TNQ 9: Tricks

9.1K 234 40
                                    

Lion's POV:

"Mahal,ay lakad kami mamaya huh? Iiwan ko muna sayo si Baby.. Pleaseeee...!" paalam ni Kate sabay kandong sa akin at yumakap pa sa aking leeg.

Di ko tuloy mapigilang mapangiti.

She really know how to make me say 'yes'. Alam niyang konting lambing lang ay mapapa oo na niya ako.

"Papayag na yan..." dagdag pa niya at nilaro laro ang collar ng aking damit.

Tss.. Kung di lang ba isang buwan pa lang mula ng panganganak niya ay malamang binuhat ko na siya patungo sa aming kama.

"Okay.. But, tell me first kung saan at sino ang makakasama mo sa lakad?" ako.

Lumawak naman ang ngiti niya..

"Just girl bonding.. Thank you.. Bihis lang ako!" sambit niya at ginawaran ako ng mabilis na halik sa labi sabay kindat at tayo. Napakunot noo tuloy ako.

"Akala ko ba mamaya pa?" tanong ko.

Ngumisi naman siya.

"Dadaanan ko pa si Mon eh.." halos pasigaw na din niyang sagot at nakapasok na siya sa silid.

Iiling iling na itinuloy ko nalang ang trabaho na inuwi ko. Mula kasi ng maging Uno si Lian ay ako na ang humawak sa kompanya namin..

Hands on na sila ni Dad sa training sa pangangasiwa niya sa mafia. Although Lian is a good leader, very skilled one, but she still needs guidance from elders and mostly the Pentagon na ilang taon o henerasyon na ding namamahala sa mafia.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga files saka humarap sa computer at nagsimulang magtipa.

****

Jaya's POV:

Magkasama kami ni Gian ngayon at naglunch date. Parehas kasi kaming nakatyempo na bakante ang isa't isa.

Buti nalang at naging tahimik na din ang buhay namin simula ng maging Uno na si Lian.

Pinagmasdan ko si Gian habang kumakain ng pasta. I just couldn't help but smile. Naaalala ko pa kung paano kami magkaasaran noon, but look at what we have now, were almost 2mos na din na mag-on and so far, wala pa kaming pinag-aawayan..

"Uhm.. Love, kumakain pa ko.. Mamaya mo na ako pagnasaan.." nakangiti nitong sabi. Kaagad na umiinit ang aking pisngi sa sinabi niya. Alam kong sa mga sandaling iyon ay pulang pula ang aking mukha.

"Hmp! Dream on boy! Wala akong pagnanasa sayo!" impit na sigaw ko sabay irap sa kanya. Kaasar kasi. At sinuklian lang naman niya ito ng malutong na tawa.

Napailing nalang ako at kinuha ang cp sa bag ko dahil tumutunog na ito.

Si Nina pala ang tumatawag..

Kaagad na pinindot ko ang accept botton at sinagot ang tawag ni Nina.

'Oh Nin, napatawag ka?'

'Lets meet.. Kasama ko sina Mon at Kate.. Tara bonding tayo!'

Lumawak ang ngiti ko sa narinig. Tinaasan naman ako ng kilay ni Gian na kanina pa yata nakatingin sa akin.

Kinindatan ko lang siya at itinuloy ang pag-uusap namin ni Nina.

I miss them..

****

Rave's POV:

Punch.. Punch... Punch..

Panay at sunod sunod ang ginawa kong pagsuntok sa punching bag. Tila dito ko ibinuhos ang lahat ng magkahalong damdamin sa aking puso.

ILYMG Final Book: The New QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon