theory #16: Love makes you ask a lot of questions that could confuse you and make you question even more.

Sa dami ng mga tanong sa isip ko ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Naghalo-halo na ang lahat sa isip ko-pero bakit kaninang nandito si Waze ay parang bula na nawala ang mga problema ko at gumaan pa ang pakiramdam ko. Parehong-pareho ng nangyari samin ni Rich dati-ano naman kaya ang ibig sabihin noon? Na may gusto ako kay Waze?-kung sabagay nakakapagtaka na bigla na lang dumulas sa mga labi ko kung pwede ba na siya na lang ang maging Boy Friend ko. Anong ibig sabihin nitong nararamdaman ko?

Medyo wala pa rin ako sa sarili ko sa mga nangyari kanina samin ni Kuya Chard nang mapatingin ako sa regalo na ibinigay ni Waze sa akin-isang maliit na box na nababalot ng violet na wrapping-pano niya nalaman ang paborito kong kulay?

Bubuksan ko na sana yung box nang maalala ko na kailangan kong bumalik sa loob ng gym dahil sa exchange gift na pala sa mga oras na yun.

Nagmamadali akong pumunta sa gym habang kino-compose ko ang sarili ko-ayokong makita ako ng mga tao na wala sa sarili-I mean-ayokong mapansin ako ng mga tao.

Pagdating ko sa Gym ay nagtatawag pa rin ng mga pangalan si Ms. Cabrerra-sana hindi pa ako natawag...

"Okay halos matatapos na rin tayo sa ating exchange gift activity next is Rose Ortega."

"Ma'am ang nabunot ko po ay si Jordin Evangelista"

Bakit bigla ko nanamang naalala yung nangyari sa hospital? I'm already 100% sure that she and Kwek-kwek are really a couple, pero why do I still feel something different from her? And more importantlty to Kwek-kwek-ugh!-I don't need to focus on these things, but how can I focus if I picked-

"Okay everyone dahil nabigay na ni Jordin ang regalo niya, we need to call another name...Okay, where is Everette Antonio?"

It's my time. I just need to make this as fast as possible para wala nang maging issue pa.

Habang papunta ako sa may dance floor ay hindi ko mapigilang kabahan. Hindi ko alam kung dahil ba sa mga taong naka-tingin sakin, sa nangyari kanina with Kuya Chard, sa mga nangyari kanina with Waze or dahil ang nabunot ko ay si-

"I picked Mr. Kwe-Qwerty Roberts..."

The moment I said that line, I spaced out. I couldn't even think straight. Mas lalo akong nawala sa sarili ko nang makita ko na papalapit na siya sa akin-it's like first day of school all over again-well that's what I've thought.

"Salamat sa gift Eve..."

Then he walked away. Fuck! What's wrong with me? Am I assuming this whole time? Na iniisip ko na may feelings siya towards me kaya I did everything to avoid him-I'm so stupid!-and I think, I owe him an apolgy.

"Okay, si Everette na pala ang last. I hope you enjoyed our Christmas Ball 2000. See y-"

"Sorry to butt in Ms. Cabrerra, pero I thing our student wants to have something more to end this beautiful day!"

"What do you mean Sir Santiago?"

"I mean, this wouldn't be a ball without some dancing diba? So please play that music DJ and let everyone dance and enjoy the rest of the afternoon!"

At pagkatapos ng linya na yun ni Mr. Hal ay bigla na lang tumugtog ang napakalakas na upbeat music at nagsimula ng magpuntahan ang lahat sa Dance Floor.

At yun na rin ang cue ko na mag-disappear sa eksena at hopefully makauwi na rin-kakausapin ko na lang si Tito Domz na palabasin ako ng maaga-pero something unexpected happend-as I was walking away from the Dance Floor, Mr. Hal grabbed me from my arms and started dancing with me in the crowd.

"Don't tell me you are going to walk away from the best part of the Ball? Nagsisimula pa lang ang party my dear."

"A-ano po kasi-I mean-"

"Don't reason out with me Ms. Antonio. You are a bad liar. I just want to dance with one of the pretiest girl in this school-and I want to tell you a secret-my nephew likes you."

Anong sabi ni Mr. Hal? May gusto sakin si Waze? Napaka-imposible naman ng sinasabi niya... Magbibiro na lang siya, yun pang napaka-hirap paniwalaan. I know he's sweet, cool and charming, pero obvious naman na wala siya gusto sakin... diba??

"I know what you are thinking dear. Don't be naive okay? I need to go. I need to dance with other beautiful girls! Mata ne! (See you later!)-oh! I almost forgot... Dai suki desu means I like you very much, and in Japan it actually means I love you. Bye!"

Huh? Bakit niya sinabi yun? Dai ski des? I like you very much? Daboju dai ski des-teka! Parang yun yung sinabi ni Waze kanina sa Newspaper Dance ah! Which means...

"Shall we dance?"

HSL: Highschool LifeWhere stories live. Discover now