TNQ 17: Taking Over

8.7K 235 23
                                    

****
Rave's POV:

Pasulyap-sulyap ako kay Lian habang nagmamaneho pauwi matapos naming maihatid si Nick.

Wala siyang kibo at pansin ko ang mahigpit na hawak niya sa manebela. Para bang pinipigilan pa rin niya ang galit na gustong mag-alpas sa kaloob looban niya.

I wonder kung sino ang nakalaban nila ni Nick...

Gustohin ko mang magtanong ay tila napipilan naman ako sa aura ni Lian.

Padaskol maging ang pagparada niya sa kotse. I follow her and start asking.

Kung anuman ang nangyari ay gusto kong malaman ito.

"Angel ko, sino ang nakalaban niyo?" tanong ko at binilisan ang hakbang upang makapantay sa galaw niya.

Ngayon ko lang siya nakikitang ganito after a fight. Kadalasan kasi ay kalmado na siya at nakangiti.

Subalit wala pa rin siyang kibo at tuloy tuloy na pumasok sa silid namin. Muntik pa akong matamaan ng pinto nang padaskol niya din itong isara.

Whats wrong with her?

"Lian, im talking to you.." tawag ko sa kanya at nahawakan ko siya sa braso nang maabutan ko siya sa may tabi ng aming kama.

Sinulyapan niya lang ako at may kinuha sa loob ng drawer..

"This is yours.." usal niya saka inilagay sa kamay ko ang isang malamig na bagay.

Napalunok ako ng makita kung ano ito. Lumakas ang tahip ng aking dibdib at naglabasan ang gamunggong pawis sa noo ko kahit di naman mainit sa loobng aming silid.

"Kelan pa Rave? Kelan mo pa ako niloloko?" malamig na tanong niya. Matalim ang kanyang titig na kung makakamatay lang ay tyak na bumulagta na ako.

Napaatras ako ng konti.

"A-angel ko.." di ko alam kung ano ang sasabihin. Tila nanuyo ang lalamunan ko.

"Aileen Park.. Nick's best friend and your... Ex.. Bakit Rave? Malaki na ba talaga ang pagkukulang ko para gawin mo sa akin to? Hindi pa ba sapat na ilang beses ko nang ibinuwis ang buhay ko mabuo lang ang pamilyang ito? Ang mapatunayan lang sa inyo.. Sa iyo... Kung gaano ko kita kamahal?" tanong ni Lian.

May nagbabantang luha na sumungaw sa kanyang mata pero di man lang ito pumatak bagkos ay napalitan kaagad ng poot ang kanyang aura.

Itinaas ko ang aking kamay upang sana ay hawakan siya pero kaagad niya itong tinabig palayo.

"Angel ko... I-im sorry.." tanging katagang lumabas sa aking bibig.. Wala akong maapuhap na tamang salita.

Alam kong kahit anong sabihin ko ay di ko na mapaglubag ang kanyang kalooban.

Muli akong humakbang palapit sa kanya upang muli lang mapaatras dahil sa isang iglap ay nakatutok ang kanyang baril sakto sa noo ko.

"A-angel ko.. L-Lian.." nautal na sambit ko. Nakakasa ang kanyang baril at nakatutok sa akin. Bakas ang pagkamuhi sa kanyang mata.

"Don't come near me Rave.. Nor calle that word again.. You liar!" sambit niya.

Tila nanghina ang tuhod ko sa narinig at kusa akong bumagsak paluhod sa kanyang harapan.

Wala na.. Nasira ko na ng tuluyan ang pagmamahal ni Lian at di ko alam kung maibabalik ko pa ba ito.

"I'm sorry.. I didn't mean to hurt you.." usal ko kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mata.

ILYMG Final Book: The New QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon